Kabanata 34

25 0 0
                                    

Chapter 34: Party

CHIN'S POV

Umuwing lasing a ng dalawang unggoy sa bahay nila Mama. Umuwi naman ang mister kong parang shunga kaya ayon pinagalitan ni Mama. Mabuti na nga lang at buntis  ako hindi ko siya magawang masermonan dahil bawal daw akong mapagod. Well, actually kahapon pa sila umuwing lasing. Ngayon ay nasa loob kami ng kwarto ni Eonnie. Isinuggod nga siya ni Hyung Egsy sa ospital dahil nawalan daw siya ng malay sa loob ng bar. Over fatigue daw saka may mild anemia siya kulang na rin siya sa tulog.

Gano'n na ba ka-busy ang life ni Eonnie ngayon? Mas busy pa sa pagmomodel niya noon? Iwinaksi ko ang mga nasa isipan ko at itinoon ang atensyon kay Eonnie na ngayon ay kinakalas na ang mga nakakabit sa kamay at ibang parte ng katawan niya. Ang ganda talaga ng soon sister-in-law ko 'no? Sarap niyang paglihian. Hihihi

"Uy Chin 'wag mo akong paglihian magagalit si Mosses" Napa-pout ako bakit niya alam? Napatingin naman ako kay Mosses na nakataas ang isang kilay niya animo'y parang boss. Napataas rin ang kilay ko sa kaniya. Aba sino ba ang may mas mataas na kilay sa amin ha? Maganda ako sa kaniya at gwapo lang siya. Lamang pa rin ako.

"Ngayon daw ang 'yung party niyo? Totoo ba 'yun Chin?" Tanong ni Kuya Ryco.

"Omg sis! Excited na ako sa kasal niyo!" Tumili siya. Kaya ayon pinagalitan ni Mommy. Kahapon lang siya umuwi galing France ng nalaman niyang umuwi si Kuya Ryco ay lumipad siya pauwi rito sa Pinas alangan naman sa America.

"Ikaw ba ang ikakasal ha? Ikaw?" Inismiran niya lang ako. Nagtawanan naman sila. Anong nagkakatawa? May nakakatawa ba doon? Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si  Hyung Egsy.

"I-che-check ko lang ho ang vital signs niya para tuluyan na siyang ma-discharge" Nag-check na nga si Hyung kay Eonnie. Hay nakakapanghinayang na hindi sila nagkatuluyan. Napatingin naman ako sa nurse panay sulyap ito kay Hyung. Hindi na nga nagsusulat sa chart niya, e. Aba!

"Nurse!" Tawag ko.

"Bakit po?"

"Paki-check nga ng blood pressure ko kumukulo, e" Ani ko at ngumiti ng peke. Nek-nek niya gusto ko lang magkaroon ng time 'yung dalawang ex-lovers. Alam niyo naman na botong-boto kami sa dalawang iyan kaso may ahas kasing nakatakas sa hawla kaya ayon waley happy ending ang dalawa kaya nauwi sa tragic ending pero hindi pa rin kami mawawalan ng pag-asa. Cheneck na nga no'ng nurse ang blood pressure ko norman naman.

"Stable naman ho ang lagay niya ngayon kailangan niya lang ng sapat na pahinga. Take care of yourself Jene. No. I-I mean Ms. Culen" Ngumiti ito sa amin saka lumabas. Hindi siya pinansin ni Eonnie.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak?"

"I'm fine medyo sumasakit lang 'yung ulo ko" Kalmadong sagot ni Eonnie habang nag-aayos ng sarili.

"Iinom inom kasi hindi naman kaya" Parinig ni Mosses sigurado akong si Eonnie ang tinutukoy niya.

"Iinom inom naman ang iba d'yan nag-wild naman sa dance floor" Parinig rin ni Eonnie kaya napahighik kami. Tiningnan siya ni Eonnie at ngumisi ito. Ang cool talaga ng sister-in-law ko kaso ayaw niyang paglihian ko siya.

"Yah!" Tawag ni Mosses.

"Oh? Natamaan ka?" Nanunuya na aniya ni Eonnie.

"Bakit binaril mo ba 'ko?" Pang-aasar rin pabalik ni Mosses.

"Uh, you little..." Nangigigil na aniya ni Eonnie at binato siya ng unan. Kaya umugong ang malakas na tawanan sa buong silid. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang closeness ng magkapatid. Sana bumalik rin ang closeness nila Eonnie at Hyung Egsy. Nakakamiss 'yung sweetness nilang dalawa, saksi rin kasi kami sa pagmamahalan nilang dalawa.

Love Never FailsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ