“This is your baby, Dyanne.” Nakangiting sabi sa akin ng OB nang i-abot nya sakin ang print out nang ultra-sound ko. “Healthy sya but, kita ko sa mukha mo ang stress, Dyanne. Wag pabayaan ang sarili, mommy. Bad yank ay Baby, okay?”

Ngumiti ako at nakinig sa mga bilin nya. Si Harvey ay nakatayo lamang sa gilid at tahimik na nakikinig lang rin at nagmamasid.

“Saan mo gustong kumain?” Aniya nang huminto sya sa stop light.

“Hmm. Gusto ko ng Chinise food.” Nang madaanan naming ang kabubukas pa lamang na Chinese restaurant downtown ay agad na nag-park na.

“Ang sabi ni Harley ay masarap daw dito.” Tumango ako at tinanggap ang kamay ni Harvey na nakalahad sa akin.

Nang makapasok kami sa loob at umikot ang paningin ko at huminto sa isang particular na table.

Halos maiyak ako sa nakita ko. It’s Gio with a girl. Marahil ay naramdaman nyang may nakatingin sa kanya kaya luminga linga ito at huminto ang paningin sa akin. Mabilis akong nag-iwas nang tingin.

“Let’s go?”

Tumango ako at sumunod kay Harvey. Kung sinuswerte ka nga naman! Doon pa kami na-upo sa table malapit kala Gio.

“Nandito pala ang magaling mong asawa.” Aniya na may halong inis. “You wanna eat somewhere else?”

Umiling ako at tipid na ngumiti. “No need, Har. I can manage.” Nginitian ko siya at inabot ang menu na inaabot sa akin ng waiter. Pumalatak siya halatang di kumbinsido sa sagot ko.

Ngunit bago pa man ako makapili ng kakainin ay may humigit na kamay sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang masama ang tingin sa akin ni Gio. “Let’s go.” Matapang nyang sabi bago nag-iwas sa akin ng tingin at ibinaling kay Harvey.

“Dude, can’t you see? Hindi pa nga kumakain itong si Yannie ay iuuwi mo na?”

“Fuck off.” Iritadong sabi ni Gio at muling bumaling sa akin. “Dyanne, tumayo ka jan.”

“Ano bang problema mo?!” Napatili ako ng pangalan ni Gio nang biglang suntukin ni Harvey si Gio. “Tarantado ka pala e! Binabaliwala mo itong si Yannie sa bahay nyo tapos ngayon ay aangkinin mo siya na parang isang santong asawa?!”

Tumayo si Gio at pinunasan ang pumutok nitong labi. Kabod ay binigwasan nya rin ng suntok si Harvey dahilan kung bakit medyo nagkaingay sa loob ng restaurant. “Bakit ka ba nakikialam ha?! You son of a bitch!”

“Gio, enough!” Nang hindi tumigil si Gio ay lumapit ako at pinigil ang kamao nyang muling susuntok kay Harvey. “Gio, ano ba!”

“You stay out of this!” Aniya sa galit na boses at binawi ang kamay nya sa pagkakahawak ko.

Nagkapalit ang posisyon nina Harvey at Gio. Ngayon ay si Harvey naman ang sumusuntok. “Harvey!”

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now