Chapter 27

11.5K 248 2
                                    

* Andrew POV *

Bumalik na kami lahat sa room matapos ang breaktime. Nakakatamad na kasing tumambay, lako nat hindi ko nakikita si Nerdy. Hindi ko alam kung ano ang hiwagang meron ang babaeng yun, dahil simula nong may naramdaman ako sa kanya, gusto kung araw-araw ko siyang nakikita. Parang hindi ako lagi mapakili kapag hindi ko nakikita ang pagmumukha niya. Ganito ba talaga kapag may gusto ka sa isang tao? Parang gusto mo lagi mo nalang siyang makita at hindi na maalis sa paningin mo? May gayuma siguro ang babaeng yun.

" Bianc. "  tawag sa kanya ni Gray sabay akbay nito.

Tsk! Isa pa tong kumag na to. Hindi ko akalain na may gusto ito sa kapatid ko? Wala naman akong totol kay Gray dahil simula palang noon kilala ko na yan. Matino yang tao, pero kina Chad at Ren, huwag na. Wala akong tiwala sa dalawang yan. Marami na yang pinaiyak na babae.

" Alisin mo nga yang kamay mo Gray. Wala ako sa mood ngayon. "  pagmamasungit nito sabay upo sa upuan niya.

Napangisi nalang ako. Yan ang gusto ko sa kapatid ko, hindi madaling makuha. Katulad nalang kay Nerdy. Palaban at walang inuurongan.

Napansin ko naman na hindi niya kasama si Nerdy. Saan naman pumunta ang babaeng yun? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kunting kaba.

" Nasan si Nerdy? "  tanong ko sa kanya.

Nagtaka naman ako dahil nagulat siya sa tanong ko. At naman ang problema ng babaeng to.

" Ah..eh..may pinuntahan lang. "

" Saan naman? "  nagtatakang tanong ni Gray.

" Hindi ko alam, pero sabi niya, babalik daw siya. "

Kanina ko pa napapansin sa kapatid ko na sa tuwing nagsasalita siya hindi ito makatingin sa amin. At kilala ko na itong kapatid ko, alam kung may tinatago ito. Pero nagtataka lang ako, bakit hindi niya magawang sabihin sa amin yun.

Natapos ang klase namin na walang Nerd ang dumating. Kaya buong klase naiireta ako. Kung alam ko lang na hindi ko pala siya nakita dito. Hindi na sana ako pumasok pa. Bwesit.

" Nasan na ba kasi yung pinsan mo, Gray?. Lagi nalang tayong pinaghihintay nito. "  naiinis kunang sabi.

Eh, sa totoo naman kasi. Simula nong pumasok siya dito, wala na siyang nagawa kundi pahintayin kami. Kahit ako pinaghihintay niya.

Sasagot na sana si Gray ng may nagsalita mula sa likuran ko. At hindi kuna kailangan pang alamin kung sino to.

" Excuse me ha!. Wala akong sinabi sa inyo na maghintay kayo?! Kaya wala akong kasalanan don okay! "  masungit nitong sabi.

Humarap naman ako para inisin pa sana siya. Pero ako yata yung maiinis eh. Naningkit bigla yung mata ko ng makita ko na kasama niya yung lalake nong nasa court kami. Umalis ba siya kanina para makapagkita lang sa lalakeng to? Kung alam ko lang na mangyayari to! Edi sana, sumama nalang kami sa kanila nong breaktime namin, para mabantayan ko ang babaeng to.

" Saan ka ba nanggaling Nika? " galit na tanong ni Gray.

At mukhang napansin naman yun ni Nerdy.

" Sorry, may pinuntahan lang kasi ako. "   sabi nito.

Napatingin ako sa mukha niya. At hindi ko mabasa kung totoo ang sinasabi nito.

" Sasusunod kasi magpaalam ka, para hindi kami yung mag-agrebyado mo. "   sabi ko na nakatingin parin sa kanya.

Galit naman siyang napatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang babaeng to? Siya na nga yung mali, siya pa yung galit. Pero pareho kaming nagulat ng sumigaw si Gray.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now