Kabanata 8

50 4 0
                                    

Chapter 8: Twin?

MOSSES'S POV

Cool shoes. Bookstores. Restaurants. Fast food chains. Many people. Well, ano pa ba ang aasahan mo sa loob ng mall? As what I see here, busy ang lahat nang tao. Maingay ang buong paligid. Maraming tao ang masayang naglalakad kasama ang mga kaibigan nila, pamilya syempre mawawala pa ba ang mga couples? Kung nandito lang siguro si Eonnie kanina pa 'yun naging bitter. Bitter sa pag-ibig. Mag-isa akong naglalakad patungo sa elevator, gusto ko kasing pumunta sa second floor. Balita ko may bagong release na album si Taylor Swift. Reputation. Nakarating na nga ako sa elevator ng may biglang naghabol para makapasok maraming tao kasi ang nasa loob at isa na ako do'n. Normal naman kasi 'to dahil nasa public place ka.

"Omygod!" Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. She drop her pen. Kaya yumuko ako para kunin ang ballpen niya. I was about to return it to her but I drop it again.

"C-Chin? What are you doing here?" God. I miss this girl.

"Y-You're just mistaken mister. I'm not Chin." No. This is Chin. From in her face, eyes, nose and lips. Also her voice. Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng elevator at dali dali siyang lumabas. Agad ko siyang sinundan hanggang sa nakarating kami sa isang Botique.

Morris Botique?

Agad siyang pumasok do'n. Nakita ko ang pagbati nang mga staffs sa kaniya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Chin. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon pumasok na ako sa botique na 'yun.

"Miss, nasan na 'yung babaeng pumasok dito?" Tanong ko sa isang sales lady. Nakita ko naman ang malapad na ngiti niya parang tinatago niya lang ang kilig.

"Miss?" Nakatulala kasi.

"Ay sorry sir. Ang pogi niyo kasi. Hihihi. Ano nga ulit 'yun sir?" Ngumiti na lang ako para hindi ipakita ang pagkainip ko. Maya maya pa ay may lumabas na babae mula sa dressing room.

"C-Chin!" Sigaw ko. Pero hindi siya lumingon. Pumunta siya sa gawi ng sales lady kung saan ako nakatayo. Nandito pa rin ang ballpen niya, ng lumabas siya ay pinulot ko 'yun.

"M-Mister?" Gulat na sabi nito. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Mister, hindi ako ang babaeng tinutukoy mo." Bungad na tugon nito. Nakatingin lahat ng tao sa amin sa loob ng botique, tila ba naghihintay ng susunod na mangyayari. Hinila ko siya palabas ng botique na iyon ng wala sa sarili. Damn. Anong nangyayari sa'yo, Mosses?

"Let go of me!" Sigaw niya habang hinihila ko pa rin siya. Nakarating kami sa isang tahimik na lugar, walang masyadong tao.

"Who are you? Bakit mo kamukha si Chin?" Sunod-sunod na tanong ko. Naramdaman ko ang pamamawis ng kamay niya dahil hawak ko pa rin ito.

"I'm not Chin. Hindi ako ang babaeng tinutukoy mo. Mahirap bang intindihin 'yun?" Medyo naiiritang tugon niya.

"Bakit kamukha mo siya?" Tanong ko. Binitawan ko ang kamay niya.

"Bakit mo tinatanong sa'kin ang lahat 'to? Hindi ba pwede na kamukha ko siya? O baka nagkamali ka lang." May point siya. Bakit ko nga ba siya tinatanong? Kasi kamukha niya si Chin. Bakit ko nga ba siya hinila dito? Kasi akala ko siya si Chin.

"I'm sorry. Nga pala, your pen" Ang awkward ng atmosphere ngayon. This time ko lang na-reliaze. Pasimple akong napakamut sa ulo ko. You make a scene, Mosses. Nakakahiya ka.

"Oh, thanks. Ako rin naman, sorry about kanina mukhang na-offend kita. What's your name pala. I'm Lianna Morris. How about you?" Mabang aniya. Parang nabuhayan naman ako ng lakas nang loob.

"I'm Mosses, Mosses Culen." Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata niya. Para siyang nakakita nang multo. She look so surprised.

"Omygod! Omygod! Ka-ano ano mo si Ms. Roxy Culen?" Excited na tanong niya. Parang naiilang naman na ako sa tanong niya.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon