“Ganun ka naman parati. Ayaw mong pag-usapan natin ang mga bagay na ‘to. Anong pang dahilan para nag-asawa pa tayo kung hindi lang rin tayo magkakaanak.” Biglang tayo ni Clint at umalis ng walang paalam.

“Clint! Come back!” Sigaw ni Kristine. Ngunit hindi bumalik si Clint. Kinuha nito ang susi at sumakay ng kotse.

“Shit! Parati nalang ganito ang issue namin sa isa’t isa ni Kristine. I really tried to save this marriage..pero pakiramdam ko unti unting nabubuwag kami sa isa’t isa. Bakit ba hindi pwedeng maintindihan ni Kristine ang pangangailangan ko?”

Clint

Patuloy si Clint sa pagmamaneho..natagpuan n’ya ang sarili sa isang Childrens’ Park.

Lumabas si Clint sa kotse at naupo sa isang swing..

Nakita n’ya ang isang batang babae na naglalaro ng bubble gun; habang ang ibang bata naman ay tuwang tuwa na hinahabol ang mga bulang lumilipad.

“Kailan ako magkakaroon ng katulad nila..kailan?” - Clint

-----------------------------------------------

Samantala, sa opisina nina Yheng..

“Good Morning. Gusto kong mag-apply ng cable connection..saan ba ako pwedeng lumapit?” Tanong ng isang lalaki sa Guard.

“Pumasok lang po kayo doon sa loob, tapos makikita n’yo ang Information desk.” - Guard

Ngumiti lang ang lalaki at natuloy sa loob ng opisina. Napansin ng lalaki na halos nakikita n’ya na mga babae sa loob ay mga buntis.

May iilang technicians din ang naduroon.

“Good morning Sir. Ano pong kailangan n’yo?” Tanong ni Rizzy.

Hindi agad sinagot ng lalaki ang tanong ni Rizzy, bagkus palinga linga pa ito na tumingin sa paligid..

“Ahmmm, gusto kong mag-apply ng Cable Connection sa bahay..bagong lipat lang kasi ako dito..” Sabi ng lalaki

“Ah, sandali lang po tatawagin ko ang kasama ko.. Yheng!!” Biglang tawag ni Rizzy.

Mula sa isang pinto..lumabas si Yheng at may kausap sa cell phone..

“Please send us the equipments within this week..We need those equipments for our expansion..”

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now