"Mamaya na kita sasagutin. Pumasok ka na muna sa loob."



Napangisi tuloy ako. Grabe siya makautos sa akin. Pero sumakay na ako saka rin siya sumakay. "Pupunta tayo sa inyo."



"Ano??" Gulat ko. Wengya 'tong Kulot na 'to, ang lakas ng trip niya. Pupunta raw kami sa bahay namin?



"H-Hindi puwede. May klase pa tayo saka dadating na 'yong teacher natin sa Mapeh. B-Baba na ako." Binuksan ko 'yong pintuan ng kotse pero hinatak niya ako pabalik. "A-Ano ba? Malalate na tayo."



"I don't care, ang importante masunod ang gusto ko." Aniya.



Aba'y talagang sinusubukan ako ng Kulot na 'to. Nginisian ko ulit siya sabay tinitigan ko ng masama. "Ano ka ba namang Kulot!" Sigaw ko ng malakas.



"Urgh, ang sakit sa tainga!" Bulyaw niya. Eh, kung hindi ba naman kasi sira ang tuktok niya.



"Eh, bakit ba kasi pupunta tayo sa amin kita mong may klase pa tayo ha?!" Sigaw ko ulit.



"Eh, kasi nga ayun ang gusto ko. Bakit ka ba nagrereklamo?!"



"Abah! Bakit ako nagrereklamo?!
May saltik ka ba talaga ha?! Di mo gets? May KLASE pa nga tayo, ayokong magliban ng subject!"



"Tss, kahit naman hindi ka pumasok wala namang pakialam ang lahat sa grades mo." Nakacross arms niyang sabi sabay ikinabit niya ang seatbealt niya.



Matapos ay kinuha niya rin ang seatlbelt ko kaya di na ako nakakibo. Ang bango niya!



Matapos niya akong kabitan tinignan niya ako sabay nginisian niya ako. "Mabuti naman at tumahimik ka, tss." Sabi niya matapos ay umayos siya ng upo niya samantala napalunok naman ako.



Sasama ba talaga ako sa kanya? Pero wala na. Umandar na 'tong kotse. Kainis! First time ko lang magskip ng klase at dahil pa 'yon sa kanya, tch.



"Oh, pinabibigay nga pala 'to ni Nanay." Inabot ko sa kanya ang maliit na paper bag na may lamang baunan at pagkain sa loob.



"Ito? Para sa akin?" Nagulat siya at parang hindi siya makapaniwala.



"Umh, sa 'yo 'yan, pinabibigay ni Nanay, baka kasi kapag 'di ko binigay sa 'yo 'yan makatikim ako ng malutong na sermon e."



"Talaga?" Aniya. Tumango ako tapos bigla niya akong kinutusan.



"Argh! Siraulo ka talagang Kulot ka! Grr." Ang sakit kaya non. Siya na nga binigyan ko ng pagkain nangutos pa. Hindi man lang nga nagthank you e. Ang sama niya talaga.



Pagtingin ko naman sa kanya ngiting ngiti siya. Nakakainis! "Hm, ang sarap nito." Nakangiti niyang sabi habang nanguya. At sa tingin ko sarap na sarap nga talaga siya sa pancake ni Nanay.



"Hindi ka ba nilulutuan ng Mommy mo ng ganyan?" Tanong ko sa kanya. Para kasing nakikita ko sa kanyang sabik siya sa luto ng isang Nanay.



Bigla siyang napayuko habang nakain. Okay lang ba siya? Para kasing may mabigat siyang dinadala. Kita ko ang paglalim ng hininga niya. "My Mom and Dad lagi silang busy sa business, kung hindi naman ay sa F.O.L. Si Ate sa pagsasanay. Wala silang time para lutuan ako ng ganito kaya napakasuwerte mo because you have a happy family, and I like it. "



Bigla akong nagtaka sa sinabi niya. Totoo kaya 'yon? Actually na met ko na ang lahat ng family niya at sa tingin ko mababait naman sila. Hindi kaya rebelde itong si Kulot?




(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon