Chapter 32

11.1K 282 4
                                    

Lahat ay nag-aabang sa mga susunod na gawin ni Nika. Pero ang hindi nila alam, may isang tao na kanina pa nanunuod sa mga nagaganap sa loob ng ring. At kanina pa ito nasisiyahan sa mga nakikita niya.

" Nakakaexcite talaga kapag nakikipaglaban ka, Black Angel. " nakangising sabi nong taong kanina pa nanunuod sa laban nila.

Agad namang naalerto si Nika na may nagtangka sa kanyang suntukin siya mula sa likuran. Kaya agad siyang umikot at hinuli ang ulo ng taong susuntok sa kanya at saka niya yun binalibag. Hindi pa siya nakuntento, sinipa niya pa ito ng malakas sa may sikmura para mapasigaw ito ng malakas dahil sakit. Sinipa niya naman yung nasaharapan niya kanina. At naramdaman niya ring nakisali na rin sina Kenji para patumbahin siya. At sabay-sabay na sumugod sa kanya ang mga ito. At naramdaman niyang kailangan niya ng magseryuso ngayon.

Tumakbo si Nika kung saan siya tinali kanina, at binuhat yung upuan saka hinampas sa taong unang sumugod sa kanya. Alam niyang hindi na iyon makabangon pa, dahil sa lakas na pagkakahampas niya dito.

" One down. "  nakangiti nitong sabi.

Mas lalo pa siyang ngumiti ng maramdaman niya ang galit na galit na presensya ng mga ito. Kahit nakapikit si Nika, parang nakikita niya parin ang mga ito at ang mga bagay na nakapaligid sa kanya. Kahit na sina Andrew at ang mga kaibigan nito, ay hindi makapaniwala sa pagbabagong nakikita nila kay Nika. Maliban nalang kay Gray, dahil inaasahan niya na mangyayari ito.

Naramdaman ni Nika na may tubong hahampas sa kanya. Kaya agad niyang hinila ng malakas ang tubong yun. Dahilan para makuha niya at malakas na hinampas sa ulo ng humawak non. Hindi lang isang beses na ginawa niya ang bagay na yun, kundi tatlong beses dahilan tuluyan na itong mabagsak at mawalan ng malay.

" Y-you're a Monster. "  rinig niyang sabi ni Martha.

Ngumisi lang siya lalo nat nararamdaman niya ang takot ng mga ito. Mabilis siyang lumapit dito at kasabay non ang pagsakal niya kay Martha. Pero may humila sa kanya at kasabay non ang pagsuntok sa kanya sa sikmura.

" May dalawa pa palang natitira? Uunahin ko muna kayo. Bago ko isusunod si Martha. "  sa isip-isip niya.

" You want a game? Then, I'll gave you that. "

Si Nika na ang unang sumugod sa kanila, para madaling matapos. Inaasahan niya na malalakas ang mga ito, pero sa tuwing sumusugod si Nika sa kanila. Hindi nila maiilagan.

" W-who are you? "  base sa pandinig ni Nika. Si Red ang nagtanong yun sa kanya.

" I'm your Nightmare. "  sabi nito saka sumugod.

Mabilisan niya itong kinuha ang baril na nasa tagiliran nito at binaril sa binti, sa may kamay nito at kasabay non ang pagsipa niya dito sa may ulo. Hindi naman, nakakamatay yung ginawa ni Nika, pero sinigurado niya na hindi na ito makakatayo pa para sumugod. Sinunod niya namang pinatumba ay si Blue hair. Pinutukan niya ito sa balikat saka tinuhod at hinampas sa likuran gamit ang dalawa niyang kamay.

" Two more to go. " sabi nito ng malamang sina Kenji at Martha nalang ang natitira.

Lumapit ito kay Kenji at itunutok ang hawak nitong baril sa noo nito. Dahilan para mapatigil ito at mapasinghap ang mga manunuod.

" Your dead. "  nakangisi nitong sabi sa kanya.

" Y-you bit- "

Bago pa matapos ni Kenji ang sasabihin niya. Isinampal na ni Nika ang hawak nitong baril sa mukha ni Kenji, dahilan para mapadugo ang bibig nito. At agad na itinapon yung baril kahit saan. Bago pa man makakabawi si Kenji sa ginawa sa kanya ni Nika. Mabilis namang inagaw ni Nika ang small knife na hawak nito. Hinila niya ang kamay ni Kenji at isinulat niya doon ang initial name niya na B.A gamit ang sariling small knife nito.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now