07- Ally

57 10 0
                                    

•• JACE PoV ••

"SYBILL!" Tawag nung kaibigan ni Yshi na si Jhyle at tumakbo palayo habang si Yshi ay nakatayo lang habang naiiling na naka-cross arms.

"SYBILL!!" She called out again. Trying to piss her off.

"Kapag naabutan kita, patay ka talaga sakin, Jillian!" Sigaw na banta ni Yshi habang naka-cross arms pa din at masama ang tingin sa kaibigan.

Tumawa lang si Jhyle at tumakbo palayo habang di man lang natinag si Yshi sa kinatatayuan niya. Hindi niya ba hahabulin yun? Ng tingin ko wala talaga siyang balak sundan, kusa na akong lumapit sa kanya.

"Di mo ba siya susundan?" Takang tanong ko.

"Nope." She replied plainly.

"Paano kung may mangyaring masama sa kanya?" Curious na tanong ko.

This is Phoenixers' first visit in our campus and I don't think Jhyle had been there before. She's pretty, no one could ever forget that face in this place and roaming around alone isn't a good idea at all. May mga schoolmates kaming trouble-maker, paano na lang kapag nagtagpo ang landas nila? Jhyle is quiet well-known and there is no doubt anyone in this campus can recognize her. What if someone might do something stupid? Who will protect Jhyle?

"Jillian can handle them." Sagot niya lang at sumandal dun sa may poste na hindi man lang natinag sa tanong ko.

Kumunot ang noo ko. Isn't she worried about her friend's safety?

"Aren't you worried?" Takang tanong ko. Alam kong mahalaga sa kanya ang mga kaibigan niya, pero bakit ganito siya umasta ngayon na parang wala siyang pakialam kung saan mapadpad o kung may makasalubong man na masasamang loob?

"Na-uh, Jillian can really handle them right." She smiled wickedly.

Oh, Jillian probably can really handle them well. She knew her so well.

"So, what are you doing here?" Tanong niya sakin.

I shrugged and replied.

"Free time since kailangang i-welcome yung taga-Phoenix?" Hindi ko din kasi alam kung bakit.

Our teachers just let us all out, so we assume we have to welcome the guest on our own way or not. Hindi naman daw nagpagawa ng attendance kung sinuman yung lumapit at nag-welcome sa mga bisita namin kaya malamang okay lang na hindi ako sumali sa kumpulan.

"Oh, kaya pala ang daming asungot." She replied and turn to the crowd of Alchemyians and Phoenixers.

Napansin ko nga yung full-admiration ng mga taga-Alchemy sa Phoenixers kanina ng bumaba sila. Well, who won't admire a bunch of good looking talented individuals and who won't feel giddy knowing best dancers of our generation were crowding inside our school?

Pero parang nagpapatayan na yata sila ngayon? The girls were practically swooning awhile ago but now, they look like a cat ready to scratch their faces.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin.

"Same old Phoenix Musicians?" She replied with a shrug like it's the usual reaction to meet them.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko.

"A bunch of assh-les." She muttered and turn to me. "Grupo ng mga taong laitero." She replied completely not scared if someone might hear us.

Napatingin ako dun sa kumpulan at nakumpirmang tama nga yung sinabi niya.

"Akala nyo naman kung sino kayong gwapo at maganda! Mga walang utak!" I heard the some of the girls start screaming at their visitors faces.

Queen Bee's DiaryWhere stories live. Discover now