E P I S O D E 40 - I M P L Y

Start from the beginning
                                    

Pictures at mga contacts lang naman ang importante sa phone ko. Hindi naman ako mahilig sa gumamit ng social media. Binagsak ko muna iyon sa kama at pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hairdryer. Lumabas muna ako sa balcony at nilasap ang simoy ng hangin.

Masaya na ako noong wala siya pero parang may kulang. Siguro this is meant to happen, para magkaclosure kami at maging masaya para sa isa't isa. Kinuha ko ang phone ko at lumabas muli sa balcony. Tinawagan ko ang kapatid ko.

"Hey" ramdam ko sa boses niya ang pagod. Siguro ay dahil sa business nila. "Hello, okay ka ba diyan? Pupuntahan namin bukas ang pamangkin mo" pagbibigay-alam ko sa kaniya. Minsan kasi ay gusto niya ring sumama para bisitahin ang baby ko pero kadalasan talaga ay si Arthur.

"Pupunta ako, anong oras ba kayo bukas?" tanong nito na halos bumubulong nalang. Anong nangyari dito?"8 am papunta na kami and then we'll stay hanggang 1 pm. Wait, are you alright? You seem really tired"

"Yeah, actually I'm really tired. Pakisabi nalang hindi ko siya mapapadalhan ng flowers" narinig kong iniba niya ang posisyon niya. Mukhang nagpapahinga ito at naistorbo ko pa. SIya kasi ang sumasagot sa bulaklak at ako naman sa kandila sa tuwing pupunta kami ni Arthur kay baby. Ito ang unang beses na hindi siya ang sasagot sa flowers.

"It's okay, magpahinga kalang. Kinausap mo na ba sina Mommy at Daddy?" tanong ko. Last na tanong na para makapagpahinga naman ang siraulo. " Bukas nalang, bye" pinatay niya kaagad ang linya. Is there something wrong?

Hindi ko na siyang muling tinawagan para makapagpahinga na siya. Bumalik ako sa loob ng kwarto at nahiga muna sa kama. Iniisip kung anong gagawin ko kapag nakita ko siya. Bakit ba kasi bother na bother ako tungkol dito? I shake my head lightly. Kinakalimutan kung ano man ang mga pumapasok sa isip ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala nang makarinig ako ng pagkatok. Napabaling ako sa pinto at tumayo. Bumungad sa akin ang kasambahay namin.

"Ma'am, handa na po ang hapunan" nakangiting pagbibigay alam nito. Tumango lamang ako at sinabing susunod na rin. Sinara ko ang pinto at inayos ang sarili bago ako bumaba.

Naroon na sina Mommy at Daddy sa hapag mukhang hinihintay nila ako. Binati ko sila ng magandang gabi at saka umupo na para magsimula na kaming kumain.

"Is there something bothering you? Are you okay?" tanong ni Daddy matapos hiwain ang karne at tumingin sa akin, naghihintay ng sagot.

"Maybe Arthur?" singit ni Mommy bago pa ako makasagot. Naiiling na ngumisi si Daddy habang si Mommy naman ay may mapang-asar na ngiti.

"Just the upcoming seminar" tamad na sagot ko na lamang marahang hinihiwa ang karne. Sumubo ako at habang ngumunguya ay tumingin sa kanila dahil nanahimik ang mga ito. Nagkatinginan sila bago bumaling sa akin.

"I told you, ako nalang ang mag-aasikaso niyan wala naman akong ginagawa. Your Dad will help me, magbakasyon ka outside the country maybe with Arthur" nag-aalalang saad ni Mommy. Mukhang kinukumbinsi niya talaga ako na lumayo dahil nag-aalala siya sa mangyayari kung sakaling magkita kami.

"Wala naman akong pasyente sa clinic, you need to rest hindi puro work" si Daddy naman ngayon. Bumaba ang tingin ko sa karne habang marahang ngumunguya, iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanila ang plano ko.

"Dad, hindi naman ako subsob sa trabaho and I'm planning to talk to him, maybe ito yung time para mag-usap kami. We need closure, Dad" paliwanag ko sa kanila. Bumaba muna ang tingin ko sa pagkain ko at tumingala sa kanila.

Ngumiti si Mommy, hindi ko alam kung malungkot siya o ano. Bakas sa mukha niya na masaya siya at the same time malungkot. "I'm so proud of you" saad ni Mommy. Ngumiti naman din ako. Natawa pa siya nang may lumandas na luha sa pisngi.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now