Chapter 31

13.7K 302 18
                                    



ASHLEY'S POV:

"Wow, mukhang masaya yung baby ko ah" bati sakin ni mommy. Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Allysa.

"Sobrang saya ko po mommy" nakangiting sabi ko dito.

"Hmmm, at ano naman ang nagpapasaya sa baby ko? I mean SINO pala ang nagpapasaya sa baby ko?"

"Mommy talaga!"

"O eh alangan namang masaya ka ng walang dahilan. Nakakatakot naman yon baby" tatawa-tawang sabi nito.

"Eh mommy, inlove na po yata ako" nahihiyang sabi ko dito.

"Talaga baby? Ipakilala mo naman sa amin yang maswerteng lalaking yan" nakangiting sabi ni mommy.

Bigla naman akong natigilan sa sinabi nito. Lalaki daw. Shoot! Papano ko sasabihin kay mommy na babae yung nagpapasaya sakin? Na girlfriend ko na si Allysa. Bahala na, basta kailangan kong masabi to.

"Ahm ano kasi mommy---" natigil ako sa pagsasalita dahil biglang may tumawag dito.

"Yes ate?" narinig kong sabi nito. "O? what? Bakit daw? Baka naman confused lang? Mali yan ate. So tatanggapin mo na lang sya? Ok, ikaw bahala, anak mo yan eh" yun lang at binaba na nito yung phone.

Iiling-iling na lumapit ulit sakin si Mommy.

"Mommy bakit po? Anong sabi ni Tita?"

"Yung pinsan mo daw na si Nikka, ayun may pinakilala daw na girlfriend kay ate" seryosong sabi ni nito.

"Mommy si Ate Nikka? Eh akala ko po may boyfriend sya?"

"Yun nga din daw yung alam nila ate, kaya nagulat sila nung may ipinakilalang girlfriend. Nakakadisappoint lang talaga yung batang yon. Maganda naman sya, matalino, pero bakit sa kapwa pa nya babae sya pumatol? Hindi ba nya alam na mali yung ginagawa nilang yon?" iiling-iling na sabi ni mommy.

"Eh ano daw pong sabi ni tita?"

"Ayun tatanggapin naman daw nila kasi masaya naman daw si Nikka. Sabi ko nga kay ate baka confused lang bata."

Tumango-tango lang ako.

"Ano nga pala yung sasabihin mo kanina baby?" tanong nito sakin.

Shoot! Hindi ko pa pala kayang sabihin yung samin ni Allysa. Kung kay Ate Nikka nga ganito na yung reaction ni Mommy, pano pa kaya kung ako na?

"Ahm mommy wala po yon." Kabadong sabi ko. "Akyat na po ako mommy ha, napagod po kasi ako kanina" paalam ko dito.

Tumango naman ito.

"Baby, imbitahin mo yung friends mo dito sa sabado ha, pati yung nagpapasaya sayo" nakangiting sabi nya sakin.

Wala sa sariling napatango ako. Dali-dali akong umakyat sa kwarto.

Anong gagawin ko?

Maaga pa lang kinabukasan ay nasa tambayan na ko. Halos hindi rin kasi ako makatulog dahil sa pag-uusap namin ni mommy kagabi.

"Ang lalim ng iniisip mo babe ah" bati sakin ni Kristal.

"Bat ang aga aga mo kami pinapasok?" tanong naman ni Lindsey.

"Si Allysa?" tanong ni Gab.

Umiling lang ako.

"Wow, mukhang seryoso yung pag-uusapan natin ah. At parang may idea na ko kung ano yon" seryosong sabi naman ni Lloyd.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"S-si mommy" sabi ko. Nagkatinginan naman yung apat.

"Oh my gosh, alam na ni tita? Anong sabi nya? Nagalit ba?" sunud-sunod na tanong ni Lindsey.

"Hoy Lindsey wag kang OA, isa-isa lang ang tanong" si Kristal.

"No, hindi pa alam ni mommy. Pagdating ko kasi galing sa date namin ni Allysa, napansin nya na masaya ko kaya sabi nya gusto nyang makilala yung nagpapasaya sakin. Pakilala ko daw yung LALAKING nagpapasaya sakin. Tapos nung sasabihin ko na hindi lalaki yung mahal ko, bigla namang tumawag yung kapatid nya, si Ate Nikka daw may pinakilalang girlfriend. Ayun si mommy kung anu-ano na namang sinabi."

"So sa madaling salita, hindi mo nasabi yung sa inyo ni Allysa kase natakot ka sa magiging reaction ng mommy mo" si Lloyd.

Tumango-tango naman ako.

"Oh eh di humanap ka ng tamang tyempo para sabihin sa kanya lahat. Maiintindihan ka ni tita babe. Tatanggapin ka non kase mahal ka nya"

"Papano kung hindi nya ko matanggap? Kung itakwil nya ko? Kakayanin ko ba yon?"

"So gusto mong itago na lang yung relasyon nyo ni Allysa habangbuhay?" nakataas ang kilay na tanong ni Kristal.

"Hindi ko alam"

"Alam mo babe, kung sakin nangyari noon yan tapos ganyan yung gagawin mo sakin, hihiwalayan kita. Kahit mahal na mahal pa kita" seryosong sabi pa nito.

"Hindi ko kayang mawala sakin si Allysa."

"Pero hindi mo sya kayang ipaglaban."

Nakatingin lang samin yung tatlo habang nagsasagutan kami ni Kristal. Napatungo lang ako.

"Ang unfair lang babe. Ang unfair kay Allysa. Kung hindi mo pala sya kayang ipaglaban, hiwalayan mo na lang. Kesa mas masaktan mo sya sa gagawin mo"

"No Kristal. Hindi ako papayag na mawala pa sakin si Allysa. Hindi ko na kakayanin pag nawala pa sya sakin ulit" malungkot na sabi ko.

"Eh di gawin mo na kung anong dapat mong gawin!"

"Hindi ko pa nga kaya"

"Eh kelan pa? Anong gusto mo? Itago lang si Allysa?"

"Sasabihin ko naman kay mommy pero hindi pa ngayon."

Iiling-iling lang si Kristal.

"Promise Kristal. Gagawin ko lahat para matanggap kami ni mommy at para maging malaya na kami ni Allysa."

Nagkibit-balikat lang ito.

"So kayong tatlo manonood lang dyan?" komento ni Kristal.

"Ang seryoso nyo kasing nag-uusap eh. Saka halos lahat naman ng gusto naming sabihin, nasabi mo na"sabi ni Lindsey kay Kristal.

"May problema pa pala guys" sabi ko sa kanila

"Si mommy, iniinvite kayong lahat sa sabado. May pa-dinner kasi sya eh"

"Ayun lang, problema nga" narinig kong sabi ni Lindsey.

"Anong problema?" napalingon agad kami sa nagsalita. Nakangiting lumapit samin si Allysa.

Nagkatinginan lang kaming lima. Tatawa tawa naman si Allysa.

"Hoy! Ang seseryoso nyo naman! At ang aaga nyo ha!" natatawang sabi nito.

"Ano kase" kinakabahang sabi ko. Nakatingin kasi sakin si Allysa.

"May practice kasi kami dapat kanina, eh kaso hindi natuloy" pagdadahilan ni Kristal sabay ngiti sakin.

Tumango naman ako dito.

"Ah, kaya pala hindi mo sinasagot yung tawag ko kanina bie"

"Sorry bie ha"

"Sus ok lang yon. Eto pala breakfast mo, kain ka na" nakangiti pa rin nyang sabi.

"Nga pala bie, inimbita kayo ni mommy sa sabado, dinner sa bahay"

Biglang nawala ang ngiti nya at sumeryoso.

Hinawakan ko agad ang kamay nya.

"Don't worry bie, akong bahala sayo" nakangiting sabi ko dito sabay yakap sa kanya..

Paglingon ko kay Kristal, seryoso lang syang nakatingin samin.

Ako ng bahala, i mouthed.

Tumango naman ito.

Ayokong mawala sakin si Allysa. Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko sya.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon