"Wala ng pero pero Zhane sige na ilagay mo na yan sa mata mo"
Ginawa ko naman ang utos ni Celine sakin.
Hinila na ni Celine yung kamay ko para pumasok, malalate na kasi kami sa 1st subject namin.
Habang naglalakad kami sa pathway nakatingin sila samin ni Celine.
"Who is she?"
" I guess, new student"
"I like her hair so long ang shiny"
"She's pretty"
Ilan yan sa mga naririnig ko habang naglalakad.
"Best, haba ng hair mo ah" inakbayan ako ni Celine nung sinabi niya 'yon.
Nginitian ko lang siya...
nakarating na kami sa room, lahat ng mga mata nila nasa akin, yumuko nalang ako tapos pumunta sa upuan ko.
sakto namang dumating ang adviser namin.
"Ma'am hindi niyo naman sinabi na may new classmate kami." sabi ni Zelda
"Hah? new classmate?" nagtatakang sagot ni Ma'am
"Ma'am wala po nababaliw lang po si Zelda" sabi naman ni Celine
"How dare you!" galit na sabi ni Zelda kay Celine
Inirapan lang ni Celine si Zelda.
Tumingin lang ako sa ikinauupuan ni Drei, gaya pa rin ng dati nakayuko at may naka suot na headphones sa tenga.
"Ma'am absent nanaman po si Zhane" sabi ni Scarlet
Absent? hindi ba nila ako nakikita? hayy! Oo nga pala..dahil pala sa itsura ko.
"Ma'am p-present p-po ako" tinaas ko yung kamay ko para makita ako ni Ma'am
Lahat sila nagtinginan sa gawi ko .
"Okay Class! Kailangan na nating magsimula ng new lesson dahil next week exams niyo na" sabi ni Ma'am
Oo nga pala exam na kailangan ko ng mag review.
--BREAKTIME
Dumaan sila Zelda sa table ko, tinignan niya ako ng sobrang taray look niya at umalis na.
"Zhane, Celine tara na sa canteen nagugutom na ako" sabi ni Drei, akala ko hindi na siya tatayo sa upuan niya.
"Sige Tara!" sabi naman ni Celine
Sabay kaming tatlo na pumunta sa canteen, umupo kami sa bakanteng table.
"Jan muna kayo ako na ang manlilibre ng merienda natin." sabi ni Celine, hala! iiwan niya kami dito?
Nahihiya kasi ako kay Drei yung nangyari kasi sa bahay nila nung may sakit siya pero bakit ganun hindi siya makatingin sakin ng maayos.
"S-sorry pala sa nangyari kahapon akala ko kasi ikaw talaga si haist! basta sorry " sabi ni Drei habang nakatingin sa bintana
"A-ah y-yun? ok lang" sagot ko naman
Biglang lumapit samin si Zelda may hawak na tray.
"Ahm-m Zhane pwede maki table?" malambing na tanong ni Zelda sakin
"S-sur-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng
"Dito ka nalang kumain Zelda lilipat nalang kami ni Zhane ng table" sabi ni Drei tumayo na siya sa kinauupuan niya
"Tara na Zhane" sabi ni Drei at iniabot niya ang kamay niya sakin
Tumayo ako sa pagkatayo ko yung hawak ni Zelda na tray nabitawan niya natapunan tuloy ako ng sobrang init na sabaw grabe ang sakit nun napapikit ako.
"Zhane!" nagaalalang sabi ni Drei sakin.
Nilapitan niya ako tapos tumingin siya kay Zelda.
"Zelda nananadja ka ba!?!" galit na sabi ni Drei
"H-hindi D-drei bigla nalang kasing tumayo si Zhane." pagpapalusot ni Zelda alam ko namang sinadja niya yung nangyari.
Ang sakit mabuhusan ng mainit na sabaw ahh...
"Drei tara na" aya ko sakanya
"Ano? ganun nalang ba yun Zhane? alam kong sinadja ng babaeng yan yung nangyari" talagang tinuro niya si Zelda
"Hayaan mo na Drei, tara na pls ang sakit na kasi ng napaso na mga balat ko" sabi ko sakanya grabe sakit nun ah 2 bowl na sabaw un amoy lomi na tuloy ako.
"YOU!!" tinuro niya si Zelda
"Yes? Drei" sweet tone na sabi ni Zelda
"Don't you dare to hurt her again or else AKO NA ANG MAKAKALABAN MO!" seryosong sabi ni Drei
May halong saya akong naramdaman kasi pinagtanggol ako ulit ni Drei kinikikig tuloy ako issss ang landi ko hehe.
"Let's go Zhane" hinawakan niya yung right hand ko.
Bakit parang iba yung effect sakin nung paghawak ni Drei sa kamay ko? para akong nakuryente.
A/N: hello guys! thanks for reading my new update sorry for this late update. :)
I will dedicate this chapter to @Fxcookie :)
Nerd 10 Part 1
Comenzar desde el principio
