Hinaplos ko ang buhok nya pababa sa kanyang mukha para punasan ang mga takas na luha sa kanyang pisngi. “I love you.” Bulong ko sa kanya. Mabilis akong niyakap ni Gio at hinalikan.

“Thank you for staying, Yannie.” Bulong nya at ibinaon lalo ang mukha sa aking balikat.

“I’m sorry this happened.” Bulong ko rin sa kanya. Dapat ay mas binantayan ko si Nate. Dapat ay hindi ko hinayaang mawala siya sa paningin ko. Dapat ay mas naging alisto ako. Muli akong napaiyak. Hindi ko matanggap na ako ang huling kasama ni Nathan ng mangyari ito.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Pero pakiramdam ko kasi ay safe ako kapag nariyan sa malapit si Gio. Dahil narin siguro sa pagod ay hinila ako ng antok.

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang oras ay mag-a-alas siyete na nang gabi. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Ang desisyong gagawin ko ay maaaring ikasira ng buong pagkatao ko. Alam kong dapat ay two-sided ito pero ginagawa kong one-sided.

Tensyonado parin kaming lahat dahil ng tumawag si Ally kanina ay umiiyak si Nathan. Nataranta ako. Pero pinaalala nya sakin ang usapan namin. Ang sabihin ko daw ay sa ibang lugar ako pupunta. Para hindi makahalata sila sa bahay.

Si Gio ay kasama ng mga pulis na nag-iisip ng maganda strategy para sa gayon ay walang kahit sino ang masaktan.

Nang sumapit ang 7 30 ay kinuha ko ang susi ng kotse para umalis na.

Maingat akong lumabas ng bahay para hindi nila mapansin. Buti ay sa labas naka-park ang kotse ko kaya wala akong problema sa tunog ng makina mamaya. Kumakabog ang dibdib ko dahil dito.

Nag-drive na ako patungo sa lugar kung saan namin napag-desisyunan ni Ally na magkikita. Doon sa dating eskwelahan namin noon elemtary na ngayon ay hindi abandunado na.

Nag-park ako at nakitang may dalawang kotse pa ang naka-park sa labas. Kabado akong bumaba at naglakad patungo sa loob.

Luminga linga ako para mapagtantong walang katao tao kahit saan. Ang dating puting pintura nang lugar na ito ay ngayon ay marami ng vandalism ng mga tambay. Napakalaki ng ipinagbago ng lugar na ito.

Naglakad ako patungo sa maliit na auditorium ng dati kong eskwelahan. At tama ako. Naroon sila dahil may liwanag sa loob.

Kamuntik na akong mapaiyak ng makita ko si Nate na nakaupo sa sahig at naglalaro kasama ni Ally. Napatingin siya sa akin at bakas ang kasiyahan sa mukha nya. “Mommy you’re here!” Mabilis itong tumayo at mukhang tatakbo palapit sa akin ngunit pinigilan sya ng isang lalaking kasama ni Ally.

“Not so fast, boy.” Nakangising sabi ni Ally at umayos ng upo.

“Well, kamusta ka, Yannie? It’s been what.. Oh, 6 or 7? I think 7?” Humawak pa si Ally sa kanyang baba na para bang nag-iisip talaga.

The Miserable BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon