Kabanata 15

37 0 0
                                    

Chapter 15: The Answers

EGSY'S POV

Alas syete y medya na ng gabi pero hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Hinihintay ko kasi siya, pagkatapos ko kasing pumunta sa ospital ay nag-text ako sa kanya na kung pwede ba kaming mag-dinner at mag-usap. Kaya ko siya in-invite para mag-dinner dahil gusto kong linawin ang magiging pasya niya. I know I was a jerk to her, pero pinilit ko pa rin ibaon siya sa limut pero hindi ko magawa kasi kahit anong gawin ko ay nandidito pa rin siya sa puso ko.

Mahirap ma-attach sa isang tao, mahirap makalimut. Mahirap kasi maraming ala-ala na ang nabuo, mahirap na kasi nasira ko na ang tiwala niya. Lahat ng bagay sa pagitan namin, wasak na wasak na. I broke her heart. I break her trust. I broke my promises to her. I break every part of her. At kaya ako nandito para ibalik ko ng pa-unti-unti ang mga nasira ko. I will pick it piece by piece. Sa lahat ng masayang nangyari sa buhay ko ay siya ang pinakamasayang nangyari para sa akin. Pero nawala ang lahat ng iyon dahil sa kagaguhan ko.

"Am I late?" Hindi ko namamalayan na nandito na pala siya sa harap ko.

"J-Just in time" Parehas kaming nahihiya sa isa't isa. Medyo nag-iba rin ang style niya ngayon. Wala na ang dating mahabang buhok niya, sa ngayon ay hanggang balikat na lang ito at medyo kulot ang nasa dulo. Naka-red sleeveless dress siya at may coat itong dala, medyo malamig kasi ang panahon ngayon.

"Y-You look nice" Komento ko. Tipid na ngumiti ito.

"So anong dapat na pag-usapan natin, Mr. Hollesten?" Diretsahang tanong niya. Para naman akong na-estatwa dahil sa tanong niya.

"Umm, so what's you decision?" I asked her.

"I don't know" Ang dating matapang na tinig niya ay nag-laho na.

"Naalala mo ba ang unang pagkikita natin?"

"No. It's been 6 years, right? Bakit mo naitanong?" She said.

"Kasi ako naalala ko pa" I said and I laugh bitterly. Mukhang nakalimutan na niya, dahil sa tagal ng panahon. Ang sakit.

"Why are you still stuck in our past, Egsy?" Walang emosyon na tanong niya.

"Yes, I am, Maybe? Haha, I'm so stupid right?" Alam kong nagmumukhang tanga na ako sa harap niya and I don't care about that. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ako na-aapektuhan, kahit na-aapektuhan pa rin ako.

"Stop pretending. Stop pretending that you're always fine. Stop prentending that you're not affected. Kasi, Egsy sa ating dalawa ikaw na lang siguro ang hindi pa nakaka-move-on. Egsy, ang tagal-tagal na no'n and I must admit ganyan rin ang naramdaman ko no'ng una. Just let go the feelings that you felt for me for very long time. It's not love anymore, it's pain" She said and look at me with a worried face.

"How can I let go this pain?" I asked.

"Just trust me" She said and smile at me sweetly. The smile that I never see for 6 years ago.

"W-Why are you telling me this?" I said.

"The realization hits me, naiisip ko kasi sa anim na taong lumipas, kinamumuhian kita. Galit ako sa'yo. Sinisisi kita sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Nagsisisi ako na nakilala pa kita. Pero isang tanong lang ang paulit-ulit na isinisigaw ng isip ko, ano pa bang ipinaglalaban ko, e wala namang tayo. Naisip ko rin, saan ba ako nagkulang? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko kaya ka naghanap ng iba? Hindi ka ba naging masaya sa akin? I am not enough to make you happy? So many questions, at niisa dya'n ay hindi ko alam ang sagot. Kasi, Egsy for me, the tables turn and that was really hard for me. I want to let you go. I want this pain to go. I want our memories to fade but suddenly I think of it, why would I let go this feelings? Emotions? Kahit na alam ko sa sarili kong may kulang pa rin. At ang pagkukulang na iyon ay ikaw" Sa lahat ng sinabi niya ay para akong nabunutan ng tinik, sa halip na masaktan ako sa mga sinabi niya ay nasisiyahan ako. Sa lahat ng sinasabi niya ngayon sa akin ay unti-unti ko ng nauunawaan ang lahat. That I am the prime suspect, if there was a case of murder it would be a heart murder case because I murder her heart, I broke it.

Love Never FailsWhere stories live. Discover now