Chapter 12

12.3K 288 0
                                    

* Nika POV *

NapakaKJ niya talaga, angdali lang naman yung sayawin eh. Bakit ayaw niyang sumayaw? Okay lang naman na hindi siya marunong sumayaw dahil ako naman ang gagawa ng paraan para manalo kami. Gusto ko lang kasi talagang maglaro dahil matagal-tagal din akong hindi nakikipagpustahan. Tapos ngayon, ayaw niya pang makipagpartner sa akin?! Nakakainis talaga.

Napadaan ako sa isang boutique na pangbabae at panglalaki, kaya pumasok ako doon. Titingin lang ako kung may nagustuhan ako edi bilhin ko. Napansin kung sumunod rin pala sa akin sina Bianca at sumama pa talaga si Andrew. Nakakainis talaga ang lalakeng yun, ang sarap kutusan.

" May bibilhin ka? "   tanong sa akin ni Bianca.

" Hm! Kung may mahanap akong maganda. " sagot ko naman sa kanya.

" Walang babagay sayo, Nerd. "  epal ka talaga Andrew.

Hindi kuna nalang siya pinatulan, dahil hahaba lang ang usapan namin kapag pinatulan ko siya. Iniwan kuna lang sila doon at naglilibot sa loob ng boutique. Habang patingin-tingin ako sa mga damit, naagaw ang atensyon ko papunta doon kay Andrew na seryusong tinitingnan yung damit na panglalake.

Napangiti ako ng may naisip akong kalukuhan. Pasimple akong lumakad papunta doon sa may undergarments ng mga pangbabae. Medyo malapit lang kasi doon si Andrew.

Makakaganti na rin ako sayong Andrew ka.

Kumuha ako ng isang personal things ng mga babae saka tinupi ko yun.

" Excuse me Ma'am! Bawal po yang ginagawa niyo. "  sabi nong saleslady ng mapansin niya ang ginagawa ko.

Napatingin naman sina Gray sa akin dahil malapit lang sila sa akin. Pero itong si Andrew, hindi yata narinig ng saleslady. Sobrang seryuso eh. Nagsign lang ako kina Gray na tumahimik at sabay-sabay naman silang tumango maging yung saleslady ay tumahimik na rin. Umayos ako ng tayo, saka ngumiti ng may binabalak. Kasabay non ang pagtapon ng hawak ko sa kinaruruunan niya. Kaya ayun sapul sa mukha.

" Fuck! " mura niya.

Nagpipigil ako ng tawa maging yung apat na kasama ko at yung saleslady dahil sa reaksyon ng mukha ni Andrew. Pulang-pula yung mukha niya ng makita yung itinapon ko sa kanya at galit na itinapon sa kung saan. Hindi maipinta yung mukha niya sa sobrang galit.

" Hahaha! Hahaha! "

Mga loko talaga tama bang tumawa ng malakas? Napatingin tuloy sa kanila si Andrew at saka tumingin sa akin. Syempre tinaasan ko lang siya ng kilay at inosenteng nakatingin sa kanya. Mahirap ng makahalata ang isang to.

" Who.did.this! "  diin nitong sabi.

Halatang galit ang isang to. Namumula yung mukha niya eh. Natakot naman yung mga tao sa loob ng boutique, dahil sa lamig ng boses niya. Sila Gray naman ay biglang natahimik.

Nga naman, leader nila eh. Malamang takot sila dyan. Ako? Ito naka poker face. Sanay naman ako sa mga ganyang tao.

" Who.did.this! "  sabi pa nito ng walang may nagsalita sa amin.

Pano ba namam kasi sila magsasalita kung takot sila sayo Mister. Napatingin ako kina Gray na nakatingin din sa akin. Tiningnan ko sila ng masama at parang sinasabi sa kanila na-      " Subukan niyong sabihin, patay kayo sa akin. "  makuha sana kayo sa tingin.  Ayaw ko rin naman umamin, baka ano pa ang gawin niya sa akin pagnamalaman niyang akong ang gumawa non.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now