---------------------------------------------

Nang umuwi si Yheng, agad s’yang sinalubong ng kanyang mga kapatid.

“Ate..mabuti at dumating ka na..” - Joshua

“Bakit?” - Yheng

“Ate may dumating na sulat galing sa Bangko.” - Joshua

Agad iniabot kay Yheng ang sulat at binasa naman nito agad.

“Kukunin na ng Bangko ang Lupa natin. Bibigyan nila tayo ng isang buwang palugit. Kailangan nating mabayaran ang Bangko...kailangan natin ng malaking pera..500 Thousand.”

-Yheng

Parang nanlambot ang mga tuhod ni Yheng matapos mabasa ang notice.

“Saan tayo kukuha ng ganung kalaking pera, Ate?” Nag-aalala na si Joshua.

“Hindi ko alam Joshua. Sinabi n’yo ba ito kay Itay?” Tanong ni Yheng.

“Hindi Ate.” - Karen

“H’wag n’yong sabihin kay Itay. Hahanap ako ng paraan.” -Yheng

Agad umalis si Yheng. Naisipan n’yang pumunta sa kanilang kamag-anak.

“Naku, nandito ka na naman. Ano na naman ang problema n’yong mag-ama?” Tanong ng kanyang tiyahin.

“Ah...hihingi po sana ako ng tulong sa inyo Tiya Belen. Kasi kailangan po naming matubos ang lupang sinasaka ni Joshua. ‘Yon na lang po kasi ang nakakatulong sa amin, eh.”

-Yheng

Tumaas ang kilay ng kanyang Tiyahin.

“Hihiram po sana ako ng pera sa inyo. Babayaran ko rin po.”

-Yheng

“Magkano?” - Tiyahin

“500 thousand po.” Napayuko si Yheng.

“Sus maryosep! Saan ako kukuha ng ganung kalaking halaga.?At tsaka, kung may pera man ako at ipapahiram ko sa inyo AABUTAN AKO NG ILANG DEKADA bago n’yo ako mababayaran.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now