Chapter 33:

12.4K 297 1
                                    

A/N: Hey guys! konting-konti na lang matatapos na to. Eto dahil nasa mood ako, nakagawa ako ng chapter 33. hahaha! enjoy guys! ^___^

======================================================================

ASHLEY'S POV:

"Couz!" narinig kong tawag sakin.

Naghahanda kami ngayon para sa gaganaping dinner mamaya dito sa bahay. Agad ko namang nilingon yung tumawag sakin.

"Ate Nikka!" nakangiting bati ko dito.

"So how's my favorite cousin?" sabi nito.

"Eto kinakabahan. Mamaya kase ipapakilala ko na kay mommy yung taong nagpapasaya sakin"

"So who's the lucky guy? Yun ba yung kinkwento mong nanliligaw sayo noon?"

Umiling naman ako.

"I'm excited to meet him"

"Meet her ate" nnahihiyang sabi ko dito.

Nanlaki naman agad ang mata nito.

"Holy Shhhh!!!" malakas na sabi nito.

Napatingin naman agad sa paligid namin. Nakatingin silang lahat samin. Ang lakas kasi ng boses nitong si Ate Nikka eh. Aish!

"Ate pwedeng hinaan lang natin yung boses natin? Kase mas lalo mo kong pinapakaba dyan sa mga ginagawa mo eh"

"Seryoso ka ba dyan couz?" mahinang tanong nito.

Tumango naman ako.

Agad nya kong hinila papasok sa kotse nya.

"San mo ko dadalhin? Baka hanapin ako ni mommy"

"Sabihin mo kakain lang tayo ng breakfast sa labas"

Wala akong nagawa kundi sumunod. Etong si Ate Nikka masyado talagang bossy. Pag sinabi nya dapat gagawin mo. Pag hindi mo ginawa aawayin ka ng bongga.

Pagdating namin sa restaurant ay agad syang umorder ng kakainin namin. Pagkatapos ay bumalik sya sa table namin ng nakangiti.

"So couz, spill" nakangiti pa ring sabi nya sakin.

Sabi ko na nga ba. Magpapakwento lang tong babaeng to. Pero mas ok na dito kami mag-usap sa labas. Baka kasi pag sa bahay kami, may makarinig pa samin eh.

At dahil sya si Ate Nikka, wala akong nagawa. Kinwento ko sa kanya mula nung una kaming magkakilala ni Allysa. Hanggang nung nagcollege kaming dalawa. Nung time na nagpaligaw sya saiba at ganun din ako. Kinwento ko din yung mga double dates, yung selosan, yung pagdating ni Kristal sa buhay namin, hanggang sa iwan nya ko. Nalaman nya din na dahil kay Allysa kaya ako laging nagpapakalasing non. Naalala ko pa kase na lagi akong pinagsasabihan non ni Ate Nikka pero hindi ko sya pinapakinggan. Nakwento ko din sa kanya nung bumalik si Allysa. Kung papanong hindi ko maipaliwanag yung kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa ayun nga naging kaming dalawa.

"Mahal mo talaga sya no?" nakangiting tanong nito.

"Sobra Ate."

"Kitang-kita kasi sa mga mata mo habang nagkkwento ka. Alam mo, masaya ko para sayo kase nahanap mo na yung taong mahal mo at mahal ka din"

"Ikaw din naman Ate diba?"

"Yeah, maswerte din ako kase nakilala ko si Grace. Alam mo nagulat din ako, sigurado kase ko non sa sarili ko na straight ako. Pero nag-iba lahat nung nakilala ko sya. Ginawa ko ngang lahat para umiwas sa kanya pero habang iniiwasan ko, lalo syang napapamahal sakin. So sabi ko sa sarili ko. Bakit hindi ko i-take yung risk? Kung magiging masaya naman ako diba? Hindi naman kasi lahat ng tao maswerte na makikilala yung taong magmamahal at magpapahalaga sa kanila." Sabi nito.

"Kahit alam mong pwede kang itakwil ng pamilya mo?"

"Syempre nung una, inisip ko din yan. Na papano kung hindi matanggap nila Mama, papano kung itakwil nila ko. Kakayanin ko ba? Ilang beses ko din sinabi kay Grace na maghiwalay na lang kami kase masasaktan ko lang sya. Kase hindi ko alam kung kaya ko syang ipaglaban. Sya kase pinaglaban nya ko sa pamilya nya. Eventually natanggap din nila kami. Kaso ako, kapag pumupunta sya samin non, hindi ko sya kayang ipakilalang girlfriend ko. And everytime na nandun kami, pumupunta din si Cyrus."

"Yung gustong ipakasal sayo ni tita"

Tumango naman ito.

"Alam kong nasasaktan sya everytime naririnig nya si Mama na nagkkwento about saming dalawa ni Cyrus. Yung mga plano nyang kasal para samin. Nakikita ko yung mga mata non ni Grace na gustung-gusto ng umiyak pero pinipigil nya. Sinabi ko sa kanya non na kung hindi na nya kaya, pwede na nya kong iwan. I don't deserve her. Hindi ko deserve yung pagmamahal na binibigay nya sakin. lagi ko na lang syang nasasaktan. Wala akong lakas ng loob na ipakilala sya kay Mama bilang girlfriend ko. Pero alam mo kung anong sabi nya sakin? Sabi nya, maghihintay sya sakin. Oo nasasaktan sya at nagseselos pero wala naman syang magagawa. Sinabi nya din sakin na may tiwala sya sakin at alam nyang sya lang ang mahal ko. Sinabi nya na kahit anong mangyari hinding-hindi nya ko iiwan" naiiyak na kwento nya.

"So nung tumawag si Tita kay Mommy non, yun yung time na pinakilala mo na sya?"

Tumango naman ito.

"Iaannounce na ni Mama yung engagement namin, pero pinigilan ko sya. Oo alam ko magagalit sya sakin, itatakwil nya ko, pero wala na kong pakelam don couz. Ang importante sakin, si Grace. Ayoko na syang saktan, ayoko na syang paghintayin. Kung nagawa nya kong ipaglaban, gagawin ko din. Sabi ko non sa sarili ko, mas mabuting itakwil na lang ako nila Mama kesa mawala sakin yung taong mahal ko. Kaya yun sinabi ko kay Mama. Oo nung una nagalit sya, pero natanggap nya din kami. Sobrang saya ko non. Nakita ko din kung gano kasaya non si Grace. Kaya hindi ako nagsisi dun sa naging desisyon ko. Eh ikaw, ready ka na ba sa consequences ng gagawin mo mamaya? Kakayanin mo bang ipakilala si Allysa?"

Huminga muna ako ng malalim bago tumango.

"Ready na ko Ate. Tulad mo, hindi ko hahayaang mawala sakin yung taong mahal ko/ Kilala natin si mommy, alam natin na talagang hindi nya kami matatanggap. Pero ayokong saktan si Allysa. Mahal na mahal ko sya Ate. Sya lang yung kaisa-isang taong gusto kong makasama habang buhay"

Ngumiti naman ito sakin.

"Don't worry couz. Andito kami ni Grace, susuportahan ka namin."

"Salamat Ate."

"Ano pa't naging paborito kitang pinsan kung hindi kita susuportahan"

"Pero natatakot talaga ko kay Mommy, Ate"

"Well sino bang hindi natatakot sa mommy mo? Ako nga eh, nung kinausap nya tungkol kay Grace halos gusto ko ng kainin na lang ako ng lupa bigla. Ang daming sinabi ng mommy mo. Na kesyo kasalanan daw sa Diyos, confused lang daw ako, ang babae daw para sa lalaki, etc etc"

Bigla namang lumungkot yung expression ko. Papano nga kung ganun din yung gawin sakin ni mommy? Or papano kung paghiwalayin nya kami ni Allysa? No! hindi ako papayag!

"Couz, kaya mo yan. Kung mahal mo, ipaglaban mo" sabay kindat nya sakin.

Tumango naman ako dito.

"O sya, halika na at madami pa tayong aayusin don. Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami para sayo"

"Thanks Ate! I love you!"

"And I love you too little couz" sabi naman nito.

Tama! Kung mahal ko si Allysa, kailangan ko syang ipaglaban. Dahil hinding-hindi ko kakayanin kung mawawala pa sakin ulit si Allysa De Leon.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon