Chapter 4

14.6K 315 2
                                    

Inagahan ko talaga ang pagpasok ko. Alam ko kasing maaga ring pumapasok si Bianca. Isa pa, sinadya ko talagang mag-paaga dahil ayaw kung patagalin pa ang paghingi ko ng sorry sa kanya. Baka kasi kapag tinagalan ko pa, mawalan ako ng kaibigan dito. At ayaw kung mangyari yun.

Pagkapasok ko sa classroom, naabutan ko siyang nakaupo sa may upuan niya at habang nakatingin sa phone niya at busy sa kakatype. Napatingin naman ako sa loob ng classroom, mabuti nalang kunti lang yung tao.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya. Napaangat naman siya at tumingin sa akin, pero agad ding bumalik sa kakatype sa phone niya. Napabuntong hininga nalang ako.

" S-sorry! " pagsisimula ko.

Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

" Sorry sa ginawa ko sayo kahapon. Sorry kung nasaktan man kita. Hindi ko naman ginusto na saktan ka. Nagawa ko lang yun dahil may iniisip lang talaga ako. " sabi ko sa kanya.

Tiningnan ko yung ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko maintindihan kung galit ba to sa akin o natatakot dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko naman talaga yun sinadya eh. Nadala lang talaga ako sa emosyon ko kahapon. Natakot lang talaga ako na mawalay kay Papa, kaya nangyari yun kahapon.

" Mukhang hindi yata kita- "

Nagulat nalang ako ng bigla siyang sumigaw at niyakap ako.

" Waaaahhh..sorry! Hindi ko naman kasi alam na ayaw mo palang tawagin kita sa ganung pangalan. Sorry na! Kasalanan ko naman eh. " sabi nito habang yakap parin ako.

Inalis ko yung kamay niya sa pagkakayakap niya sa akin at humiwalay sa kanya at tiningnan siya sa mga mata. Nagtaka naman ako kung bakit ito umiyak.

" Anong nangyari sayo bakit ka umiyak dyan? " tanong ko sa kanya.

Pinunasan niya naman yung luha niya at nakangiting tumingin sa akin. Napangiti nalang ako sa ginawa niya. Napakachildish pala tong babae na to.

" Pwede ba kitang tawaging Nika? " tanong nito sa akin. Parang nagdadalawang isip pa nga siya kung sasabihin niya yun.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

" Oo naman! Huwag mo lang akong tawaging Jane . " sabi ko sa kanya.

" Bakit naman? " curious nitong tanong sa akin.

" Secreto. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Napatawa nalang ako ng sumimangot siya. Maya-maya dumating na yung prof namin. Kaya tumayo na ako at pumunta sa upuan ko. Nasa second to the last row kasi ako, si Bianca naman nasa first row. Kaya malayo ang upuan namin. Katulad ng ginagawa ng ibang prof, lecture lang sila ng lecture. Tapos magtatanong sa amin kung ano ang isasagot sa tanong nila. Parang mga tanga lang eh! kanilang tanong, kanila ring sagot. Pero sa second subject namin, matapos maglecture ng prof. Nagbigay naman ito ng quiz. Mabuti nalang alam ko yung nelecture niya kahit hindi ako nakikinig. Syempre yan ang tawag na stock knowledge.

Ng breaktime na namin sabay na kaming pumunta ni Bianca sa cafeteria. Pumunta kami sa may counter para mag-order ng merienda namin. Isang softdrinks at carbonara lang naman ang inorder ko dahil medyo busog pa naman ako. At ganun rin naman si Bianca. Matapos naming umorder doon kami umupo sa dati naming upuan. Mukha kasing walang umuupo doon.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang sumigaw ang mga tao sa loob ng cafeteria. Karamihan dito at mga babae.

" Anong meron? " tanong ko kay Bianca.

Nerdys' SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz