"Honey, may bukol ba siya? Tignan mo." Sabi nung Tatay niya.



"Ijo, masakit pa ba?" Tanong naman sa akin nung Nanay niya.



"Ah hindi po. Okay na po ako." Shit, nakakainis!



"Sigurado ka ijo, ha?"



Tumango nalang ako. At pagkatingin ko naman sa pagkaing nakahain bigla akong napatakip ng ilong ko. Shit, ayon 'yong pagkain ni Bansot kanina sa Canteen 'yong fried yucky fish. Maya-maya pa sinipa niya ako ng palihim sabay pinanlakihan niya ako ng mga mata niya.



Parang ang pinapahiwatig niya alisin ko 'yong kamay na nakatakip sa ilong ko at 'wag akong umarte sa harapan ng mga magulang niya. Sa inis ko nilihis ko ang tingin ko sa kanya sabay na nagkasalubong ang dalawa kong kilay habang inalis ko ang kamay kong nakatakip sa ilong ko. Pero shit! Kakainin ko ba talaga 'to? Ayoko talaga ng amoy nito. Stupid! Ang lansa.



"Ijo, ito ang para sa 'yo, masarap 'yan, isaw-isaw mo rito sa toyo na may sili. Alam mo bang bihira lang kami makakain ng ganto kasarap na isda kaya kumain ka ng kumain ha?"



Habang nagsasalita 'yong Nanay niya pinaghihimay ako nito ng ulam at hinahainan ng kanin. "Ijo, kumain ka nang kumain." Sabi naman nung Tatay niya habang si Bansot nagsisimula na siyang kumain. Bakit ganon parang sarap na sarap sila sa kinakain nila?



"Ijo, okay ka lang ba?"



"Hindi ka ba kumakain ng ganitong ulam, ijo?"



Muli kong naramdaman ang pagsipa ng mahina ni Bansot sa paanan ko dahilan para sumagot ako kahit hindi ko gusto. "Uh, hindi po. O-okay lang po n-nakain po ako niyan." Ngumiti ako ng pilit sa harapan nila. Shit talaga, pahamak 'tong Bansot na 'to.



"O, sige kain ka na."



Matapos akong hainan ng Mama niya kumain na rin ito kaya nagsimula na rin akong hawakan ang kutsara at tinidor ko. Kahit hindi ko gusto 'to sapilitan kong tinikman 'yon pero okay naman pala ang lasa. Pagkatingin ko naman kay Bansot nag thumbs up siya, pahiwatig na okay 'yong pagkaing 'to.



Sa 'di ko naman malamang dahilan napangiti nalang din ako at nagthumbs up sa kanya kaya natuwa ang mga magulang niya sa aming dalawa. It's delicious. This dish is unforgettable.



"Ijo, gusto mo pa ba? Kain lang nang kain ha? Feel at home ka rito sa bahay namin. Welcome na rin at ikaw ang unang dinala ni Chai dito sa bahay namin." Kuwento ng Tatay niya.



"At kapag may time ka balik ka lang ulit dito, ipagluluto kita. Pero sana kapag bumalik ka rito e wala ng nangyari sa inyong masama ni Chai ha?" Mabilis akong tumango saka ngumiti matapos ay kumain pa ulit ako nang kumain.



Ilang minuto pa natapos na kami sa pagkain at kuwentuhan. Minabuti kong magpaalam na rin sa kanila dahil sobrang gabi na kasi. "Naku ijo, ang yaman mo pala ano? May kotse ka? May driver ka rin oh." Biglang sabi nitong Tatay ni Bansot.



"Oo nga ijo, saka alam mo ba hindi pa kami nakakasakay sa ganitong mamahaling sasakyan. Ipasyal mo naman kami minsan." Sabi naman nung Nanay niya. Nandito na kami sa labas at hinatid nila ako. Tumango nalang ako dahil gusto daw nila ang bagay na 'yon. Nakakatuwa sila. "Aaah, salamat ijo."



"Welcome po." Nakangiti kong sagot.



"Grabe ijo, kung ikaw ang magiging boyfriend at mapapangasawa nitong si Chai e pasadong pasado ka na sa amin."



Kaliwa't kanan ang tingin ko sa kanila habang natango tango lang ako. "Nay, Tay, ano ba naman po kayo. Magkaklase lang po kaming dalawa ni Ezen." Reklamo naman nitong si Bansot.



"Kung ganon Ezen ang pangalan mo ijo? Naku bagay na bagay sa 'yo lalo na sa kulot mong buhok."



The heck, okay na e. Dinugtungan pa.



"Siya nga. Oh, siya sumakay ka na at magpahatid pauwi sa inyo. Maggagabi na. Ijo, mag-iingat ka ha?"



Pinagbuksan nila ako ng pinto ng kotse kaya pumasok na ako sa loob. Ilang minuto pa pinaandar na nitong driver ko ang kotse kaya nagpaalam na ako sa kanila ng tuluyan. Bigla akong napangiti sa 'di ko malamang dahilan. Ang weird kasi nila pero ang sarap kasama.



Nilingon ko muli ang bahay nila pero si Bansot nalang ang nakikita kong nandon at may hawak siyang baunan, 'yong baunan niya kanina sa Canteen.



Tanaw ko 'yon hanggang dito. Sa tingin ko 'yong pagkaing natapon nita kaninang tanghali sa Campus ipinapakain niya 'yon ngayon sa mga pusa. Tss, kaya pala sinabi niyang may mangangailangan pa non. Muli akong bumalik sa pagkakaayos ko ng upo sabay napangti ako.






(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu