Kabanata 5

62 6 0
                                    

Chapter 4: Philippines

AVIANA'S POV

"You're a disgrace, Aviana!"

"Punyeta, nagka-leche-leche na ang buhay mo dahil lang sa lalaking 'yan!"

"You're nothing but a shame!"

"Isa kang malaking kahihiyan sa angkan natin!"

"How could you do this to us!"

"Sinira mo lang ang pinapangarap namin para sa'yo!"

"Naging ganyan ka dahil lang sa isang lalaki?! "

"Are you insane! Paano ka nabuntis nang gano'n na lang!"

Those painful words make me think over and over again. What if hindi namin ginawa ni Eaden 'yun? What if hindi ako nabuntis? What if hindi ako nahimasok sa relasyon nila Roxy at Egsy? Sana maayos ang lahat. Sana normal. I'm so stupid! My tears fell in my cheeks, again. Wala ng mas masakit pa sa sinabi nang mga magulang ko. Pinaasa ko sila. Nasayang lang lahat ng paghihirap nila, dahil napunta lang sa wala. Pinahiran ko ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Para kasi akong nilalamon ng guilt, at self-pity.

"Hey, sweetie. Umiiyak ka na naman. Makakasama 'yan sa baby natin." Hindi ko namalayan na dumating na pala siya mula sa trabaho. Siya ang vice president ng kompanya nila. Isang linggo na ang dumaan simula ng itinakwil ako nila Mama't papa mula mansion at naisipan kong dito muna tumira sa condo unit niya. Pumunta siya ng kusina at nagulat na lang ako ng inilapag niya ang isang baso ng gatas sa mesa.

"Mom said na kailangan mo daw uminom nang gatas. Nakakatulong  daw 'yun sa mga babaeng buntis." Nakangiting tugon niya at umupo sa tabi ko.

"Eaden, are you still happy to be with me?" Tanong ko.

"Of course." Mabilis na sagot niya. Ngumiti ako ng malungkot.

"Kasi ako gusto kong ipalaglag ang bata." Buo na ang loob kong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko ngayon.

"What? Bakit?" Nagulat at natatarantang tanong niya.

"Naisip ko na kapag pinalaglag ko ang bata ay wala na tayong problema. Magagawa na natin ang lahat nang gusto natin. Wala nang hadlang."

"NO!" Napataas ang tinig niya.

"Hindi ko hahayaang malaglag ang batang nasa sinapupunan mo. Walang kasalanan ang batang 'yan. Kung meron man tayo 'yun! Kasi tayo ang gumawa n'yan. Tayo ang may kasalanan! So please 'wag mong idamay ang bata." Paki-usap niya pa. Para kaming mag-asawang nag-aaway. Nag-aagawan sa kostodiya ng magiging anak namin. Napayuko na lang ako dahil sa sinabi ko.



ROXY'S POV

"Eonnie, are you okay?" Kanina pa siya tanong ng tanong. Kakababa lang namin mula sa Philippine Airlines at ngayon ay balut na balut ako. Mahirap ng may makakilala sa'kin dito. Hinihintay namin ang susundo sa'min. Nakatayo lang si Mosses sa tabi ko habang naka-headset at hawak-hawak ang dalawang malita. 'Yung isa akin, 'yun isa naman sa kanya. Gusto niya daw na siya ang magdala nang mga gamit ko.

"Eonnie---"

"Andito na sila." Agad na huminto sa harap namin ang isang sasakyan at lumabas ang tatlong bodyguards. Kaagad nilang kinuha ang mga bagage namin at naunang pumasok si Mosses sa loob. At sumunod naman ako. Kasama nga pala namin si Demmy ngayon. Busy siya ngayon sa pagtingi ng mga schedules ko.

"Madame?" Napatigil ako sa pagtingin sa paligid dahil sa narinig ko ang boses ni Demmy.

"Yes?"

"May natanggap po akong invitation. Magkakaroon daw ng Welcome Party ang lahat nang mga International Models. At imbitado daw po kayo."

"Let me see it." Ibinigay niya naman ang Ipod niya kung saan nando'n ang invitation. Tama nga siya. Teka!? Bukas na!?

"Mosses, dala mo ba ang mga formal attire mo?" Agad na tanong ko. Tinanggal niya naman ang headset na nakalagay sa tenga niya.

"Yeah. Bakit mo naman naitanong, ate?"

"May pupuntahan tayo bukas." Ani ko at ngumiti.

***

"Ma'am okay na po ba ang kwarto niyo sa itaas? Baka gusto niyo pong ipaayos?" Tanong nang isang kasambahay. Isang oras na ang dumaan ng makarating kami ng mansion. Tuwang-tuwa pa nga si Mosses dahil nasikatan na siya ng araw. Makakagala na daw siya dahil hindi malamig ang panahon dito sa pinas. Hindi tulad sa States.

"Hindi na ho. Ah, manang dumating na ba 'yung damit na pinabili ko? Kapag dumating po ay pakidala na lang ho sa kwarto ko." Saad  ko at nagtungo sa garage. Naabutan kung busy si Demmy habang nag-aarange ng mga props para gawing design sa venue.

"Hey, Dem." Tumigil naman siya sa ginagawa niya ng sumulpot ako sa tabi niya.

"Madame, kayo po pala." Nakangiting bati niya. Simple lang si Demmy. Maganda at mabait si Demmy, siya na lang ang walang asawa sa tatlong magkakapatid. Namatay na rin ang tatay nila at ang nanay na lang nila ang naiwan. 

"Samahan mo ako bukas." I said.

"Nako po, nakakahiya." She protest.

"Nah, I need you there."

Black and White ang motif ng party at puro models ang dadalo. Sigurado akong makikita ko siya bukas. Pero sana 'wag naman. Sigurado rin akong makikita ko ang ahas bukas. Ahas? minsan sa gubat, minsan sa tabi-tabi lang. Tss.

"Eonnie?"

"Oh, Mosses?" Nakapamulsa lang itong nakatingin sa'kin.

"Samahan mo ako sa taas" Inabot niya naman ang kamay niya para makatayo ako mula sa pagkakaupo. Pagkarating namin ng sa kwarto niya bumungad ang limang tuxedo na nakalatag sa kama niya.

"Ano ba ang motif ng party?" Tanong niya at pasimpleng napakamot nang ulo.

"Black and White" Nakangiting sagot ko. Kinuha niya naman ang isang white tuxedo na nakalatag sa kama niya.

"Mas mabuti kung ito ang susuotin ko. I feel comfortable with this suit."

"Yeah." Pagsasang-ayon ko pa. Maya maya pa ay kumatok ang kasambahay na sinabihan ko kanina na kapag dumating ang damit na pinabili ko ay ilagay na lang sa kwarto ko. Well, this will be fun tomorrow.

Just wait for my biggest comeback!

Kailangan ko ng mag-beauty rest dahil eeksena ako bukas. Tingnan natin. Napangiti ako sa mga iniisip ko. Well, it's showtime.


A/N: Enjoy Reading everyone!

Love Never FailsWhere stories live. Discover now