Kabanata 35

22 0 0
                                    

Chapter 35: The Vows

ROXY'S POV

Sa buhay hindi mo kontoralado ang lahat. Hindi mo alam kung ano ang susunod na yugto ng buhay mo. Minsan mas mainam na mabuhay sa nakaraan kesa sa hinaharap. Dahil minsan maiisip mo kahit anong takas mo ay nandodoon pa rin ang mga bagay na gusto mong ibaon.

Nakailang box na ng tissue si Mom dahil sa kaka-drama. Nag-sout na ng singsing ang groom at bride syempre ang susunod ay ang Vows nilang dalawa.

"Misis ko.." Malambing na tawag ni Mosses na kahit pinipigilan niya ang sariling 'wag umiiyak ay nahahalata ko pa rin. Nakangiti ito habang hawak ang kamay ni Chin.

"Ito na 'yun. Ang araw na dati ay pinapangarap lang natin noon. Madalas man tayong magtalo, pero agad rin naman tayong nagkaka-aayos kasi mahal kita at hindi ko hahayaang mawala ka sa akin" Naging emosyonal na ang lahat.

"I, I promised you that I will be a good husband and be a father to our child. I will cherish you forever. I will protect you and love you even more that myself because you are my life and my everything. I don't want to be dramatic but I can't help ito pala ang feeling na ikinakasal ka. Kinakabahan na na-eexcite?" Napatawa naman ang mga bisita. Gaya nga ng nakapagsunduan ay isang beach wedding ang magaganap sa isang pribadong Isla. Hindi ko namamalayan na kay Chin na pala ang atensyon ng lahat.

"...I promise to be a good wife to you. I will love you forever, Mosses. Kahit maraming hindi naniniwala sa salitang forever, dahil lifetime lang daw" Napangiti na lamang ako. Ibang klase.

"Wala na akong mahihiling pa. Simula ng dumating ka sa buhay ko ay nag silbi kang ilaw sa bawat yugto ng buhay ko. Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang taong minahal ko at hindi ko iyon
pagsisihan. Kahit madalas tayong mag-away, kahit madalas man tayong subukin ng tadhana ay nalalampasan natin. Ikaw ang nagsisilbing ilaw ko sa lahat ng madidilim na karanasan sa buhay ko at dahil doon mas lalo pa kitang minahal. At hindi magbabago 'yun. Ikaw lang ang mamahalin ko ng panghabambuhay. Mahal na mahal kita, Mosses. Walang labis, walang kulang..."

Alam kong nakaka-bitter sa part ko ang mga kaganapang ito pero wala akong nagagawa dahil minsan lang naman akong nangarap na maging ganito ang kakalabasan ng relasyon namin pero may hangganan rin ang lahat. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip kaya hindi ko namamalayan ang mga nangyayari.

"I may now pronounce you as a husband and a wife. You may now kiss the bride!"

Umugong ang tilian ng karamihan ng hinalikan ni Mosses si Chin. Well, finally, They are now married. Walang humpay ang pasasalamat nila sa mga dumalo. Hanggang sa pagdating namin sa reception ay ganoon pa rin ang nakikita ko. Hindi pa rin naawat si Mommy sa kakaiyak. Nilapitan naman siya ni Daddy kaya hinayaan ko na lamang kaya ako na lang ang naiwang mag-isa.

Kompleto ang lahat, sa pamilya ng mga Hollesten at del Fierro. At kasama na rin doon ang buong angkan ng mga Culen. Masaya ang lahat pero kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko. Ewan ko nga. Nabibitter na naman ako. Napatingin ako sa bagong kasal, ang saya saya nila. Ang sarap nilang tingnan.

I sigh. Sana lahat. Sana ganito rin kami 'no? Minsan napapa-isip ako ang tanga ko rin pala. This time, mas lalo akong napaisip. Napapa-realize. Tama nga sila, sa huli ang pagsisisi. Akala ko kaya ko na. Akala ko okay na. Akala ko lang pala. Hay buhay parang life. Ang labo. Parang pagmamahal, ang labo rin minsan.

Sa buhay ng tao minsan may dumadating, may umaalis. May nagmamahal, may nasasaktan. May umaasa, may paasa. Lahat ng mga nararamdaman natin may hangganan. Hindi lahat ng bagay sa mundo pantay-pantay. At hindi lahat ng salita ay totoo. Sa panahon ngayon mahirap magtiwala.

"Can I?" Napalingon ako. May dala siyang plato at tanging puwesto ko na lamang ang bakante.

Ngumiti lang ako at hinayaan siya sa gusto niya gawin. Tutal, ang awkward naman ang sitwasyon namin ngayon. Iyong nangyari kagabi. No. Iyong nangyari kanina. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil doon at hindi ko rin maitindihan ang sarili ko.

Love Never FailsWhere stories live. Discover now