Chapter 45

9.6K 224 3
                                    

Nakakainis, kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung paano ko kukumbisihin si Andrew na pumunta sa bahay. At isa pa, paano ko siya makukumbinsi kung hindi ko siya makita buong araw?

Simula nong pumasok ako kaninang umaga sa school. Wala man lang akong nakitang Andrew? Kanit anino niya wala!

" Bakit nakakunot ang noo mo? "  nakangising tanong sa akin ni Bianca.

" Nasang lupalop ba kasi yang Kuya mo, Bianca at ng hindi ko makita? "  inis kung sabi sa kanya.

" Ooh...Easy lang Insan. Huwag mong ibunton ang inis mo sa mahal ko. "  sabi ni Gray na nakaakbay ngayon kay Bianca.

Ito namang si Bianca ang laki ng ngiti. Samantala kasi.. sila na. Kaya ganyan ang mga yan. Parang mga baliw.

Sinamaan ko naman ng tingin si Gray.

" Huwag  mo akong biruin, Gray... Kung ayaw mong pareho kung iumpog sa semento ang ulo niyo ni Bianca. "  seryuso kung sabi na kinatahimik nilang dalawa.

Buti naman tumahimik sila, dahil hindi talaga ako nagbibiro sa sinabi ko. Pero bwesit lang! napatingin naman ako sa dalawang kasama kung ugok na ang lakas ng tawa.

" Kapag hindi kayo tumahimik na dalawa. Puputulin ko yung dila niyo hanggat hindi nakayo makapagsalita. "  cold kung sabi sa kanila at pinakita yung hawak kung small knife na nakatago sa ilalim ng palda ko.

Sunod-sunod naman silang napalunok na dalawa. Wala akong pakialam kung nagiging masama ako ngayon sa harapan nila... E sa iniinis nila ako.

Lumipas ang ilang oras at kahit hanggang uwian.. ni kahit isa wala talagang Andrew ang nagpakita sa akin. Siguro nga nagbago na ang isip niya dahil sa mga nakita niya.

Pinagsisihan niya na sigurong nakilala ako.

Mas mabuti na sigurong maaga niyang makita kung sino at ano talaga ako. Bago pang umabot na may masaktan sa aming dalawa. Kaya hindi na ako aasa na makikita ko pa siya.

Nandito ako ngayon sa may labas ng Arena. Kanina pa ako naghihintay dito sa pagadating nila.

Pagkatapos kasi ng klase kanina umuwi lang akong ng bahay para magpalit ng damit tapos umalis na rin at dito ako dumiretso sa may arena. Malapit na nga akong mainis sa kakahintay sa taong yun. At hanggang ngayon hindi parin lumabas. Alam ko kasing nandito lang sila dahil dito sila tumatambay kapag mainit ang ulo ng leader nila. Lalo nat may hinahanap yun at hanggang ngayon.. hindi niya pa nakikita.

" Ilang araw na tayong nandito at nakikipaglaban. Pero hanggang ngayon hindi pa rin lumabas yung taong yun. "

" Sigurado kabang nandito talaga yung taong yun, Kenji? "

Napatingin ako sa kabilang direksyon ng marinig ko ang pangalan ni Kenji.

" Sigurado akong dito tumatambay si Black Angel. "  seryusong sabi ni Kenji.

Napangisi nalang ako. Mukhang nag-aabang din sila sa akin ha?

Umalis na ako sa pagkakasandal ko sa pader saka lumapit sa kanila.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon