Kabanata 4

62 6 1
                                    

Chapter 4: Rain

MOSSES'S POV

"Hey, Mosses. What's up?" Ngumiti lang ako sa kanya. Dahil busy ako sa pagdrawing.

"I heard na last day mo daw dito? Are you going to transfer?" This time humarap na ako. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya pero natatakpan lang 'yun dahil sa ngiti niya. Chin was a beautiful woman. She's very cheerful and positive thinker.

"Yes, Chin." I said to answer her question. Nakita ko naman nanlumo siya dahil sa sinabi ko. Naging malapit kasi sila ni Eonnie sa isa't isa dahil sa modelo si Eonnie ay naging Certified Fan na 'tong si Chin. She idolize Eonnie that much. 'Yung tipong kahit saan magpunta si Eonnie ay nando'n siya para kunan nang mga stolen shots.

"Aww. Mag-isa na lang ako dito. Aalis ba talaga si Ms. Roxy?"

"Yes. Dahil mukhang matatagalan ang photoshoot niya sa Pilipinas." Nakita ko naman namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Bakit pa ba ako nadulas? Great move, Mosses.

"Really? Sayang naman."

What?

"B-Bakit naman sayang?" Itinigil ko na ang pagdra-drawing dahil nacucurious na ako sa susunod na sasabihin niya.

"Ah, wala. I just remember something. Sige, pupunta lang ako ng Cafeteria. See you around, Mosses." Paalam niya pa at kinuha ang mga dala niyang libro na nakapatong sa tabi ko. Nasa gymnisium ako ngayon, dahil tahimik at walang nakatambay dito.

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Chin kanina. Dati kasi siyang nakatira sa pilipinas since classmate ko siya noong nasa 4th year High School kami. Chin was a smart one, lagi siyang nasa unang pwesto. Her full name was Chin Ivanah del Fierro, ang pinakaayaw niya sa lahat ay tinatawag siyang Ivanah dahil ayaw na ayaw niya talaga sa pangalawang pangalan niya like Eonnie she hate her second name that much dahil lang sa isang lalaki. Napatingin ako sa cellphone ko na ngayon ay tumutunog agad ko naman sinagot 'yun dahil si Mommy ang tumatawag sa'kin.

"Hi. Mom? Napatawag ka po?" I asked.

"You forgot something, son." Agad naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mommy.

"Forgot some--oh god! Just wait for me mom." Nagmadali na akong ligpitin ang mga gamit ko dahil ngayon 1:00 P.M ang flight namin pauwing Pilipinas.

"Alright, Son. Mag-ingat sa pagmaneho. Love you!"

"Love you too, Mom!" Pahabol na tugon ko at ibinaba na ang tawag. Nakuha ko na rin lahat ng kailangan ko para mapadali ang paglipat ko nang school. Kumaripas na ako ng takbo patungo ng parking lot. Pagdating ko doon ay walang katao-tao kaya pumasok na ako sa kotse at pinaandar ang makina nito para makapagmaneho na. Palabas na sana ako ng gate ng may nakita akong babaeng nakatayo sa gitna ng ulan.

Agad ko namang tiningnan kung sino ang babaeng 'yun. At doon ko lang nalaman na si Chin pala. Anong problema niya at nagpaulan siya? Bago ako lumabas nang kotse ay tininganan ko muna kung may payong ba ako but damn it. Wala akong dala. Naalala ko may jacket pala ako dito. Lumabas na ako ng kotse habang ginawa kong pananga sa ulan 'yung leather jacket na nasa loob ng kotse ko.

"Hey, Chin. Bakit ka nangpapaulan? May problema ka ba at kailangan mo pa talagang magpabasa sa ulan?" Nakayuko lang siya. I don't know if she hear me. Lalapit na sana ako sa kanya pero nagulat ako sa ginawa niya. N-Niyakap niya ako? Dahilan para pabitawan ko ang leather jacket na hawak hawak ko.

Were in the middle of the rain. In silence. I hug her back. Para akong robot na may sariling pag-iisip, hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap pabalik. Tanging pagsinghot niya lang ang narinig ko. U-Umiiyak ba siya?

Love Never FailsWhere stories live. Discover now