Chapter 53

8.9K 210 6
                                    

* Bianca POV *

Iniwan ko sila Kuya doon sa may salla. Dahil gusto kung icheck kung maayos na ba ang pakiramdam ni Nika o gising na siya.

Bakit kasi ang tagal gumising ng babaeng yun? Sabik na sabik na akong yayain siyang magmall. Haler! Ilang araw na kaya kaming hindi magkasamang mamasyal? Kaya malamang gusto ko na siyang magising.

Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto niya saka pinihit ko yung doorknob at tuluyan binuksan yung pinto ng kwarto niya. Nakangiti pa ako ng pumasok ako sa kwarto niya. Pero biglang nawala ang ngiti ko ng makitang kung walang Nika na nakahiga sa kama niya.

" Baka gising na siya. " nakangiti kung sambit sa sarili ko.

Una-una kung pintuhan ay yung banyo, dahil baka nandon siya. Pero wala! Kaya sinunod kung pinuntahan ay yung veranda na nasa kwarto niya. Pero kahit anino niya wala! Hinanap ko siya sa buong kwarto niya.. kahit sa ilalim ng kama ay tiningnan ko rin. Pero kahit ni anino niya... wala talaga.

Nanginginig na ako sa takot, at kung ano-ano na ang iniisip kung mangyari sa kanya. Natatakot ako na baka tuluyan na siyang mawala sa amin.

Patakbo akong lumabas sa kwarto at pinuntahan sila Kuya sa may salla.

" Kuya! " sigaw kung pagtawag sa kanila.

Napatingin naman silang lahat sa akin na para bang nagtataka.

" Bakit, Sweety! May problema ba? " tanong sa akin ni Gray.

' Malaking problema. '

" Si Nika.. nawawala! " sigaw kung sabi sa kanila.

" WHAT!? " gulat na sigaw nilang lahat.

" Are you joking? " inis na tanong sa akin ni Kuya.

" Sa tingin mo ba nagbibiro ako, Kuya. " inis ko ring sabi sa kanya.

Para maniwala silang lahat sa akin. Pinuntahan nila yung kwarto ni Nika. At doon na sila nagkagulo ng malaman nilang totoo nga ang sinabi ko sa kanila.

" Paanong nangyari toh? Kanina lang nandito siya ha. " inis na sabi ni Kuya.

" Pareho nating hindi alam ang nangyari, Andrew. Kaya mas mabuti pang alamin natin ang totoong- " napatigil ang sasabihin ng Kuya ni Nika ng biglang sumulpot si Kenji.

Lahat kami nagtatakang tumingin sa kanya.

" Anong nangyari sayo, Kenji? " nagtatakang tanong sa kanya ni Chad.

Yung mukha niya hindi maipinta. Para bang ang laki ng problema niya, at isa pa, parang kinakabahan siya na natatakot.

" S-si K-kate. Hindi ko m-makita. " kinakabahan nitong sabi.

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. At the same time, nakakaramdam rin ako ng kaba.

" Diba nasa kusina lang siya.. Kaya pano mo nasabing hindi mo siya makita? " nagtatakang tanong sa kanya ni Ren.

" Yun na nga eh. Naghanap na ako na pwedeng hanapan sa kanya. Pero hindi ko siya makita? " naiinis nitong sabi.

" Shit! Dalawang taong nawala sa bahay na ito na hindi natin alam kung nasaan sila? " inis na sabi ni Kuya.

Pakiramdam ko.. sinisisi niya nga ang sarili niya sa pagkawala ni Nika.

Ang babaeng mahal niya.

" Pwera nalang kung may kumuha sa kanila. "

Napatingin kami lahat kay Kenji ng sabihin niya yun.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now