Chapter 39

10.7K 255 11
                                    

Naglalakad ako papunta sa room namin ng makasalubong ko ang dalawang kagrupo ni Kenje. Si Red hair at si Blue hair, nakalabas na pala sila ng hospital?

Tumigil ako sa harapan nila at ganun din sila sa akin. Medyo napaatras pa sila ng makita ako.

" Kamusta..okay na ba kayo? "  nakangiting tanong ko sa kanila.

Hindi sila makatingin sa akin at mukhang nagdadalawang isip pa silang tumango sa akin. Napangisi naman ako sa inaasata nila sa akin ngayon. Kung dati halos isumpa na nila ako kapag nakikita nila ako. At sila pa yung lumalapit para saktan ako. Ngayon parang nagsisi sila na makasalubong ako, at parang gusto na nilang lumayo sa akin?

" Natatakot ba kayo sa akin? Hindi naman ako nangangain ng tao ha. "  sabi ko sa kanila.

" K-kailangan na naming umalis. May klase pa kami. "   nanginginig na sabi ni Red hair.

Si Blue hair naman parang hihimatayin na sa kinatatayuan niya. Umalis ako sa harapan nila at pumunta sa kanilang likuran sabay akbay sa kanila. Narinig ko pa yung pagsinghap nilang dalawa.

" Huwag kayong matakot sa akin. Gusto ko lang naman na maging magkaibigan tayo eh. "  sabi ko sa kanila.

Totoo naman kasi...gusto kung maging magkaibigan na kami. Para mas masaya. Masaya kasi kapag marami kang kilalang mga kaibigan.

" Pero sa oras na may gagawin kayong hindi maganda sa akin? Baka hindi na hospital ang puntahan niyo...sa impyerno na. "  malamig kung sabi sa kanila.

Naramdaman ko yung pagtigas nila sa kinatatayuan nila. Kaya bumitaw na ako at umalis na sa likuran nila. Baka kasalanan ko pa kapag may nangyaring masama sa dalawang yun.

Lumakad na ako papasok sa roon namin. Hindi pa naman ako tuluyang nakapasok sa loob ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na matagal ko ng hindi naririnig.

" She is a bitch! Hindi niya ba alam na pinabigyan lang namin siya namin non. "  rinig kung sabi niya.

" Talaga Marth! Kung ganun, hindi talaga malakas ang Nerd na yun? Hindi talaga siya nakakatakot magalit? "  sabi nong isang kaklase namin.

" What!? Yung pangit na yun nakakatakot? Ano ba ang kinakatakutan niyo sa kanya. Eh, mahina naman yung Nerd na yun. "

Napangisi nalang ako at napapailing sa mga bawat salitang naririnig ko. Naporuhan na nga lahat-lahat. Nagmamayabang pa rin. Baka gusto niyang gawin kung round 2 ang ginawa ko sa kanya?

Oo nga noh! Bakit hindi. Kung tutuusin kulang pa yung kabayaran yung ginawa niya sa akin eh.

Inayos ko yung salamin ko saka tahimik na pumasok sa loob ng classroom. Walang may nakapansin sa pagpasok ko. Dahil lahat sila consentrate sa pagkikinig sa mga kasinungalingan ni Martha. Except nalang kina Gray at sa mga kaibigan niya na nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila. At nagpatuloy sa paglakad papalapit kina Martha. Hindi niya ako makita, dahil nakatalikod siya sa akin. Nang nakalapit ako sa kanya, saka lang ako nagsalita.

" Welcome back.....Martha. "  sabi ko gamit ang nakakatakot kung boses.

Pansin kung natigilan silang lahat at talagang nanlalaki pa ang mga mata nila ng makita nila ako. At kagaya kanina, mukhang nanigas din si Martha sa kintatayuan niya. Yan ba ang hindi natatakot? Bakit sa boses ko palang, parang nanigas na siya sa kinatatayuan niya? Ngumisi ako saka siya inakbayan, at inilapit ko pa yung mukha ko sa pisngi niya.

" Nakalabas na pala kayo. Gusto mo maglaro tayo ulit? Tulad ng sinabi mo noon. "  nakangisi kung sabi sa kanya.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now