III | 06 - Expensive Trips

48 6 0
                                    

•• YSHI CAICO ••

NAPABUNTONG-HININGA na lang ako pagkababa namin sa plane. Nasa airport kami na exclusive lang sa mga elite passenger. Naasar na nga ako sa lakad na'to dahil sobrang mahal ng lugar at hindi lang yun, talagang exclusive plane pa ang sinakyan namin. It's a dream VIP plane and airport! Dream? Na-uh. Tsk! We're wasting money for a single trip?! Is that even legal?!

"Welcome to Wisteria, Bee!" Masiglang bati ni Justin pagkababa namin.

"Yeah." Sagot ko na lang dahil busy na ako sa pag-calculate ng possible expenses namin. Ayaw naman kasing ipakita sa akin ni Justin ang plane ticket or any other expenses namin. He ordered someone I don't know to take care of the bills.

Ayoko namang magwala dito kahit gusto ko kasi ayokong mapahiya si Justin. Kung puwede naman kasing mag-economy flight, bakit nag-elite pa kami? Sana man lang naka-save pa kami ng konti! Ang mahal pa naman ng pagkain dito. Tch! Thinking all of it really pissed me off. Magkaka-wrinkles ako sa pagiging galante ni Justin.

"Tara, kunin na natin yung baggage." Aya niyang todo ngiti kaya lalo siyang gumwapo.

Tumango ako at lumapit sa kanya. Akala niya siguro mabibili niya ako sa ngiti-ngiti na yan. Well, yeah, that did manage to distract me, but I rein myself.

I am still mentally calculating our possible expenses when he gently cupped my face with his both hands and kissed my temple lovingly.

"I love you." Malambing na bulong niya at kitang-kita ko sa mukha niya yung pagmamahal niya sakin. The love I always saw in his face. That loving stare. The love I always love to see in him.

He really know how to twist my mood. Hindi ko maiwasang mapangiti at yumakap sa baewang niya. Ako na marupok.

"I love you more." Ganting bulong ko sabay halik sa pisngi niya. I love him so much.

Ngumiti siya at maingat na hinila pa ako palapit sa kanya saka kami pumunta dun sa mga bagahe namin. Yung mga kasama namin, sumunod naman agad. Ilang minuto pa at nasa parking area na kami. Buti na lang at nag-rent sila ng van at hindi limo kaya 'di na ako maasar sa presyo ng pamasahe, sa renta, gasolina, at iba pa.

"Hope you'll enjoy your trip, Mr. Castelle." Sabi nung nag-aya sa kanya na hindi ko kilala.

"We'll surely will." Sagot niya habang nakangiting nakatitig sakin.

Ngumiti na rin lang ako kahit naiinis ako sa kanya. Ang bilis kasing pumayag.

Ano bang gusto nilang patunayan? Na mayaman sila? Na kaya nilang gumastos ng million para gumala?! At ang magaling ko namang boyfriend, nakisali pa! Nagtatapon ng pera! Tss! At kelan pa naging ideal ang magpaka-luxurious trip habang nagba-budget kami sa kasal namin?!

"Yshi ko." Malambing na bulong niya maya-maya kaya naputol yung paghuhumerentado ng utak ko.

Napabaling naman ako sa kanya. He kissed my cheek saka niyakap ako sa baewang at binaon ang mukha niya sa leeg ko habang hinahalikan. Nagulat ako dun kahit nasanay na akong hinahalikan niya pero hindi kasi siya yung tipong nakikisali sa 'PDA', lalo na at lahat yata ng mata na samin nakatingin. Sure, they won't see him kissing me, but the fact that his face was on my neck is still visible.

Yung mga babae, nakataas pa ang kilay sakin. Tinaasan ko din sila ng kilay kaya napahiya sila. Tch! Anong akala nila, di ako lalaban?

Ano sila ngayon? Justin Castelle is MINE. He is kissing me. He is all over me. Tsk. Mamatay kayo sa inggit.

Mahinang tinapik ko na lang ang poging mama sa likod para awatin siya.

"Bee..." Awat ko sa kanya.

Queen Bee's DiaryWhere stories live. Discover now