Chapter 16

11.5K 255 1
                                    

* Gray POV *

Hindi ko talaga maintindihan si Andrew. Bigla-bigla ba naman akong binatukan. E, malay ko bang hindi siya nag-alala kay Insan.

Sabagay, malabo naman talagang mag-alala yun sa ibang tao. Mukhang wala yata yung pakialam.

Nasan na ba kasi ang babaeng yun? Dapat sinabi niya naman kung saan siya pupunta para hindi kami mag-alala sa kanya.

" Araay! "  singhal ko.

Nageemote ako dito tapos bigla-bigla lang ako babatukan ng babaeng to. Hindi nakakapagtaka na magkapatid nga sila.

" Ano ba ang problema mo? Kanina niyo pa ako binabatukan ha. " inis kung sabi.

Pero hindi niya ako pinansin. Nagmamaktol lang ang babaeng to sa harapan namin.

" Nasaan na ba kasi si Nika?  Kanina pa siya wala eh. Baka merong nangyaring masama sa kanya? "  pagmamaktol nito.

Paranoid na siguro ang babaeng to. Malakas kaya yung Insan kung yun. Kaya walang mangyayaring masama sa kanya. Matapang yun eh.

" Ano ka ba! Relax ka lang dyan, okay! Walang nangyaring ma-Araay! KANINA PA KAYO HA! "  galit kung sigaw sa kanila.

Hindi na kasi si Bianca ang nambatok sa akin. Silang tatlo na! Araw ba ng batukan ngayon? Kanina pa kasi sila ha. At sumasakit na rin yung ulo ko.

" Kung tawagan mo kaya ang Kuya niya, para malaman natin na wala talagang nangyaring masama sa pinsan mong NERDY. "   sigaw ni Ren.

Inismiran ko lang siya at kinuha yung phone ko at tinawagan si Kuya Mike, para matapos na ito. Nakakailang ring palang ng sinagot na ito ni Kuya Mark.

[ Hello! Gray, napatawag ka? ] - tanong nito sa kabilang linya. May naririnig pa akong mga ingay na sa palagay ko mga kaibigan ni Kuya.

[ Oy! Si Gray ba yan? Kasama niya ba si Princess? Pausap naman oh. ] rinig kung sabi ni Kuya Chris sa kabilang linya. Kaya agad kung inalayo yung phone ko sa tenga ko. Sumigaw kasi.

[ Tumahimik nga kayo! Napakaingay niyo. ]

Mabuti naman tumahimik sila. Ang ingay kasi.

[ Tsk! Sabihin muna ang gusto mong sabihin,Gray.]

Bigla naman ako kinabahan sa sobrang seryuso ni Kuya.

" Eh...k-kasi po Kuya. Itatanong ko lang po kung pumasok po si Nika? "  kinakabahan kung tnong sa kanila.

Pansin ko saglit na tumahimik sina Kuya sa kabilang linya.

Patay! Mukhang alam kuna kung ano ang sagot sa tanong ko ha.

[ Yeah! Pumasok siya kanina. Si Manong driver ang naghatid sa kanya sa school. Hindi ba siya pumasok? May nangyari ba sa kanya? ]  sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Lagot ako nito pagnagkataon.

" Ah....eh....wala naman po. B-baka hindi lang kami nagkasalubong kanina. "  pagsisinungaling ko.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon