Napahigpit ang hawak ni Kristine sa upuan ng sasakyan.

Nakatingin naman ang driver kay Kristine. Lihim itong nagpadala ng message kay Clint. Ligid sa kaalaman ni Kristine ibang cell phone ang ginagamit ni Clint.

SIR PAPUNTA KAMI NI MAAM D'YAN. BILISAN NINYO.

Agad namang natanggap ni Clint ang text kaya..

" Yheng, bilisan natin kasi medyo malayo pa ang biyahe."

Tumango si Yheng..Napansin naman ni Yheng na parang naging balisa si Clint.

Mabilis din na umalis sina Yheng.

---------------------------------

Nang marating nina Kristine ang bahay..Agad bumaba si Kristine at pumasok sa loob ng bahay..Agad itong pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay. At binuksan isa isa ang bawat silid. Hanggang napagawi s'ya sa silid ni Yheng..NANLAKI ANG MGA MATA NI KRISTINE NANG MAAMOY NITO ANG ISANG PABANGO NG BABAE..

"Tang ina! Binahay mo pa Clint ang babae mo!" Biglang sumigaw si Kristine. Dumating naman ang mga katulong.

" Nasaan si Clint at ang babae n'ya?!" Biglang tanong ni Kristine, sa takot ng mga katulong hindi sila sumagot...Agad hinila ni Kristine ang buhok ng isa sa mga katulong..

"Sabihin mo sa akin kung nasaan sila kung ayaw mong kabulhin kita!"

"Aray po! Hindi ko po alam..."

Sa takot ng isang katulong ay..

" Baka sa kompanya po SILA pumunta."

Agad binitawan ni Kristine ang katulong at muling umalis ng bahay.

"Dalhin mo ako sa Kompanya..Bilis!"

Natataranta na rin ang driver.

----------------------------------

Bago bumaba ng sasakyan si Kristine inayos nito ang sarili. Pinilit n'yang kontrolin ang kanyang galit.

Diretsong pumasok si Kristine sa loob ng kompanya.

Tila hindi siya pinapansin ng mga empleyado..nakatingin lamang sila dahil nagagandahan sa kanya..hanggang..

"Good Morning Ladies and Gentlemen..May I have your attention Please..."

Lahat napatingin at napahinto sa trabaho.

"Hindi ba kayo marunong bumati sa ASAWA ng BOSS n'yo ?DO I HAVE TO INTRODUCE MYSELF?"

Lahat nagkatinginan at nagsimulang nagbulungan..

"Excuse po, kung kayo po si Mrs. Madrigallanes..eh sino po 'yong kasama ni Sir nung nakaraang araw? Buntis na babae."

Parang umakyat ang dugo sa ulo ni Kristine..

"Kristine..." Tawag ni Marlon

Agad humarap si Kristine at nilapitan si Marlon..

"What's going on here? May alam ka ba sa babae ni Clint?"

Maging si Marlon ay natatakot sa reaksyon ni Kristine.

"She's not his...."

PAK

Malutong na sampal ang ibinigay ni Kristine.

"H'wag mo s'yang pagtakpan..Dahil malilintikan ang babaeng 'yon sa akin.."

"Surrogate Mother ang babaeng kasama ni Clint..kay Cydric ang bata. Wala si Cydric kaya si Clint ang kasama ng babae." Paliwanag ni Marlon.

"H'wag mo s'yang pagtakpan..at bilugin ang ulo ko..Alam kong may dahilan na malalim kung bakit hinayaan ni Cydric ang babaeng 'yon kay Clint. At alam ko na may dahilan kung bakit tatanggapin 'yon ni Clint."

"Kristine hwag ka namang mag-isip ng kung anu-ano..wala kang proweba."

"Clint is mine.I am his WIFE."

Hindi sumagot si Marlon. Nakita ni Kristine ang dalang cell phone ni Marlon.

"Tawagan mo s'ya tanungin mo kung nasaan s'ya.."Utos nito.

Ayaw gawin ni Marlon ngunit...

"Ayaw mo? " Agad hinila ni Kristine ang sekretarya ni Clint.

At 'yon ang tumawag kay Clint.

"Sir nasaan ho kayo?"

( Pauwi na kami...)

"Saan po?"

( Sa bahay ni Lola..)

Agad pinaputol ni Kristine ang tawag..

Bago umalis si Kristine.

"TRABAHO ANG ASIKASUHIN NINYO..BUMALIK KAYO SA PWESTO N'YO!"

Balik trabaho din ang lahat.

Muling tumawag si Marlon ngunit hindi sinasagot ni Clint.

Naging usap usapan agad ang nangyari.

-------------------------------------

Samantala, pinagpaliban ni Kristine na sundan sina Clint gawa ng malakas na ulan..

Sina Clint naman ay nakarating na sa bahay ni Donya Elisa. Agad naman silang sinalubong ng mga katulong.

Habang si Cydric naman ay nasa Korea at hinihintay nito ang flight pabalik ng Pilipinas..

CYDRIC POV

Ilang araw na akong balisa..hindi maalis sa isip ko si Yheng. Bakit ba ako kinakabahan? May nangyayari ba?

God, please h'wag nyo munang hayaang lumabas ang bata. Kailangan ako ni Yheng. I need to be there.

AN : Sorry kung maiksi ang chapter. Gagawa ako ng next Chap. Later. Maybe midnight ko na ipost.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now