Kabanata 2

80 8 1
                                    

Chapter 2: Break up

EGSY'S POV

"Masarap ba?" I asked her at ngumiti ako nang pilit. Para ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit ang totoo ay isang tao lang talaga ang nilalaman ng puso ko.

"Yes. So kailan tayo uuwi nang pilipinas?" She asked while smiling at me.

"Kailan mo ba gusto?"

"Next week? Or tomorrow na lang siguro?"

Kung bukas kami uuwi ng pilipinas ay mapapaghandaan ko pa ang isa sa mga pinapagarap ko. Ang maging isang modelo kasama ang taong anim na taon kong hinahanaphanap.

"Egsy? Are you okay? You're spacing out"

"What is it Aviana?" Yes. Kasama ko ngayon ang girlfriend ko.

"Nevermind. Kamusta na pala ang kapatid mo?" She asked out of the blue. Paano naman napasok sa usapan si Eaden.

"Bakit mo naitanong?"

"Well, wala naman." Aniya at uminom ng wine. Nasa isang resturant kami ngayon. At kinakabahan ako sa maaring mangyari. Ito ang araw na huli ko siyang makikita. Makasama.

"Aviana, may sasabihin sana ako."

Inhale. Exale. Egsy, kaya mo 'yan.

"What is it?" Nagtatakang tanong niya habang nakakunot ang noo.

"I'm breaking up with you." I said. Nakita ko ang pag-iba nang expression nang mukha niya at maya maya pa ay natawa siya.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Ang korny mo." Natatawag sabi niya pa.

"Hindi ako nagbibiro, Aviana." Seryosong tugon ko pa sa kanya. And that moment she stop laughing.

"B-Bakit? May nagawa ba akong mali?" Tanong niya pa.

Yes, Aviana. May nagawa kang mali na maling mali sa mata nang lahat. Ang mahimasok sa ibang relasyon.

"I realize now, sana hindi ko na lang siya niloko. Sana hindi ko na lang siya sinaktan. Pinagsisihan ko na ang lahat. Kaya
nakikipaghiwalay na ako sa'yo. Ayoko ng madagdagan pa ang pagkamamali ko sa kanya. Kaya ngayon pa lang ay tinatapos ko na ang lahat sa'tin." Pagkasabi ko no'n ay nakita ko ang pagbagsak nang bawat butil ng mga luha niya. Gusto ko man hawakan 'yun pero pinipigilan ako nang sarili ko.

"Egsy, buntis ako. Ikaw ang ama." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pero agad akong bumalik sa dati. Nahulog ako sa pag-iisip at doon na ako nakapagsalita ulit.

"Avi. Walang nangyari sa'tin. Walang nangyari sa'tin sa loob ng tatlong taon nating magkarelasyon. Alam mo kung gaano kita nirerespeto. Kung meron man ay pananagutan ko. Pero wala."

"Baka kay Eaden? Meron." Nakita ko ang pamumutla niya. Para siyang binuhusan nang malamig na yelo.

"It's not what you think, Egsy. Walang namamagitan sa'min. Egsy you know me well." She smile bitterly.

"Akala mo hindi ko alam? Avi. Alam kong may namamagitan sa inyo ni Eaden. Sa bawat titig niyo pa lang sa isa't isa ay ramdam ko na may gusto kayo sa isa't isa." Saad ko pa.

"Are you jealous?"

"I'm not. Why? Kasi na-realize ko na ang lahat. Alam kong sa simula pa lang ay ako na ang mali. Nadala ako sa tukso kaya nasaktan ko siya. Nasaktan ko ang taong minamahal dapat at hindi sinasaktan."

Kung kanina ay pumatak pa lang ang mga luha niya, ngayon ay humahagulhol na siya sa harap ko mismo.

"I'm so sorry, Egsy. I'm so sorry for everything. P-Please don't leave me. Please don't. I can't imagine my life without you. I love you. Egsy. Please" She beg. Habang hinahawakan ang kamay ko. Marahas kong tinanggal ang kamay niya.

"Sana sa simula pa lang ay naisip mo na ang lahat ng katangahan na ginawa mo. Alam mo nagsisi ako na nakilala kita. I'm done. So goodbye" Lahat nang sinabi ko ay totoo. I meant it. Ayoko ng pahirapan pa s'ya.

Lumabas na ako sa resturant na iyon at sumakay sa kotse ko. Kailangan kong makauwi sa Pilipinas, ngayon mismo.

***

"Egsy? Nasaan si Aviana!" Sigaw pa ni Eaden sa kabilang linya.

"I leave her alone. In Seoul" Kampanteng sagot ko.

"WHAT!" Malakas na sigaw niya kaya pinatayan ko na siya ng tawag. Masakit ang ulo ko ngayon siguro ay may jetlag pa ako.

"Inaantok pa ako!" Sigaw ko pa sa buong kwarto ko. Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Aviana. God. Kailan ba ako titigilan nang babaeng 'to. Simula kahapon ng maghiwalay kami sa Seoul ay umuwi kaagad ako sa Pilipinas. At habang siya naman ay tawag ng tawag sa'kin.

Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa ibabaw nang mesa na nasa tabi nang kama ko. Binuksan ko iyon sabay kuha ang simcard at tinapon sa basurahan. Done. Hindi na nila ako matatawagan. Ibinalik ko sa mesa ang cellphone ko at humiga sa kama. Sa wakas, makakatulog na ako nang mahimb--

"Egsy! Bakit hindi kita ma-contact? Omg! Anong nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?" Inis akong tumayo mula sa kama ko.

"What are you doing here?" Agad na tanong ko nang sinalubong ko siya sa labas nang aking pinto.

"Syempre binibisita ang kapatid ko" Nakangiting sabi niya pa.

Brother, my ass.

"Get lost."

"Egsy, naman. Gusto naming mabuo ulit ang pamilya na'tin." Napanga-nga ako dahil sa sinabi niya.

"Mabuo ulit ang pamilya na'tin? Really? How nice. Family, my ass." I said sarcasticly. 

"Know how to respect, Egsy. Baka nakakalimutan mo. Mas matanda ako sa'yo!" Medyo napataas ang boses niya.

"C'mon, Lianna. Stop acting that you care, even you're not. Go away, I want to sleep." Ani ko at tinalikuran siya. Pero napalingon ulit ako dahil sa sinabi niya.

"Asshole."

"What did you say?!" Hindi makapaniwalang  tanong ko pa.

"Asshole. Do you know how rude you are? All the time, Egsy. Wala naman kaming ginawang masama."

Walang ginawang masama? How about ruining my family? How about me? Parang hindi kasi ako nage-exist sa pamilya namin. Ah, yes. I'm such a bastard.

"Leave and I don't want to see your face anymore. And one more thing, I don't have any siblings." Pagtatapos ko pa ng usapan namin. Pumasok na ako sa kwarto ko at  humiga ulit sa kama. Pero napatingin ako sa isang picture frame kung saan buo pa ang pamilya ko. Pero nagbago ang lahat simula no'ng nagkaroon ng ibang babae si Dad at nagkaroon ako ng dalawang kapatid sa Ama. Nang malaman ni Mommy na nagkaroon ng Mistress si Dad ay inatake siya sa puso at wala na kaming nagawa kundi ang tanggapin ang pagkawala niya.

God knows how much I hated my Father. Kapag bumalik kasi sa isip ko ang nangyari sa pamilya ko ay hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin ko. Pero ng dumating ang isang babaeng nagbigay ng inspirasyon sa'kin. Siya 'yung nag-alis ng galit sa puso ko. Siya 'yung babaeng nagsabi na may mararating ako sa buhay. Nagkaroon ako ng pananaw sa buhay, na kahit anong problema pa ang kaharap ko ay malalampasan ko.

Egsy, listen to me. You're not a failure. May mararating ka sa buhay. Tony Gaskins said: If you don't build your dream someone will hire you to help built theirs. I'm always here, Egsy. Always.

'Yan ang mga katagang sinabi niya noon sa'kin na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko para matupad ang mga pangarap ko. Kompleto na ang lahat, siya nalang ang kulang. I sigh. I wish you were here this time, Rox. I missed you so much. Damn much.








A/N: Ano kayang mangyayari kay Roxy? Abangan.

Love Never FailsWhere stories live. Discover now