13- Sacha VS Queen Yshi

52 9 0
                                    

•• S A C H A ••

HINDI KO ALAM kung anong oras na akong nakaupo dito sa gilid ng building namin. Pakiramdam ko may mabigat na dumagan sa puso ko.

"Hey, Sacha! Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita si Emi na agad kumunot ang noo siguro dahil sa hitsura ko.

"E-Emi.." Naiiyak na sambit ko.

Pakiramdam ko parang gripo na yung luha ko dahil sa biglang pagdaloy ng sunod-sunod. Parang kanina lang pinipilit kong umiyak para maibsan yung bigat ng dinadala ko.

Nakataas ang kilay na tiningnan niya ako.

"Ano bang nangyayari sa'yong babae ka? Ano bang iniyak-iyak mo?" Mataray na tanong niya sakin.

I sniffed. "S-Si Jace..."

Then she looked interested.

"What about Jace?" Umupo siya sa tabi ko para makinig sa kwento ko. Kahit masakit sariwain at aminin, kailangan kong sabihin yung nalaman ko.

"S-Sila na ni Y-Yshi." Sumisikip ang dibdib ko habang sinabi ko ang ilang katagang yun.

"WHAT?!" Nakamulagat na tanong niya.

Tumango ako at tinuloy ang pag-iyak habang kinukwento yung nasaksihan ko.

• • •

NAGLALAKAD AKONG mag-isa sa hallway para makibalita dun sa nangyari kina Yshi at Jace. Ang alam ko sumugod yung taga Cygnus na sinasabi ni Emi na pinaglaruan niya. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nung lalaki dahil sa ginawa ni Yshi.

Emi is right. Yshi is such a manipulative b-tch. She's playing our weakness.

Habang nanonood, ni hindi ko man lang nakitaan ng takot sa mukha si Yshi kahit nakakatakot yung lalaking taga Cygnus. Sa gitna ng galit na paninita nung lalaki, sumingit si babae at nagpaliwanag. They end up fighting while Yshi was busy staring into space.

Wala talaga siyang pakiramdam at wala siyang pakialam mag-away man ang lahat ng tao sa buong mundo dahil sa kanya. She just want to play. She only think of us as a chess piece in her game.

That confrontation lasted only for a few minutes. The couple was once again reunited and they left Yshi in peace. Ganun lang ba ka simple ang lahat? They even thanked her for messing up!

Dahil sa nangyari, hindi ko mapigilan ang 'di magalit.

Galit na pinuntahan ko si Jace.

"What the hell, Sacha?!" Gulat na tanong niya nung tinapon ko ang gamit ni Yshi.

"She's just using you, Jace! Can't you see? Ginawa ka na nga niyang taga bitbit ng gamit nya!" I screamed at his face. Gigil na gigil na ako sa pang-aalila niya kay Jace.

I don't care if I'm making a scene inside the cafeteria or my schoolmates saw my madness. Pero galit ako! Bakit hindi niya makita na ginagamit lang siya ni Yshi?

"What's your problem?!" Galit ding asik niya at pinulot ang mga gamit ni Yshi na nasa sahig na.

Hindi ko kayang makita ang galit sa mukha niya kaya napayuko ako.

"C-Concern lang naman ako sa'yo." Nakayukong sagot ko.

"I don't need your d-mn concern, Sacha." Malamig na sagot niya at inayos ang gamit ni Yshi sa mesa.

"What's going on here?" Tanong ng malamig na boses mula sa likod ko.

Nanigas ako dun. Galit ako kay Yshi, oo. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi ma-intimidate sa kanya. She's been a monster all our high school years and the fear won't fade just like that.

Queen Bee's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon