Kabanata 19

23 1 0
                                    

Chapter 19: Can you be my misis?

MOSSES'S POV

Alas dyes y medya na ng gabi pero hindi mahagilap ng mga mata ko si Chin. Saan kaya nag-punta 'yun? Kanina kasi no'ng kumain kami kasama ang family niya nag-paalam siyang lumabas para magpahangin pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik ng hotel kaya nagdesisyon na akong hanapin siya. She left me no choice, inilabas ko naman ang phone ko para tawagan siya pero nag-riring lang.

Sinubukan ko ulit pero gano'n pa rin. Ang daming tao ngayong gabi, 'yung iba nag-ni-night swimming. May nag-lalampungan rin, may nag-se-selfie. Hays, paano ko kaya mahahanap ang babaeng 'yon? Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magtanong tanong.

"Manong, excuse me po may nakita po ba kayong matangakad na babae, tapos po maputi at medyo kulot ang buhok?" Tanong ko kay manong at ipinakita ko ang picture ni Chin.

"Pasensya kana hijo hindi ko nakita, e. Magtanong tanong ka na lang sa iba" Sagot ni manong, nagpasalamat na lang ako at nagtanong ulit sa iba. Kino-contact ko naman na ulit siya pero hindi niya pa rin sinasagot. Chin, where are you?

Hanggang sa nakarating ako sa huling bahagi ng isla para hanapin siya, tagatak ang pawis ko dahil sa pagtakbo ko para lang hanapin siya. Tanging buwan na lang ang nagsisilbing ilang sa bahaging kinatatayuan ko ngayon. Maraming puno ng niyog ang nakapalibut sa buong Isla. Dito lang pala siya makikita pinagod niya pa ako sa paghahanap. Akala ko may masama ng mangyayari sa kaniya. Lalapit na sana ako sa kaniya ng may makita akong dalawang lalaki na papalapit sa direksyon niya.

"Pare may chicks oh!"

"Oo, nga pare mukhang mayaman e"

Pasuray-suray silang naglalakad na halatang lasing, habang papalapit ng papalapit sila kay Chin ay hindi ko mapigilan ang 'wag magalit kaya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili para sungaban ng suntok ang dalawang lasing na 'yun.

"Anong problema mo!" Bulyaw ng isang lalaki.

"Huwag na huwag mong hahawakan ang prinsesa ko" Pagbabanta ko. Nakabangon naman ang isa niyang kasama kaya pinalibutan nila akong dalawa habang si Chin naman ay tahimik lang sa isang tabi.

"Talaga? Hoy bata dayo ka lang dito kaya huwag kang umasta na sa'yo 'tong lupa na kinatatayuan natin ngayon" Maangas na aniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kung huwag siyang sugurin ulit ng magkasunod na suntok, kasabay ng suntok na binitawan ko ay siyang may biglang sumipa sa likod ko pero agad akong bumangon. Hindi ko hahayaang masaktan nila si Chin o mahawakan man lang. Ilang sandali pa ay nanumbalik ang lakas ko, kaya agad kung tinuhod ang kalaban ko sabay sipa sa kaniyang sikmura dahilan para mawalan siya ng malay.

Sinulyapan ko ulit si Chin, nakita ko sa repleksyon ng buwan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya. I can't afford to see her like that, crying just because of those bastards whose trying to harm her. Agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya. All I can hear was her sobs.

"Are you okay? Did they do something to you?" Tanong ko ng humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin.

"Hey, okay ka lang ba? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Why are you here? All of us was worried ng nawala ka? I was damn worried about you. Kaya sa susunod magpaalam ka naman sa amin o 'di kaya sa akin" Mahinang ani ko sa kaniya.

"Sorry" Tanging sagot niya at yumuko. Parang may nagtulak sa akin para hawakan ang kamay niya.

"Please don't do that again" I said. I hold her chin, para humarap siya sa akin. I look in her beautiful eyes, her eyes was so deep and gloomy. Her eyes was full of sadness but it was cover by her joyful smiles.

Love Never FailsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt