Siya ang Captain ng kilalang basketball team sa university ko, at siya rin ang future boyfriend slash hubby ko, hihi!

Patuloy akong nagnanakaw ng tingin sa kaniya at nahuhuli ko rin siyang tumitingin sa akin kaya ngumingiti na lang siya tuwing magtatagpo ang mga mata naming dalawa. Mabuti na lang at ngayon niya ako nakita dahil ang haggard ko kahapon dahil sa GC na 'yon!

"Thank you po! Ingat po kayo," nakangiting sabi ko sa driver at mga pasahero. Kaloka! Ganito ba talaga kapag in love? Kulang na lang pati gulong ng jeep mapasalamatan ko.

Sabay kaming bumaba ni Lander dahil sa parehong university kami nag-aaral. Graduating na siya, habang ako 3rd year college.

Pinipigilan ko pa rin ang ngiti ko habang pababa ng jeep. Daig ko pa si Maria Clara kung magpabebe habang nakatingin sa kaniya, at sa sobrang oa ng kesyo mahinhing kilos ko, natapilok tuloy ako!

"Pft!" he laughed before offering a hand.

Nabalot ako ng kahihiyan lalo na nang pagtinginan ako ng mga tao, pero mas binalot ako ng kilig nang maglapat ang kamay namin ni Lander.

Thank you, lord! Hindi ako lumaking pasmado.

"Fuentes.. are you okay?"  Tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti.

Kaloka! Last name basis talaga? Ang formal naman.

Huli na nang mapansin kong natanggal ang isang takong ng black shoes ko. Wala akong nagawa kundi putulin na lang din ang isa dahil hindi ako makakalakad ng maayos kung hindi ko gagawin iyon. Ayos lang naman kahit hindi masyadong pantay, hindi naman masiyadong halata.

Inalalayan niya akong umakyat papuntang Nursing Department nang makapasok kami sa university.

Hanggang sa makasalubong namin ang kaibigan at teammate niyang si JM.

Napayuko na lang ako dahil siguradong magiging awkward lalo na't isa siya sa mga kilalang malakas manukso sa team nila.

"O, dude! She's Zhavie, right? Bagong nililigawan mo?" JM asked as he smiled widely.

May kung ano sa mga ngiti niya pero hindi ako sigurado kung ano iyon.

Lander didn't respond. He just continued walking without looking at his friend. Buong akala ko'y titigil na JM sa pagsasalita dahil sa hindi pagpansin sa kaniya ngunit muli siyang nagsalita.

"Ah.. baka new gf?"

Hearing that, I spoke, "Uy, hindi ah, hehe. Nagkasabay lang kami kanina sa jeep."

Paano ko rin kaya ipapaliwanag sa kaniya kung bakit nandito sa department namin si Lander? Kakaiba iyong mapanuksong titig niya, e.

"O? Okay. Pero.. dude, sa Building 3 tayo, Engineering department. Bakit diyan ka—ops okay, haha!" Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang i-abot ni Lander ang bag niya.

"Ihahatid ko muna siya," tipid na sagot ni Lander.

Muling nanukso si JM bago isuot sa balikat niya ang bag ni Lander.

"Shut up. Mauna ka na," suway niya at tinalikuran ito.

"Okay, chill." JM let out a loud laugh as he walked away.

Para akong bulateng inasinan matapos akong ihatid ni Lander sa room ko. Ito ang unang beses na nangyari 'to dahil tuwing nagkakasalubong kami—minsan lang kaming mag-usap—at tanging ngitian lang ang ginagawa naming dalawa.

Nag-uusap naman kami pero saglitan lang dahil hindi kami gaanong malapit sa isa't isa. Nagkakilala lang kaming dalawa dahil sa nangyaring aksidente nang unang pasok ko rito sa university.

I greeted my professor as soon as I entered the classroom. Nakatingin pa ang ibang mga kaklase ko, mukhang nagtataka sila kung bakit ako hinatid ni Lander.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago makinig sa discussion ni Prof. Salazar. Nasa tabi ng pintuan ang upuan ko at nasa harap ako kaya rinig na rinig ko ang sinasabi niya.

Upuan daw 'to ng mga matatalino, naligaw ata ako.

As I finished writing the lessons, I relaxed my hand and tried to figure out the best way to excuse Devon. Napahikab na lang ako habang nakatingin sa orasan na nasa itaas ng katabi kong pintuan.

Hanggang sa magulat ako nang biglang tumingin sa akin ng matalim ang isang lalaking janitor habang hawak ang basurahan.
 
I couldn't clearly see his face because he was wearing a cap pero siguradong akong nanlilisik ang mga mata niya.

Ako ba tinitignan niya? Itong classroom? O baka naman may galit siya kay Prof. Salazar? 

Inilibot ko tuloy ang mata ko upang makita kung malinis ba o makalat ang loob ng classroom dahil baka iyon ang rason kung bakit gano'n siya makatingin.

But when I looked back at him, he was already gone.

Napahinto ako sa pag-iisip nang maalalang kulay asul ang suot niya. Iisang kulay lang kasi ang suot ng mga janitor dito, kulay dilaw iyon.

Sa huli, minabuti ko na lang na huwag nang isipin dahil baka nagpalit lang siya ng damit. Bakit ba kasi ako pakialamera?

Aish! Dahil ata ito sa GC na sinalihan ko kaya ang dami kong naiisip.

As soon as the class ended, I spoke with Prof. Salazar about Devon before heading to the cafeteria. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ngunit agad na akong napatigil dahil sa biglang pagharang sa akin ng isang lalaki.

"Zhavie! May nagpapabigay sa iyo nito," JM exclaimed, holding a shoe box.

Nakasuot siya ng basketball uniform kaya agad akong napangiti dahil malakas ang kutob kong si Lander ang nagbigay nito dahil sa nangyari kanina.

"Sino nagbigay sa 'yo? Pakisabi salamat, ha?" Nakalagay pa sa plastik iyong shoe box kaya excited akong buksan.

"Hindi ko kilala, basta pinapaabot lang, e. Baka parents mo?"

Agad napawi ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya. Nagbibiro ba siya?

"Ha? Nasa probinsya sila at imposibleng pumunta sila rito. Ikaw talaga ang lakas mo magjoke, haha! Sino ba talagang nag-abot? Babae o lalaki?" I curiously asked.

"Joke lang," he chuckled. "Hindi siya nagsalita, pero pinakita niya picture mo sa akin kanina habang nasa labas ako ng gym sabay type sa phone niya na ibigay ko raw iyan sa iyo."

Hearing that, I gave him a nod and smiled kahit medyo disappointed ako dahil akala ko si Lander talaga ang nagbigay. 

"Thanks, JM. Nakita mo ba mukha niya? Estudyante ba siya rito?" Nakatingin lang ako sa shoe box habang naghihintay ng sagot.

"Siguro. May I.D siya, e. Iyong lace ng id niya pareho sa atin, sa ibang department siguro."

"E.. iyong name niya sa school id?" Ang dami kong tanong dahil sobrang nakakapagtaka talaga kung sino ang nagbigay sa kanya nito.

Wait! Baka naman ayaw ipasabi ni Lander na sa kaniya talaga galing ito?

Ano ba 'yan! Napapangiti nanaman ako.

Umiling siya, "Hindi ko na napansin. May suot siyang sumbrero at mask, pero feeling ko babae dahil sa kamay. Sige, una na ako baka hinihintay na ako ni Coach."

Muli akong nagpasalamat sa kaniya bago dumiretso sa girls' cr upang doon na lang buksan at isuot ito. Agad kong inalis sa plastik ang shoe box dahil sa sobrang excitement.

Isipin mo iyon? May nag-abala pang bilihan ako ng ganito dahil sa nanyari sa sapatos ko kanina? Ang effort, ha!

Napapangiti pa ako habang binubuksan ito ngunit agad napawi iyon nang makita ang nasa loob. Buong akala ko'y sapatos ang laman, ngunit iba ang bumungad sa mga mata ko.

Shit! Bakit nasa loob ng shoe box iyong sinend ko sa GC nang nagkunwari ako tungkol sa nangyari sa pulsuhan ko?

Hindi lang iisang kopya iyon kundi napakarami!

Kinuha ko ang isa at tinitigang mabuti. Hanggang sa mapatili ako matapos makita ang mga dugo sa kamay ko, lalo na sa ilalim ng shoe box.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu