chapter 69

6.2K 106 0
                                    

Yannah's pov

Magkahawak kamay lang kaming naglalakad ngayon ni ashton pero wala ni isang nagsasalita samin...
Ang tahimik yata nito?
Tsaka kanina pa kami naglalakad dito ah?

"Malayo pa ba tayo?"tanong ko sa kanya...

"Hmm...malapit na...pag may nakita kay kurtina sa harapan mo meaning nakarating na tayo..."sabi niya... kurtina?

Mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa may naaninag na puti... wait... kurtina...ito na yata yun hihi!

Akmang bubuksan ko na sana ang kurtina nang pinigilan ni ash yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya...

"Bakit?"tanong ko sa kanya...

"Sabay tayo"sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko at siya na ang nagbukas ng kurtina...

Agad na bumungad sakin ang napakalawak na bakante na may nakakalat na mga white and red petals...

Napalaki rin ang mata ko nang naglabasan sina mom and dad kasama sina kate and xander at iba pa na may hawak na mga letters...
Unti unti nilang binubuo ang letters hanggang sa nabasa ko na to..
Omyghadd! Ano to??

Napatingin naman ako kay ashton na nasa gilid ko ngayon...
Kinuha niya yung dalawa kong kamay tsaka ako pinaharap sa kanya...

"Braeyannah... alam ko marami tayong mga pagsubok na pinagdaanan sa buhay natin...
Nagkahiwalay tayo ng isang taon... hanggang sa pinagtagpo ulit tayo at naging fiancé kita... pero meron na namang problema na dumating at naging dahilan ulit yon para paghiwalayin ulit tayo... pero kahit ganun... hindi parin yun naging dahilan para hindi na tayo magkasama ulit... ginawa ko ang lahat para lang magkasama ulit tayo at hindi naman ako nabigo dun... at dun natin napatunayan na totoo tayong nagmamahalan... kasi di mo ko iniwan... at di rin tayo sumuko sa isat isa"
sabi niya sakin kaya di ko napansing napaiyak na pala ako...agad naman niyang pinunasan ang luha ko gamit ang hintuturo niya...

"At kung may hihilingin man ako... yun ay ang hindi kana ulit mawala dito sa tabi ko... at gusto kong tuparin yun ngayon brae... *sigh*"may kinuha siyang isang maliit na box sa bulsa niya tsaka siya lumuhod kaya mas lalo akong napaiyak... tears of joy!

"Braeyannah Ferymhille... I want to spend my whole life with you... please let me...

Will you marry me?"Tanong niya sakin...
Patuloy paring tumutulo ang luha ko dahil sa saya habang nakatingin sa kanya...

"Yes! Yes!" Sabi ng mga audience daw kuno namin na nandito sa gilid namin ngayon...

"May choice pa ba ako? Ofcourse Yes Ashton! I ALSO WANT TO SPEND MY WHOLE LIFE WITH YOU!" Sabi ko sa kanya kaya agad siyang napangiti sakin tsaka sinuot ang singsing sakin sabay yakap ng mahigpit...

"Thank you brae! Thank you very much!"sabi niya sakin habang nakayakap sakin ng mahigpit...
May naramdaman naman akong parang basa sa balikat ko kaya pinaharap ko siya sakin...
Umiiyak siya?

"Yah! Why are you crying? Akala ko ba gusto mong marinig yung yes ko?"tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin tsaka niya pinunasan ang luha niya...

"Ofcourse... I'm crying because I'm happy...and thank you for making me happy na nakapagpaiyak sakin ng ganito"sabi niya sakin kaya napangiti ako...

"I love you brae... forever"sabi niya tsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi tsaka niya unti unting nilapit ang mukha niya sakin...
I just close my eyes and wait until his lips landed on mine...
We just kiss like we're alone in this world...

Maya maya ay bumitaw narin siya pero pinagdikit parin niya yung noo namin...

"I love you braeyannah...so much!"

"I love you too ashton!"sagot ko sa kanya kaya naghiyawan yung mga audience na nandito Hahaha! At syempre nangunguna na dun si xander at kate...

Lumapit narin kami sa kanila at agad naman nila kaming binati..

May handaan rin palang nagaganap...pinlano pala talaga nila to ah?
Haha!
pero I'm just so happy right now... kasi finally nagpropose na sakin si ashton...
At hinding hindi na kami papayag na may makapaghihiwalay pa samin...

Kate's pov

Pagkatapos ng nangyari na surprise proposal ni ashton para kay yannah...
Nagpasya na akong umuwi kaya hinanap ko si xander para magpahatid...
Kotse kasi niya yung ginamit namin papunta Dito kaya kailangan ko pa siyang hanapin para ihatid ako...

Nang mahagilap ko siya sa may gilid kasama yung ibang kaibigan niya ay agad ko siyang nilapitan...

"Uhmm...excuse me... xander... pwede mo ba muna akong ihatid? Wala kasi akong masakyan na iba eh"sabi ko sa kanya and agad naman siyang tumango...

"Yup sure... tara" sabi niya sakin tsaka niya pinulupot yung kamay niya sa bewang ko para alalayan ako...
Hindi rin naman ako nailang kasi sanay na naman akong gawin niya yan...

Pero ewan ko ba... kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may nakatingin samin eh... sakin to be exact...

Pero pag lumilingon ako wala naman... baka guni guni ko lang yun...

Sean's pov

"Hanggang sulyap sulyap kana lang ba talaga dyan?" Tanong sakin ni ashton...
Yes, I'm here at his wedding proposal for yannah.. pero di alam ni kate...
Ayaw ko kasing malungkot na naman siya once na makita niya ulit ako...
Pero ako naman yata ngayon ang nasasaktan sa nakikita ko eh...

Magkasama lang naman sila ni xander habang hinapit pa talaga siya ni xander sa bewang pero hinayaan niya lang to...

Napatiim bagang nalang ako kasi ganun parin naman eh...
Wala akong magagawa... hindi siya ang pinili ko.. at mas pinili ko pa siyang saktan... kaya dapat lang siguro na hayaan ko nalang siya sa piling ng iba...

"Ganun talaga eh... ano pa bang choice ko? Ok na sakin tong ganito.. ang masilayan siya kahit sandali lang... ito yung pinili ko eh... ang saktan siya at hayaan siyang makuha ng iba"sabi ko nalang kay Ashton...
Buti pa to wala ng problema...

"Hayy...kahit ako rin naman kapag nalagay ako sa ganyang sitwasyon... di ko rin alam ang gagawin ko eh... kaya saludo ako sayo sean...kasi nakakayanan mo ang lahat ng sakit na naidulot ng desisyon mo... pero hindi rin naman natin masasabing mali ang pinili mo diba? Kaya ok lang yan... magiging ok rin ang lahat"sabi niya sakin tsaka tinapik ang balikat ko at nagpaalam muna na pupuntahan muna si yannah...
Hayyss..
Sana nga...
Sana maging ok rin ang lahat...

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now