“Ate, mag-iingat ka doon. Hindi ko naman alam na naghihirap pala ang iyong kalooban noon pa man..Kung sana may magagawa lang ako..” - Joshua

“Meron Josh, tibayan ninyo ni Karen ang inyong loob. Lagi kayong handa. Babalik rin naman ako. Kung sakaling pumunta dito ang mga kaibigan ko sa opisina..sabihin ninyong nasa malayo ako..”

“Opo, ate.” Sagot ng mga kapatid ni Yheng.

--------------------------------------------

Muling bumalik sina Cydric sa pamamahay nito.

“Yheng, h’wag kang matakot. Hindi kita pababayaan..Just trust me.” Hinawakan ni Cydric ang kamay ni Yheng.

“Cyd, iniisip ko kasi ang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito..Hindi ko alam kung makakaya kong iwan ang bata..Alam mo bang, nasaktan ako nung sinabi mong ANAK MO LANG ANG KAILANGAN MO..nauunawaan ko ‘yon. Walang problema doon. Pero sana maunawaan mo din na NANGARAP DIN AKO NA MAGING INA. Sana hayaan mo akong makalapit man lang sa magiging anak natin..”

Hindi umimik si Cydric.

Agad pinunasan ni Yheng ang mga mata nito.

Iniwan ni Cydric si Yheng sa silid nito.

CYDRIC’S POV

Napaka emosyonal ang mga nangyayari kay Yheng. Alam kong napilitan lamang s’ya.

Ngayon palang dapat kong pag-isipan kung anong gagawin sa sandaling dumating na ang bata..

-------------------------------------------

Sa pamamahay ni Clint..

Kasalukuyang nagbabasa si Clint ng aklat habang nakahiga sa kanilang kama..

Tumabi ang kanyang asawa sa kanyang tabi at inalis ang aklat na binabasa nito. Kinuha ni Kristine ang atensyon ni Clint. Humilig si Kristine sa dibdib ng asawa.

“Hon, gusto mo bang pumunta tayo sa Japan? Kasi gusto kong pumunta sa Wisteria Tunnel.” - Kristine

“Whaaa..Himala at muli mong natutunan ang maglambing sa akin ngayon. Bakit may gusto ka bang bilihin?” Alam ni Clint ang ganung pakikitungo ni Kristine sa kanya.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now