Kabanata 30

19 0 0
                                    

Chapter 30:  New York

ROXY'S POV

Minsan sa buhay hindi kailangan laging masaya, kailangan mo rin matutunan ang maging malungkot kasi hindi tayo na-bubuhay sa isang imahinasyon, kailangan mo rin harapin ang reyalidad. Lahat ng tao nagkakamali, wala naman sigurong tao ang hindi gumagawa ng kasalanan well kung meron man edi siya na ang perfect.

Ang buhay natin parang sugal, minsan panalo, madalas talo. Parang pag-ibig sa una lang masaya pero habang tumatagal pumapait. Kaya nasasaktan ang mga taong nagmamahal kasi buhos na buhos walang tinitira sa sarili. Kapag magmamahal ka matuto ka munang mahalin ang sarili mo bago ang iba kasi hindi lahat ng desisyong ginagawa natin ay tama.

It's been a while, Roxy. Yeah it is. Nakailang ikot na ako sa isang maliit na park para lang mag-jogging kailangan kung maging-fit para palaging healthy hindi pa naman kasi lampas sa kalendayo ng edad ko kaya may karapatan akong maging-fit at sexy. Sa ika-anim na pag-ikot ko ay nag-vibrate ang phone ko kaya in-on ko ang earphones ko saka bumalik sa ginagawa ko.

"Ma'am Roxy, you have an urgent meeting with the board po" Napailing na lamang ako at pinatay na ang tawag. Kinuha ko ang isang bote ng tubig at sinimulan inumin 'yun saka naglakad pauwi ng bahay. Maliit lang naman ang bahay ko, may dinning area, may dalawang malalaking pool isa sa rooftop at isa naman sa likod ng bahay. Hanggang third floor lang naman ang bahay ko nasa first floor ang mga katulong kasama na do'n ang kwarto nila. Sa second floor naman ginawa kung library pero ang kalahati ng second floor ay nilagyan ko ng gym equipments. And lastly my room, the last floor. Nando'n lahat ng kailangan no need to mention dahil male-late na ako sa board meeting. I took a shower then hinanda ko na ang OOTD ko. I choose my black V-dress. Bakit V dress? Kasi naka-V ang style niya, kitang kita ang likod ko and in the same time pati ang clevage ko. Naglagay rin ako ng red lipstick at sinuot ko ang 5-inches heels and then kinuha ko ang isang leather coat na nakasablay sa upuan ko.

Well, this is who I am. The new Roxy version 2.0. I didn't change because of what he did. I change myself because I want to be free, forget and be with myself. No attachment, less pain. That's my motto. Umalis na ako sa harap ng salamin para dumiretso sa sasakyan ko. I drive fifthteen minutes before ko narating ang company.

My own company for the past three years..

Nasa entrance pa lang ako ay panay bati na ang ginagawa ng mga empleyado, they greeted me like a princess and so I am. No need to be a bad ass girl kung gusto mo talagang magbago. Hindi mo kailangan manakit ng iba para mapansin ka na ganito you change a lot, you became a new person. No, hindi mo kailangan magbago para magustuhan ka ng lahat. Just be by yourself, love yourself and be humble. Be true and kind to those people who around you. Be strong and wiser that anyone. Just remember you are a good person and you are the most beautiful creation by god.

"Well, shall we start?" Pagpasok ko pa lang ng conference room ay puro bulong bulungan ang naririnig ko tumahimik lang sila ng pumasok ako. Naka-display na ang wine na bagong gawa ko, naka project na rin kung paano ko nagawa kailangan ko lang talaga ng mga feedbacks nila.

"Ms. CEO how about the sales of our product I heard that 5% ang ibinababa ng sales natin?"

"It's true Mr. Martin but it doesn't matter anymore I already solve that problem all you need to do now is focus in your jobs and don't disturb me anymore by just calling an urgent meeting. Dismissed!"

Napamasahe na lamang ako sa sintido ko. I already solve that problem by myself. 5% ang ibinaba ng sales namin from 100%. Well, hindi naman ako kinakabahan kapag may problema sa kompanya dahil ako naman mismo ang unang nag-reresolba. I don't need anyone's opinion. Bumalik na ako sa opisina ko dahil may naiwan akong trabaho doon kung nalaman ko lang agad na iyon ang pag-uusapan e, sana hindi na ako nag-abala. Napatingin ako sa glass wall ng opisina ko kitang kita ko ang buong New York city. It's been three years since I flew here. It's been three years since I didn't receive any news about him.

Love Never FailsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum