Chapter 18

12K 296 3
                                    

* Gray POV *

" Aaahh! Aaahh! "

Shit! Gising na siya. Lagot na kami nito.

" S-si Nika ba yun. A-anong nangyayari sa kanya? "  kinakabahang tanong ni  Bianca sa akin.

" Lumabas muna kasi kayo. Mamaya nalang kayo pumasok kapag okay na. "  naiinis kung sabi sa kanila, habang hinaharangan ko yung pinto.

Ang titigas kasi ng mga ulo. Ayaw talaga nilang umalis.

" Aaahh! Aaahh! "

Napatingin ako kay Kuya para humingi ng tulong.

" Ikaw na ang bahala dyan. "  sabi niya saka umalis papunta sa kinaruruunan ni Nika.

Tsk! Wala na akong magawa kundi itulak sila ng malakas, kasabay non ang pagsarado ko ng pinto. Ng masigurado kung hindi na sila makakapasok pa. Agad akong pumunta kay Kuya Mike para tulongan siya kay Nika.

Pagdating ko sa kama ni Nika. Hindi na ako magugulat pa kung ano ang magiging kalabasan sa loob ng kwartong ito. Dahil sa ganitong pangyayari nag-aaway ang magkapatid. Para silang hindi magkapatid kung titingnan. Parang magpapatayan na sila sa ginagawa nila. Pareho silang magagaling at malalakas. At walang gustong magpapatalo sa kanila, at isa pa walang sino mang makakapigil sa kanilang dalawa. Lalo nat, alam ni Kuya na kailangan niya itong gawin dahil kay Nika. Sirang-sira narin yung gamit sa loob ng kwarto pati yung kama ay nasira na rin.

Kailangan pigilan na silang dalawa. Lalong lalo na si Nika. Ang tanga kasi ni Andrew eh. Bakit kasi hindi niya sinabi sa akin na dadalhin niya pala sa hospital si Nika. Edi sana napigilan ko siya. Simula kasi nangyari noon kay Tita, hindi na pumupunta si Nika sa Hospital. At kapag pumupunta man siya o dinadala namin. Nalaman nalang namin na nagwawala pala siya at parang siyang halimaw na gustong pumatay ng tao. Hindi namin siya kayang pigilan. Kaya simula noon, hindi na namin siya dimadala sa Hospital tuwing nagkakasakit siya o napupuruhan. Dahil naalala niya ang nangyari kay Tita noon, at doon siya nagwawala.

Isa lang naman ang sulosyon para pigilan siya eh. Yun ay patulogin siya ulit.

" Kuya. "  pagtawag ko sa kanya para mapunta sa akin ang atensyon ni Nika.

Hindi naman ako nagkamali. Napatingin naman siya sa akin. Pero ng makita ko ang mga mata niya, bigla akong nakaramdam ng takot at kilabot sa katawan. Parang gusto kung tumakbo papalabas sa loob ng kwarto na yun kahit ano mang oras.

Napaatras ako ng bigla siyang tumingin sa akin  saka ngumiti. Kakaiba yung ngiti niya. Ngiting ayaw kung makita kahit kailan.

" You want to join? " nakangisi nitong sabi.

Hindi pa man ako nakakasagot ng sumugod na siya sa akin. Humanda naman ako para sa pag-atake niya. Kailangan ko rin siyang kalabanin no. Pero bago pa niya ako tuluyang saktan, nasa likod niya na si Kuya Mike at tinamaan yung vital parts niya. Kasabay non ang pagkabagsak niya. Mabuti nalang nasalo siya ni Kuya.

Kinabahan talaga ako don. Akala ko, katapusan kuna.

" Hindi niya parin nakakalimutan yung nangyari noon. "  sabi ni Kuya habang binuhat si Nika.

" Ano na ang gagawin natin Kuya? "  tanong ko sa kanya.

" Ikaw na ang bahala dito. Iuuwi ko na muna si Jane sa bahay. "  sabi nito saka sinuot kay Nika ang glasses nito at lumabas na ng kwarto habang buhat-buhat si Nika.

Nerdys' SecretKde žijí příběhy. Začni objevovat