Chapter 12

15.4K 342 5
                                    

ALLYSA'S POV:

Kailangan ko ng distraction para mawala yung nararamdaman ko kay Ashley. Ang hirap kasi ng laging kaming dalawa yung magkasama ngayon. Medyo ilang pa din kasi sya kay Lindsey pero civil naman sila. Naglalakad kaming dalawa ni Ashley ng biglang may lumapit samin. In fairness kay kuya, gwapo and mukhang mabait naman.

"Hello girls" nahihiyang bati nya samin.

Tumaas naman agad ang kilay ni Ashley. Nagsmile naman ako dahil cute naman talaga si kuya.

"Hi" bati ko.

"Ako nga pala si Gabriel Dela Cruz" pakilala nito.

"Nice to meet you Gabriel, ako nga pala si Allysa, and this my friend Ashley" pakilala ko naman. Napansin kong lalong naningkit yung mata ni Ashley. OMO! Nagseselos ba sya? Well I like the idea. Hindi naman masamang mag-assume.

"Gab na lang, masyado namang pormal yung Gabriel" nakangiting sabi pa nito.

Magsasalita pa sana ko pero biglang nagsalita si Ashley.

"Tutal, magkakilala na kayong dalawa, ok lang ba kung aalis na lang muna ako, nagmamadali kasi ako eh" sabay iwan sakin.

Hinabol ko naman agad ito. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Gab.

"Hoy bie! Hintay naman!" sigaw ko dito. Pero hindi nya ko nilingon. Lalo pang binilisan ng bruha yung paglalakad.

"BIEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" malakas na tawag ko dito. Sabi ko nga dapat hindi ko ginawa dahil pinagtinginan ako ng mga estudyanteng naglalakad. AWKWARD. Pero at least tumigil sa paglalakad si Ashley. Hingal na hingal ako ng maabutan ko sya.

"B-bie naman, bat ba nagmamadali ka? Wala pa naman tayong klase ah" sabi ko dito.

"Mag-aaral pa ko Allysa, ngayon kung nanghihinayang ka na naputol yung paglalandian nyo, lakad balikan mo sya" cold na sabi nito. And tinawag akong Allysa ha.

Napangiti ako at hinawakan yung mga pisngi nya paharap sakin.

"Nagseselos ka ba bie?" nakangiting sabi ko dito. Bigla naman itong namula at nag-iwas ng tingin.

"Pssh! Bat naman ako magseselos? Eh ang pangit-pangit naman non."

"Eh bat ganyan ka makareact?"

"Naiinis lang ako dahil kailangan kong mag-aral, at ikaw, inuuna mo pa yung pakikipaglandian" inis na sabi nito.

"Nakipagkilala lang yung tao bie, ayoko naman syang bastusin"

"Ang sabihin mo gusto mo sya!"

"Hmm, cute sya bie" nakangiting sabi ko.

Bigla na naman akong tinalikuran. Gustong tumalon-talon ng puso ko dahil feeling nagseselos talaga si bie.

"Huy! Halika nga dito" hinila ko sya paupo sa tambayan.

Iniharap ko ulit yung mukha nya sakin.

"Bie, wala kang dapat ipagselos ok? Oo cute sya pero mas importante ka pa rin para sakin. Ikaw lang bie ok?" nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sakin.

"Pero Allysa, kung gusto mo sya, ok lang naman talaga sakin, wag ka lang nyang sasaktan" sabi nito ng hindi nakatingin sakin.

"Ayoko sa iba bie. Ikaw lang sapat na. At pwede bang tigilan mo yung pagtawag sakin ng Allysa"

Natawa naman ito bigla.

"Ang corny mo, alam mo ba yun?" sabi nito.

"Whatever bie, ang selosa mo kasi, so bati na tayo?" pa-cute na sabi ko dito.

"Hindi ako selosa ok? Nainis lang ako"

"Sige bie deny pa."

"Nainis lang talaga ko and natakot bie. Kasi naisip ko, what if magka-boyfriend ka na, syempre mababawasan yung oras mo sakin" malungkot na sabi nito.

"Sus, ang arte ni bie, kahit may bf na ko bie, ikaw pa rin yung priority ko no!"

"Keso bie. Pero sige aminin ko nagseselos ako, kasi natatakot akong may umagaw ng atensyon mo. Sige ikaw nga tanungin ko, pano kung magkakaboyfriend na rin ako, ok lang ba sayo?" Hell no!

"Ayoko bie! Sakin ka lang. selfish ako" sabi ko sa kanya.

"Bie naman eh, syempre, magkakaron at magkakaron tayo ng bf sa ayaw at sa gusto natin, pero promise ko sayo, kahit magkaron ako ng bf, hinding-hindi kita papabayaan"

Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung mga luha ko.

"Bie? Bakit?"

"Ayokong magka-bf ka bie" naiiyak na sabi ko.

"Ano namang gusto mo tumanda ako ng dalaga? Sinong mag-aalaga sakin?"

"Ako. Ako na lang yung mag-aalaga sayo bie."

"Nakakatawa ka bie, ang seryoso mo. Don't worry di pa ko magbbf ngayon, studies ko muna aatupagin ko" kindat pa nito.

"Studies lang?"

"Meron pa ba dapat?"

Sumimangot ako at nagpout.

"Aish bie, sabihing wag kang magppout, ang pangit mo!" sabi nito.

Lalo ko syang sinamaan ng tingin.

"Sus, naglambing na naman ang bie ko, malamang studies ko and BIE ko yung priorities ko ngayon" nakangiting sabi nya sakin.

"Promise?"

"Promise bie. Pero ok lang talaga sakin si Gab, bagay kayo"

"Whatever bie."

"Lika nga, hug kita"

Agad naman akong lumapit sa kanya. Niyakap ko din sya.

"Wag ka ng mag-inarte dyan bie ha. I love you" bulong nito sakin.

"I love you so much bie" sabi ko naman dito.

Hay syempre mahal nya ko bilang kaibigan lang nya. Pero ok na ko don. At least sakin pa rin sya.

Ok Allysa, nasan na yung distraction na sinasabi mo?

Saka na yun, nanamnamin ko muna yung yakap ni bie. 

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon