Chapter 34

12.1K 263 3
                                    

" Mandy! "

Yung tatlong ugok patakbong niyakap si Mandy. Well! Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan ang reaksyon nila. Sa tagal ba nitong nawala, ngayon lang nagpakita ulit. At sa ganitong mismong sitwasyon pa.

" Lumayo nga kayo sa akin, hindi ako makahinga!sigaw nito.

Lumayo naman sila kay Mandy. At bumalik sa pagkakaupo nila kanina. Umupo naman sa tabi ko si Mandy. Lahat kami nakatitig sa kanya, at tulad pa rin ng dati. Wala paring pinagbago ang mukha niya. Maganda parin ito.

" Saan ka ba nanggaling. Bakit ang tagal mong nawala? "  tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

" Kilala niyo naman ako diba? Maraming school na pinapasukan. " nakangiti nitong sabi.

Napailing-iling nalang ako. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Marami siyang school na pinapasukan. Kahit hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya don.

" Matanong ko lang Mandy. Paano mo nakilala si Nika? " tanong sa kanya ni Gray.

" Natatandaan niyo ba yung sinabi ko sa inyo na may grupo akong Street Kings? "  sabi nito.

Sabay-sabay naman kaming tumango. Nasabi niya sa amin noon na bago niya kami naging kagang. Nagkaroon siya ng unang grupo at yun ang Street kings, kung saan sa mga Streets lang sila lumalaban.

" Kagrupo ko don si Annika. At yung dalawang lalake na yun kanina ay kasama din namin. "   sabi nito.

Gulat na gulat naman kami sa sinabi niya. At isa pa, parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Nakwento niya sa amin lahat kung anong klaseng grupo meron ang Street Kings. Hindi sila basta-basta, lahat sila malalakas. Pero bakit kanina, yung dalawang lalake, parang hindi ko naramdaman ang malakas nilang aura? Ganun na ba sila kagaling para matago iyun.

" Y-you mean! Isa rin si Nika sa grupo niyo? "  gulat na tanong sa kanya ni Ren.

" Yeah! Kaya huwag kayong magkakamali na pagalitin ang isang yun. Nakita niyo naman ang nangyari kanina diba? Masamang magalit ang isang Nerdy. "  nakangisi nitong sabi.

Hindi na nakapagtataka kung bakit ganun ang kinikilos ni Nerdy kanina. Galing siya sa grupong sikat sa Street Figthers at isa pa sa mga Leaders. Hindi ko alam ang isang Nerdy na mahina at walang kayang gawin tulad ng nakikita ko noon. Ay isa palang mapanganib na tao.

" May tinatago pa ba si Nerdy? "  tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin na parang nagtataka.

" Bakit mo naman nasabi niyan? "  nagtatakang tanong nito sa akin.

" Hindi kasi mawala sa isip ko kung bakit nakapiring siya kanina habang nakikipaglaban. May tinatago ba siya? "  tanong ko ulit sa kanya.

" Bakit hindi mo sa kanya itanong. " nakangiti nitong sabi at umalis na sa harapan namin.

* Annika POV *

Nagising ako ng may naramdaman akong kanina pang may tumititig sa akin. Nang iminulat ko ang mata ko, napakunot ang noo ko ng nakahiga ako sa hindi pamilyar na kwarto.

Nerdys' SecretOnde histórias criam vida. Descubra agora