To Love Again - cHappy twelve.point.one

Start from the beginning
                                    

“Kung ganun pala, pwedeng-pwede kitang angkinin.” He grabbed my arm. Panic mode!

“A-anong gagawin mo?!”

He licked his lips. Yuck! “Mga bagay na magugustuhin mo rin.”

Hinugot ko agad ang braso ko sakanya. Syet! Nanginginig ako sa takot. Kahit wala naman akong dapat ikatakot. Malay mo, hindi niya totohanin ‘yun.

Pero may malaking posibilidad na gagawin niya talaga ‘yun. Hindi ko alam kung pano nagsimula ang galit niya kay Arwill at bakit ba pati ako idadamay niya?

Ah oo nga pala, kasi concerned ako kay Arwill.

“Tigilan mo ko at ‘wag mo kong idamay! Lalo na si Arwill! Wala naman siyang kasalanan sa’yo.”

Inignore niya lang ‘yung huling sinabi ko. “Hah! Too late. Nakita ko kung gaano siya ka-concern sa’yo noon. Kaya alam kong may pakielam siya sayo. Now, ano kayang gagawin niya kapag inangkin na kita? Hindi pala kayo uh.” Umismid siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Parang ngang hinuhubaran niya na ko sa mga titig niya eh.

Gusto kong maiyak! Syet! Nakakadiri!

“Hindi mo ko magagamit laban sakanya.” Dahil wala naman akong halaga sa isang ‘yun.

“Tignan na lang natin.” Tapos tumingin siya sa likod ko at ngumisi. “Gusto ko siya. I can’t wait to have her in bed—“

Isang suntok ang natamo niya bago niya pa matuloy ang sasabihin niya.

“A**hole!” nanggagalaiting sabi ni Arwill. Napanganga ko sa nangyari. That was a mind-blowing punch. Napa-atras ng tatlong beses si Rico. Oo, hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan niya. Ang unggoy na nakaharap namin sa basketball court noon.

Siya ‘yung ‘De Guia’ na sinasabi nung nakausap kong pasyente kanina.

Tumawa lang siya. Baliw! Parang hindi nasaktan sa ginawa ni Arwill. Hello! Ampula na nga nung mukha niya.

Tinignan niya ko. “See how affected he is?”

Napalunok ako at napatingin kay Arwill na galit talaga. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil nandito siya o matatakot dahil baka mapahamak pa siya kay Rico.

“T-tama na!” baka mabugbog si Arwill ng unggoy na ‘to. “Ano ba talagang gusto mo?”

“Ikaw. Tinatanong pa ba ‘yan?” sabi niya na parang ang bobo ko naman nung tinanong ‘yun.

Nakakainsulto!

“I won’t let you have her.” Madiin na sabi ni Arwill na ikinagulat ko. His grey eyes is now void with anger. “Kung tungkol ‘to dun sa—“

“That isn’t the point here.” Iiling-iling niyang sabi pero bakas dun ang tigas ng boses niya. “Siya lang ang kailangan ko. Labas ka dito.” Then he smirk.

Bwisit! Ginagamit niya si Arwill! Alam ko na kung san ‘to papunta. Hinawakan ko sa braso si Arwill. “Tara na. ‘Wag na natin siyang pag-aksayan ng panahon. Baka kung ano pang—“

“No.” Mariin niya kong tinitigan na para bang sinasabi niyang hindi-kita-ibibigay-sakanya.

Pero...

“Alright. Let’s have a deal.” Napatingin kami kay Rico na nakangisi. Parang hindi ko yata gusto ang ngising ‘yan. “Kapag nanalo kayo sa championship, hindi ko na siya guguluhin. Hindi na rin ako magpapakita pa sakanya. Hindi ko na rin siya titignan kung gusto mo. *smirk*”

“Ok.” Sagot ni Arwill. Syet! Payag agad?!

Lalong lumawak ang ngisi ni Rico. Eto na nga bang sinasabi ko eh. “However, kapag natalo kayo, magiging akin siya.” Kinilabutan ako. “Bawal kang makielam. Lalong-lalo na ang pamilya mo. This is between you and me.” Tapos tinuro niya ko. “So give your best shot before I make your girl mine, Alvarez.” May bakas ng disgusto pagkabanggit niya ng apelido ni Arwill. I felt Arwill stiffened beside me.

To Love Again [TSCM series 2]Where stories live. Discover now