Chapter 21

11.7K 268 7
                                    

Lahat ng tao ay napasinghap ng makita kung ano ang lumabas sa box na ibinigay ko kay Martha. Nakikita ko kung paano namutla ang mga mukha nila sa paglabas ng isang ahas sa loob ng box. Yung mga babae, ang O.A ang sakit sa tenga yung sigawan nila.

Bakit? Ano ba ang problema sa alaga ko. Hindi naman ito nangangagat e. Mabait kaya to.

Kinuha ko si Ai. Pangalan ng alaga kung ahas.

Nilalaro ko pa ito sa kamay ko at humarap kina Bianca. Napangiti ako ng makita ko na namumutla na yung mga mukha nila. Maging si Andrew at si Insan. Hindi kasi alam ni Gray na ahas pala ang laman ng box na pinadala ko sa kanya.

" P-put it down. "  sabi ni Andrew.

Ngumisi lang ako sa kanya saka humarap ulit kay Martha at lumapit dito. Lumayo naman siya sa akin, maging yung mga taong dinadaanan ko.

" Hindi mo ba nagustuhan si Ai? Kasi siya, gustong-gusto ka niya. "  nakangiting sabi ko.

Hindi naman siya nakagalaw sa kinatatayuan niya ng ilagay ko sa leeg niya si Ai. Parang ginawang kwentas ko yun sa kanya. Mas lalo naman siyang nawalan ng dugo sa mukha niya.

" Oh! My! Ghad! Martha! "  natatarantang sabi ng isa niyang kaibigan.

Ako naman natutuwa sa nakikita ko. Halos hindi na kasi makahinga si Martha sa ginawa ni Ai sa kanya. Nakapulupot na kasi sa katawan niya si Ai.

" A-alisin niyo to. "  nagmamakaawang sabi ni Martha.

Lahat ng tao dito hindi alam kung ano gagawin nila para alisin si Ai. Hindi nga nila magawang makalapit dito dahil natatakot sila. Kitang-kita ko sa mga mata ni Martha na natatakot na siya. Napatingin siya sa akin at nakikita ko sa mata niya ang galit at pagmamakaawa na kunin ko si Ai. Ngumiti lang ako sa kanya.

" Kulang pa- "

Hindi kuna natuloy ang sasabihin ko at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa buong katawan. Dahil may mabilis na bagay na dumaan sa gilid ng mukha ko. At alam kung nasugatan ako dahil sa hapding nararamdaman ko.

Shit! Masyado akong naging fucos sa nangyayari kaya hindi ko naramdam na may paparating pala.

Gayun nalang ang pagpatahimik ng buong cafeteria ng may dumating na isang grupo. At sa basi mga awra nila, hindi silang mga ordinaryung tao lang. Nararamdaman kung may masamang panganib ang hatid ng mga to. Pero bakit ngayon ko lang sila nakita dito. Sila na ba yung sinasabi nila na dadating?

" Ang ganda mong kunan ng litrato Martha. Pwede kanang ipangcover sa magazine. "  sabi nong pulang buhok.

" S-shut up! J-just help me. " nauutal na sabi ni Martha.

" I'm out. Si Blue nalang. "  sabi nito sabay tingin sa kulay asul na buhok.

Parang bigla naman itong namutla. Ano ba ang nakakatakot kay Ai? Maganda naman siya ha.

" Mas lalo naman ako no. " sabi nito saka lumayo kay Martha.

Pansin ko lang? Lahat sila may kulay ang buhok. Kasama din nila yung kulay abo ang buhok at sa palagay ko, siya ang tumapon sa akin ng maliit na kutsilyung yun. Meron kasi siyang hawak-hawak at pinapaikot niya pa ito sa kamay niya.

Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Atras lang ako ng atras hanggang sa naramdaman ko ang matigas na bagay sa likuran ko. Pagtingin ko, nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang mukha ni Andrew.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now