II | 01 - College Life

45 7 0
                                    

•• Yshi Caico POV ••

IT'S BEEN a month after Justin took me away from my family— kung family ba silang matatawag. I am now living beside his unit and under his care.

I left empty handed from my clan. Ayaw ni Justin na may hold sa'kin ang mga Caico, so he took me clean.

Me? Well, I sold some of my possession that I got from my condo. At least may pera pa akong magagamit in-case of emergency. Sayang naman yung effort ko. Pinagkakakitaan din ako ng matandang yun.

Back to Justin, according to my research, the place he lives now was his older brother's unit sold to him to chase his girl in a subdivision, while the one I used was originally his own condo unit.

Quite weird, but they're freakin' rich to have a property on their own in such a young age. Minsan nga narinig ko silang magkapatid na nag-uusap tungkol sa pag-i-invest. They're just freaking students and they'd been talking about investing like a thirty-year old businessman. Iba talaga ang nagagawa ng anak ng isang negosyante.

Nag-aayos ako ng gamit sa bag ko ng may nag-doorbell. Since tatlo lang ang unit sa palapag na'to at yung isang unit ay bakante— I guess that was their eldest unit, and he's out of the country working and his wife was staying at their own mansion, the unit was always been empty— I know who was at the door.

Dali-daling pinagbuksan ko siya ng pinto at nakangiting mukha niya ang humarap sakin.

"Hi!" Masiglang bati niya.

"Hi, Bee!" Masiglang bati ko at niyakap agad siya.

Yumuko siya, hinalikan ako sa noo, at niyakap ako pabalik.

"Ready ka na?" Masuyong tanong niya.

Tumango ako. "Kanina pa."

"Okay, let's go?"

"Okay!" Excited na sagot ko at ni-lock na namin ang pinto saka magkahawak-kamay na bumaba ng building.

Pagkababa namin, nakita agad namin ang family van nila at sa tabi nun ang family driver nilang si Timothy.

"Hi Tim!" We greeted him.

"Hi Sir Justin, Ms. Yshi." Ganting bati niya at pinagbuksan kami ng pinto.

Nauna akong pumasok at sumunod din agad si Justin na naupo sa tabi ko. Then, we all set off to Celestial University. Pagkababa namin, ang dami ng mga tao. It's school opening for enrollment. Whew. Di ko akalain na ganito kadami pala ang nag-e-enroll.

"Sir Justin mag-aantay pa po ba ako?" Magalang na tanong ni Tim.

"No need, Tim. Sige na magpahinga ka na, may lakad pa kami ni Yshi after neto." He's really used in ordering around and it's hard to miss. Bakit hindi ko napansin yun dati? Tsk. Justin exude authority and I got noticed that when I learn who he really is.

"Salamat po." At umalis na si Tim.

Naiwan naman kami ni Justin kaya nilibot na lang namin ang loob ng campus. We saw different flocks of people. Malayong-malayo sa dating school namin puro geek ang pakalat-kalat. Dito ang daming grupo ng tao na paiba-iba ang trip sa buhay.

May grupo ng geek— kamag-anak yata ng taga Alchemy, may grupo ng musicians na parang pinagtripan ng adik ang buhok, yung ilang musicians naman parang nasa sinaunang panahon ang tema ng buhay, may mga fashionista's naman, may mga mukhang chill lang sa buhay, may grupo ng cheerleaders, may varsity players style, may nuknukan ng kaartehan na parang christmas tree na naglalakad na nagkakapalan ang kolorete sa mukha na parang payaso, at marami pang iba.

Queen Bee's DiaryWhere stories live. Discover now