Chapter 49

9.7K 217 7
                                    

Napatingin ulit ako sa likuran ko. At ang mga walanghiya! Parang hindi man lang napagod sa kakahabol sa akin? Dahil ako? Kanina pa hininhingal.

Huminto ako at huminga ng malalim saka humarap sa kanila. Dahil hindi matatapos ang habulan namin kung walang matutumba ni isa sa amin. Handa na sana akong kalabanin sila ng may biglang humila sa akin, papasok sa loob ng eskinita.

" Dont shout. "  bulong niya sa akin, habang yung isang kamay niya nakatakip sa bibig ko.

Naalala ko yung unang araw ko dito sa lugar na ito. Pumunta din ako ng plaza non... parang naulit nga lang ang nangyari noon.

Meron din isang taog nanghila sa akin papasok sa loob ng eskinita ng merong humahabol sa akin. Tulad nito.

Inalis ko yung kamay niya sa bibig ko ng malaman kung nakalampas na yung humahabol sa akin.

" Habulin ka talaga ng gulo. "  sabi nito.

Hindi ko makita yung mukha niya kasi ang dilim sa loob ng eskinita. Kaya ang ginawa ko, hinila ko siya papalabas doon. At ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ko ang mukha niya.

" A-Andrew. "  gulat kung sambit.

Ngumisi lang siya sa akin saka inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Kaya napaatras ako ng kunti.

" Noon... mga basagulero ang mga humahabol sayo. Ngayon naman... yung mga taong gustong patayin ka? "  sabi nito.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. So ibig sabihin nito. Siya rin yung taong, nanghila sa akin noon papasok sa loob ng eskinita?

Bakit hindi ko alam? Hindi ko man lang natandaan maski ang boses niya. Mukhang alam ko ng nababasa niya ang iniisip ko ngayon.

Ang laki kasi ng ngiti eh. At mukhang nang-aasar pa yata. Dahil nakaramdam ako ng inis ngayon. Itinulak ko siya dahilan para mapalayo siya sa akin.

" Lumayo ka nga sa harapan ko. "  inis kung sabi sa kanya.

Nauna na akong lumakad sa kanya. At hindi na ako magtataka kung bakit nakasunod parin siya sa akin ngayon.

" Wala man lang bang thank you. "  sabi nito sa akin.

Sigaw nito. Hindi ko siya nilingon, lakad parin ako ng lakad. Kahit na tinawag niya na ako.

Bahala siya dyan sa buhay niya. Sino ba kasig nagsabi na sundan niya ako? Wala naman diba! Kaya wala akong pakialam kung magmukha siyang baliw sa kakasigaw ng pangalan ko.

" Annika Jane. "  sigaw pa nito.

Hindi ko parin siya pinansin. Pero doon lang ako nainis ng isigaw niya ang buong pangalan ko. Take note! Sa maraming tao pa.

" Annika Jane Velarde. "  malakas nitong sigaw.

" What!? "  naiinis ko ng sabi.

This time nakaharap na ako sa kanya. Pero ang gago.. ang laki ng ngiti.

" I LOVE YOU! " malakas nitong sigaw.

Hinihiling ko sana ngayon na kainin na ako ng lupa dahil sa kakahiyan. Lahat ng mga mata ng mga tao ngayon.. nakatingin sa akin. At feeling ko.. parang kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula nito.

Ramdam ko rin nag-iinit ang mukha ko dahil sa pinagagawa ng lalakeng toh. Dahil sa kakahiyan at pagkakainis sa lalakeng toh. Lumapit ako sa kanya para sana hilain papaalis sa lugar na ito. Pero ang gago, hindi napatinag.

Nerdys' SecretWhere stories live. Discover now