Chapter 11

14.1K 298 1
                                    

* Nika POV *

Isang linggo na ang lumipas ng matalo ko yung dalawang kaibigan ni Gray. Yung perang pareho naming napanalunan ni Gray, idenonate namin sa may charity. Hindi naman namin yun kailangan dahil may pera naman kami. At mas kailangan yun ng mga taong nangangailang ng tulong ngayon.

At sa isang linggo na yun, kala ko may magbabago na dahil natalo ko yung idol nila. Yun pala wala?! Mas lalo lang nila ako pinahihirapan at isa na doon si Martha. Yung babaeng malandi na yun. Kung hindi ko lang talaga kayang pigilan ang sarili ko. Baka nasaktan ko na ang babaeng yun at ipinahiya sa harapn ng maraming tao.

Sobrang OA nila ha! Porket natalo ko lang yung idol nila. Ganun na sila makapagreact? Akala naman nila may makukuha sila sa pagiging OA nila, wala naman!

Dumiretso na ako sa parking lot pagkatapos ng klase. Nag-aya kasi sa akin si Bianca na mamasyal kami sa mall. Hindi sana ako papayag kasi kasama pa ang apat na ugok na yun. Hindi ba pwedeng, kami lang dalawa ang mamasyal ngayon.

" Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo ha. "  sabi ni Gray.

" Nagsabi ba akong hinatayin niyo ako? "  pagmamasungit ko sa kanya.

" Ikaw pa ang galit ngayon? "  singit naman ni Andrew.

Tumingin ako sa kanya ng nakataas ang isa kung kilay.

" Huwag kangang epal. Hindi ka kasali sa usapan namin. " pagmamasungit ko sa kanya.

Magsasalita pa sana siya ng biglang pumagitna sa amin si Bainca.

" Pwede ba! Mamaya na kayo mag-away na dalawa.  Kailangan na nating umalis dito, dahil kanina pa tayo pinagtitinginan dito. "  inis na sabi ni Bainca.

Napatingin naman ako sa harapan namin. TsK! Mga chismosa at mga chismiso talaga ang mga tao dito. Dukutin ko yang mga mata nila, tiyak na hindi sila makakakita.

Napatingin ako saglit kay Sungit at inismiran siya. Saka pumunta sa kotse ni Inasan. Papasok na sana ako sa driver set ng bigla niya akong pigilan.

" What? " ireta kung tanong sa kanya.

" Anong what ka dyan! Gusto ko pang mabuhay noh. " sabi niya.

Inis naman akong lumipat sa front seat katabi nong driver seat. Gusto ko sanang ako yung magdrive eh..kaya lang ayaw ni Insan. Anong magagawa ko...hindi ko naman yun sasakyan sa kanya yun. Kaya umupo nalang ako sa tabi niya at tahimik na nakatingin lang sa may labas habang nagmamaneho si Insan.

Nang makarating kami sa mall at nakapark na yung mga sasakyan nila. Nauna na ako sa kanilang pumasok sa loob. Nakakatamad maghintay e. Pagpasok ko sa loob ng mall ang daming tao.

Tsk! Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung madaming tao. Para kasing nasisikipan ako. Napatingin ako sa may gilid ko ng may biglang umakbay sa akin.

" Saan mo unang gustong puntahan? " -Insan

" Why? "

" Ano kaba naman Nika. Ngayon lang tayong muling magkasamang mamasyal simula nong bumalik ka. Kaya dapat lang na sulitin natin yung araw na magkasama tayong dalawa. " nakangiti niyang sabi.

Kung sabagay tama naman siya. Ngayon lang kami ulit magkasamang dalawa simula nong bumalik ako. Kaya ito na yung pagkakataon na magkasama kaming mamasyal.

Inayos ko yung salamin ko at saka nakangiting tumingin sa kanya.

Nagsimula na kaming lumakad na dalawa. At sumunod naman amin yung apat. Agad kaming nagtungo ni Gray sa may arcade, matagal-tagal din kasi akong hindi nakapunta dito. At ngayon susulitin kuna na kasama sila. Inuna naming laruin ni Gray ay yung dance machine..agayahin mo lang yung taong sumasayaw sa TV. Sobrang tawa ko nga dahil kahit hanggang ngayon hindi parin nasusunod ni Gray ang mga step non. Tapos ang sumunod namang naglaro non ay si Chad at Ren. Infairness ha, ang galing nilang parehong sumayaw. Kahit na hindi masyado nasusunod yung step.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now