Kabanata 14

24 0 0
                                    

Chapter 14: Our Angel

EADEN'S POV

Three days passed since isinugod sa ospital si Lianna dahil sa aksidenteng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inuurong ang kaso laban sa nakabundol sa kanya. Sa ngayon ay nasa bahay muna kami, nagpapahinga kasama si Avi. Si Chin lang ang naiwan doon dahil bumalik sa trabaho si Daddy habang si Mommy naman ay may inaasikasong mga papeles. Hindi ko maiwasang 'wag magtaka sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko rin maiwasang 'wag mag-alala kay Avi. Noong mga nakaraang araw kasi ay mukhang stress na stress siya.

"Avi?"

"Hmm.." sagot niya habang nagbabasa ng magasin ng nakaupo. Umalis naman ako sa kama at pumunta sa kanya. Tumingin naman ako sa kanya, kahit kailan hindi niya ako binigo. Kahit saang angulo ko siya tingnan lumilitaw pa rin ang ganda niya.

"Eaden, alam ko ang mga titig na iyan. Jusko 'wag ngayon! Do'n ka sa kama" Ito na naman tayo sa pagiging moody niya. Sabi ni Mommy ay ganito daw talaga ang mga buntis mabilis magbago ang mood. Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa kama. Napatitig naman ako sa picture frame na nakasabit sa pader, picture naming dalawa ni Avi na masayang magkasama. Napangiti naman ako ng wala sa oras, pero nawala ang ngiting iyon ng sumigaw si Avi.

"Ahhh! aden please dalhin mo ako sa hospital manganganak na ata ako!" Agad akong napabangon at inalalayan siyang tumayo at kinarga ko siya. Mabilis ang paghakbang ko, nakaramdam ako ng kaba at excitement. Natataranta na rin ang iilang maids namin lahat sila ay nag-aalala sa kalagayan ni Avi. Dahan-dahan ko siyang ipinasok sa kotse at nag-drive na patungong ospital.

Maya-maya pa ay nasa ospital na kami, agad naman siyang inasikaso ng mga doktor at dinala siya sa emergency room. Napa-upo na lamang ako sa isang mahabang upuan na nasa gilid ko. Namamawis na rin ang noo ko dahil sa pagmamadali kung madala kaagad sa ospital si Avi. May biglang lumapit na doktor sa direksyon ko.

"Kamusta na po ang mag-ina ko?"

"Nasa delivery room na ang mag-ina mo, kasalukuyan nahihirapan ang misis mo, Mr. Morris, dulot siguro iyon ng matinding stress" Pag-sagot pa ng doktor.

"Sige ho, balitaan niyo nalang po ako sa mag-ina ko" Nakangiting sabi ko pa. Pero ang ngiting iyon ay naglaho, napalitan 'yun ng pag-alala sa posibleng mangyari sa mag-ina ko. Napayuko na lamang ako at ilang beses akong napa-buntong hininga. Sa lahat ng taon na pinagsamahan namin ni Avi ito ang pinakamasayang nangyari sa amin. Ang mabiyayaan ng isang anghel, hindi iyon matutubasan ng kahit sino kasi masaya kaming tinanggap ng dumating siya. Wala ng hihigit pa.

Sino ba ang hindi sasaya kapag nalaman mong magiging tatay kana? Kahit bunga iyon ng pagkakamali namin ay natutunan naming tanggapin 'yun dahil alam naming mahal na mahal namin ang isa't isa. Na-kahit anong mangyari walang makakasira sa kung anong meron samin ngayon. Siya, ako at ang magiging baby namin hindi ko kakayanin kung may mawala sa kanila ngayon.

Sa loob ng apat na buwan na pagbubuntis niya ay hindi ko siya pinabayaan. Kahit napaka-moody niya, hindi ko siya sinusukuan. Kahit minsan hindi kami magkakaintindihan, iniintindi ko pa rin siya. Kahit minsan siya ang may mali, ako ang humihingi ng sorry. Kasi mahal ko siya. I love her so much. I love being with her. At hindi ko hahayaang isang araw mawala lang siya sa'kin. Hindi ko kakayanin.
Lumipas ang dalawang oras lumabas na ang doktor. Agad akong napatayo.

"Kamusta na ho ang mag-ina ko?" Tanong ko.

"I'm sorry, Mr. Morris we lost your baby"

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko sa sinabi ng doktor na kaharap ko.

"W-What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. This is not happening..

"I'm really sorry, Mr. Morris. Nasa recovery room na po ang misis ninyo and about your baby nasa morgue na po siya" Sa ikalawang pagkakataon ay humingi ng sorry ang doktor bago siya nawala sa paningin ko.

Love Never FailsWhere stories live. Discover now