Chapter 54

9.3K 202 0
                                    

* Nika POV *

" Ang saya dito sa inyo, Manong. Tamang-tama lang pala ang pasyal namin ng kapatid ko. " nakangiti kung sabi sa kanya.

" Salamat Ma'am. Pasensya na po sa handa namin. Kunti lang kasi yung budget namin para sa handa. " nahihiya nitong sabi.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.

" Ano ba naman kayo Manong. Kami nga po dapat mahiya at magpasalamat sa inyo dahil inimbitahan niyo kami dito, Manong. " nakangiti kung sabi sa kanya.

Napakamot nalang si Manong sa ulo niya. Ngumiti lang ako sa kanya at sumunod na kami ni Kate sa pagpasok sa bahay nila.

" Ate, anong ginagawa natin dito? " tanong sa akin ni Kate.

" Makikikain. " sabi ko sa kanya.

Oo! Makikikain kami sa bahay nila Manong. Natatandaan niyo yung lagi kung binibilhan ng fishball, kapag nasa plaza ako? Siya yun.  nakita ko kasi siya kanina sa may supermarket.. namimili. Nilapitan ko siya at tinanong kung ano ang ginagawa niya. Ang sabi niya naman sa akin, namimili siya ng lulutuin ng misis niya dahil birthday ng bunso nilang anak. Maghahanda sila kahit kunti lang.

Tinanong ko siya kung pwede bang makakain sa kanila? Dumadalawang isip pa siya bago sumagot. Kaya lang nong pinilit ko siya at nagmakaawa sa kanya. Napalayag ko rin siya, kaya sobrang saya ko ng pumunta kami sa bahay nila.

" Domeng, nandito kana- " napahinto yung sasabihin nong matandang babae na sa palagay ko asawa niya ng makita niya kami.

" S-sino sila? " tanong nito.

" Lita, bisita ko. Makikikain daw sila eh. " nahihiyang sabi ni Mang Domeng.

Ngumiti naman ako sa asawa niya na parang nahiya din yata. Pati na rin sa anak nila na kanina pa tulalang nakatingin sa akin.

" Hi! " nakangiti kung sabi sa kanila.

" Ang ganda niyo po. " sabi nong batang lalake.

Siguro siya yung bunso at may birthday ngayon. Siya lang kasi ang pinakabata sa kanila. Pinakilala naman sa amin ni Mang Domeng ang mga anak niya. Actually, tatlo ang anak niya, dalawang lalake at isang babae. Lalake yung panganay kaya lang daw mamaya pa yun dumating.

Nasa salla kami nina Kate, kasama yung dalawang anak ni Mang Domeng. Yung babaeng anak ni Manong, todo kwento ng kung ano-ano. Nakakaaliw nga siyang pakinggan. Mas lalo akong natutuwa sa kanila dahil nagbabangayan silang dalawa ng kapatid niya. Sinusuway ko lang silang dalawa kapag malapit na silang mag-away. Baka ako pa ang may kasalanan kung bakit umiyak ang dalawang toh.

" Kuya! "

Napatingin ako sa pinto ng bahay nila ng biglang sumigaw yung bunsilo at tumawag ng kuya.

Napatayo naman ako ng makita ko yung lalakeng nakatayo doon na sa palagay ko, pareho lang kami ng edad.

" Magandang gabi. " bati ko sa kanya.

Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa, na parang ngayon lang nakakita ng maganda? Joke....

" Sino ka? " tanong nito.

Bago pa ako makasagot, lumabas si Mang Domeng galing kusina.

" Anak, nandito kana pala. Siya nga pala, bisita ko. Ma'am siya po yung sinasabi kung panganay ko. " nakangiting sabi ni Manong sa akin.

Bumati ulit ako sa anak niya at ganun rin siya sa akin. Tapos maya-maya tinawag na kami ng nanay nila na kumain na. Kunti lang naman yung handa nila. Hindi ganun karami, at wala rin silang bisita. Sa madaling salita, kami lang dalawa ni Kate ang bisita nila. Sarap na sarap nga ako sa kinain namin ni Kate. Lalo na yung kaldereta nila, sobrang sarap kaya naparami ang kain ko.

Matapos naming kumain.. tumulong akong mangligpit kay Manang. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako tumulong noh. Ako na nga itong nakikikain eh.

Pagkatapos non, bumalik ulit ako sa may salla nila at nakikinuod na rin ng TV.

" Nga pala Ms. bakit kayo nandito? Gabi na ha. Baka mapano pa kayo sa daan. " tanong sa akin nong panganay ni Manong.

" Ang boring kasi sa bahay, Mr. " simpleng sagot ko sa kanya.

" Hindi ba kayo hinahanap sa inyo? " tanong ulit nito sa akin.

Siguro sa mga oras na ito. Parang mga baliw na yun sa kakahanap sa amin? Kasalanan din naman nila yun eh.

Bago ako makasagot sa tanong niya, may narinig kaming sigaw mula sa labas ng bahay nila.

" Annika! Kate! " sigaw nito mula sa labas ng bahay nila.

Napatingin naman sa akin yung panganay ni Manong. Pati sila manong na nakalabas sa kwarto nila.

" Anong nangyayari? " nagtatakang tanong ni Manong.

Nagkibit balikat lang ako sa kanila. Si Kate naman, nakatingin sa akin. Pero sumenyas lang ako sa kanya na tumahimik lang.

" Labasan muna, anak. Baka may hinahanap yung tao. " kinakabahan na sabi ni Manang.

Lumabas naman yung panganay nila. Kami naman ay nanatili sa loob ng bahay.

Sumilip ako sa bintana yung hindi ako kita. Mamaya na ako lalabas, titingnan ko muna kung ano ang gagawin nila.

" Sino kayo? " tanong nito sa kanila.

" Hayop ka! Ilabas mo si Annika at yung bata. " galit na sigaw sa kanya ni Andrew.

Napatawa nalang ako ng pilihim. Ganun niya talaga ako kamahal noh, at ganun nalang ang tindi ng galit niya kapag nawala ako.

" A-ano? Hindi ko kilala kung sino ang hinahanap mo. " sabi nito.

Kita ko naman kung paano nanggigil sa galit si Andrew. Sila Kuya naman ang sama nong tingin nila sa lalake.

" Tarantado ka! Ikaw tong nagpapunta sa amin dito. Tapos sasabihin mong wala kang alam? " galit na ring sabi ni Kuya.

" Ilabas mo si Annika at yung kapatid ko. Kung ayaw mong patayin kita. " galit na ring sabi ni Kenji.

O...o...talagang galit na sila.

" Domeng, baka mapano ang anak natin. " nanginginig na sabi ni Manang.

Pati yung kapatid dalawang anak nila, parang iiyak na sa takot.

" Lalabas muna ako. Dito lang kayo. " sabi ni Manong.

Kailangan ko na din sigurong lumabas. Baka ano pa ang magawa ng mga tukmol na ito sa anak nila.

Bago pa makalabas si Manong sa bahay nila. Pinigilan ko na siya. Kaya nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.

" Ako nalang ang lalabas, Manong. Dito lang kayo sa loob. " nakangiti kung sabi sa kanya.

" Pero Ma'am- " sabi nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na ng bahay nila. Lagot talaga kayo sa akin mga tukmol kayo.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon