Chapter 26

11.6K 254 9
                                    

Papasok na ako ngayon sa school, marami na akong absent dahil sa mga nangyari sa akin. Baka nalaman ko na lang suspended na pala ako dahil sa mga absent ko.

Ayaw ko sanang pumasok pa ngayon dahil alam niyo na. Naalala ko naman yung time na magkasama kami ni Andrew. Nakakahiya kaya yung makita siya, dahil naalala ko naman yung paghalik ko sa kanya. Shit! Kinikilig ako. First time ko kasing makahalik sa taong mahal ko. At isa pa, nong mahalikan ko ang pisngi niya ang kinis, at wala man lang kahit anong scar sa pisngi. At yung pagyakap niya rin sa akin sa cinehan. Yun na siguro ang pinakamasayang moment na kasama ko siya.

" Nandito na tayo. "  rinig kung sabi ni Kuya.

Siya kasi yung naghatid sa akin ngayon sa school para masigurado niya daw na okay lang ako.

" Thank you Kuya. "  sabi ko saka humalik sa pisngi niya at bumaba na ng sasakyan niya.

" Careful Jane. "  pahabol niya pa.

Kumaway lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng campus. Pero bawat hakbang ko papunta sa room, kinakabahan ako.

Bakit pakiramdam ko, parang may hindi magandang mangyayari ngayon. Ramdam ko na yung masamang aura pagpasok ko palang dito. Bawat daan ko sa mga estudyante ang sasama ng tingin sa akin. Bakit? May nagawa ba akong mali sa kanila? Wala naman ha.

Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko ng makita ko ang lalakeng dahilan ng pagkalason ko na papalapit sa akin. Napahinto ako sa paglakad ng huminto sila sa harapan ko. Napaatras naman ako ng papalapit siya sa akin habang may kakaibang ngiti sa labi nitk

" You know what! Ngayong lang ako nakakita ng isang taong nalason na yung katawan, hanggang ngayon ay buhay pa rin. "  sabi nito.

" Ako nga rin eh. Ngayon ko lang din nalaman. "  nakangiti kung sabi sa kanya.

Napangisi naman siya sa sinabi ko pero agad ding sumeryuso ang mukha at mas lumapit pa sa akin. Pero nagulat nalang ako ng hawakan niya ako sa balikat. At napangiwi ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Nilapit niya pa yung mukha niya sa akin saka may binulong.

" You look pretty. "  bulong nito. " But- "

Bawat salitang lumalabas sa bibig niya, nanghihina ako at thesame time kinakabahan din. Feeling ko, kahit anong oras babagsak na ako.

" You are my target. " sabay bitaw nito sa akin.

Doon na yata tuluyang nanghina ang tuhod ko. At buti nalang hindi ako bumagsak sa sahig dahil may sumalo sa akin.

" A-andrew. "  sabi ko.

Hindi siya nakatingin sa akin. Deritso lang yung tingin niya sa taong nasa harapan ko, idagdag mo pa yung matatalim niyang tingin.

" Knight. "  nakangiti nitong tawag kay Andrew.

Pero wala paring mga emosyon ang mukha nito. Ang sama paring nakatingin kay Kenji.

" I told you. Don't touch my girl. "  malamig nitong sabi.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now