Kabanata 29

17 0 0
                                    

Chapter 29: Last met

ROXY'S POV

Isang linggo na ang lumipas simula no'ng araw na 'yun. Isang linggo na rin akong nagkukulong sa kwarto. Nakatulala. Depress. Nasasaktan. Nalulungkot. Isang linggo na rin siyang pabalik balik sa bahay. Isang linggo na rin siyang nangungulit. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko siya kayang kausapin. Maski pangalan niya ayokong marinig.

Hindi pa rin ako makakaget-over. Parang hindi tanggap ng pagkatao ko ang mga nangyayari. Nadamay na rin ang trabaho ko dahil sa nangyari. Sapat na sa akin ang isang linggong pag-iisip. Nakapagdesisyon na ako. I'm ready..

I'm ready to face him

I'm ready to face the reality.

I'm ready to end this pain.

I'm ready to move on.

I'm ready to leave.

I'm ready to forget everything.

"Anak, he's here..."  Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Mommy.

"Sweety, sigurado kana ba sa pasya mo? Hindi mo na siya bibigyan ng pagkakataon?" Lumapit si Mommy sa tabi ko. Umiling ako. She pat my head and kiss me in my forehead.

"Handa na po ako at hinding hindi ko po pinagsisihan ang desisyong ginawa ko" Humiwalay si Mommy sa akin.

"You're now old enough to decide by yourself. I'm so happy for you" Maluha luhang aniya ni Mommy.

"Talk to him na anak. I know na malalampasan mo ang pagsubok na ito susuportahan kita lagi. I'm always here"

"Thank you..mommy" Bago pa mauwi sa kadramahan ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na para kausapin siya. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala at mukhang kanina pa naghihintay. Nakita ko rin ang ilang beses na pagbuntong hininga niya mukhang wala siyang balak na sukuan ako. Well, hindi naman siya ganoong klase ng tao na basta basta na lang susuko. Pero ayoko na, e. Masyado ng malalim 'yung sugat na naiwan niya. Ayoko ng kumapit.

"Gusto mo raw akong makausap, kaya ka naghihintay rito hindi ba?" Walang ganang tanong ko. Kaya agad siyang napalingon sa akin kasabay no'n ang pagtayo niya.

"Yes, no'ng isang ling--"

"Alam ko hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin. Just straight to the point Mr. Hollesten. Why do you want me to speak with you?" Bumalot ang kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at kaba.

"Gusto ko lang sana na ayusin ang gusot sa relasyon nating dalawa. Alam kong maayos pa natin 'to. Jene" Sa pagbigkas niya ng pangalan ko pakiramdam ko niyanig ang buo kung pagkatao dinaig niya pa ang lindol sa Japan.

"I am Roxy not Jene. Gusto mong ayusin ang gusot sa relasyon natin? Wala na dapat tayong aayusin pa, Mr. Hollesten dahil wala na akong interes para ayusin ang gusot na iniwan mo" Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Huwag na nating pahirapan pa ang isa't isa"

"A-Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong niya.

"Hindi na ako magpapakasal sa'yo" Parang gumuho ang mundo niya dahil sa sinabi ko. Bumuhus na rin ang mga luha niya pero nanatili pa rin akong walang imik. Walang paki sa kaniya. Desisyon ko 'to kaya paninindigan ko.

"W-What? Y-You can't do that to me Jene. You promised me" Nasasaktan saad niya.

"Trust and promises are meant to be broken, Egsy" I said in my warm tone. Hinawakan niya ang kamay ko pero unti-unti ko rin iyong kinalas.

Love Never FailsOnde histórias criam vida. Descubra agora