Chapter 40

11K 255 0
                                    

Two days! Two days na ang nakalipas matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Martha. Mukhang nadala nga yung palaka na yun at yung mga kaklase namin sa sinabi ko sa kanila. Dahil hindi na sila nanggugulo pa.

Abat! Dapat lang talaga na sundin nila ako. Dahil kung hindi.. ako talaga ang makakalaban nila.

At sa Two days na yun... matapos nong araw na nangyari sa pagitan namin ni Andrew. At kahit ngayon, nag-iinit talaga ang mukha ko sa tuwing naalala ko ang halik na yun. Pilit kung inaalis sa isip ko.. ngunit hindi ko talaga magawa.

Lagi nalang ako napapangiti sa tuwing maalala ko yung sinabi niya na siya daw yung future husband ko. Na sana nga magkatotoo... Hehehe..

" Baka mabaliw ka na niyan sa kakaisip sa akin. "

Napatingin ako sa tagiliran ko ng may nagsalita. At napasama ang tingin ko ng makita ko yung mukha ng taong nagsalita.

" At sinong nagsabi na iniisip kita? "  inis kung sabi sa kanya.

Ngumiti naman siya saka ako inakbayan.

Pansin ko lang ha! Napapadalas ang pagngiti ng gago na toh.

" Sabihin mo man o hindi. Kitang-kita sa mukha mo na ako ang nasa isip mo. "  nakangisi nitong sabi.

Inis kung inalis ang kamay niya sa balikat ko, at lumakad papalayo.

Napangiti nalang ako ng marinig ko siyang tumawa ng malakas. Totoo naman kasing siya yung iniisip ko...

Lumakad na ako papunta sa room namin, at sa pagpasok ko palang. Tumahimik silang lahat, maging si Martha na halos hindi makatingin sa akin.

" Natrauma yata sila sayo, Babe. "  sabi niya na nakaakbay na naman sa akin.

Nakakainis na talaga ang isang toh. Kailan ba siya titigil sa kakatawag sa akin na Babe? Sa loob ng two days na yun, lagi niya na akong tinatawag na Babe.

Oo aaminin ko...kinikilig ako!

Pero minsan nakakainis din noh. Nakakaireta ding pakinggan. Wala namang namamagitan sa amin para tawagin niya akong Babe? At isa pa hindi ako BABOY.

" Kasalanan ko bang madali silang matakot. "  pagmamasungit ko sa kanya saka umupo sa may upuan ko.

Pagdating nang prof namin. Nagpaquiz kaagad siya, ni hindi man lang siyang naglecture sa amin? Babarahin ko sana, kung hindi lang ako pinigilan ni Bianca. Nakakainis eh, sino ba kasing estudyante ang makakakuha ng mataas na score.  Kung hindi naglelecture ng maayos ang guro.. diba?

Matapos ang klase, dumiretso kami sa may cafeteria saka umorder ng pagkain.

" So, ano nah. Wala bang magsasalita sa inyong dalawa. "  sabi ni Chad na nakatingin sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

" May dapat ba kaming sabihin? "  nagtataka kung tanong.

Meron ba? Sa pagkakaalam ko wala. At wala akong importanteng sasabihin sa kanila.

" Hanggang ngayon ba naman tinatago niyo parin sa amin? "  nakasimangot na sabi ni Bianca.

Nerdys' SecretUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum