chapter 54

5.1K 105 5
                                    

Ashton's pov

Pagkatapos ng nangyari sa airport kanina ay agad akong pumunta sa office ni dad kasi tinawagan niya ako para papuntahin dun...
At alam kong dahil na naman yan sa kasal daw na mangyayari...pero syempre kailangan ko ng pigilan ang kasal na yan lalo na ngayong tuluyan na akong iniwan ni brae...
At gagawin ko ang lahat para bumalik siya sakin....

Pagkarating ko sa company namin ay agad akong tumungo sa office ni dad...

*knock knock*

"Come in"sabi ni dad galing sa loob kaya pumasok ako pumunta sa table kung saan siya nakaupo...

"Saan ka galing?"tanong niya...
Anong klaseng tanong yan?

"Sa airport"sagot ko

"I heard...pumunta daw si yannah sa korea...at balak mo siyang pigilan kanina, am I right?"sabi ni dad kaya napatingin ako sa kanya...

"At dahil sa di mo siya napigilan... may balak kang sundan siya dun sa korea...diba?"

"*sigh* why not? Kung mahal mo ang isang tao... gagawin mo ang lahat para bumalik siya sayo"sagot ko..

"Damn that love thingy! May fiancé ka Ashton! Alam mo ba yun ha?!"

"Fiancé?! Bakit? Sino bang naglagay sakin sa sitwasyon na yan without my permission?! At alam mo bang yan din ang dahilan kaya umalis si yannah ha?! Alam kong alam mo na mahal na mahal ko si yannah at siya lang ang gusto kong pakasalan pero anong ginawa nyo? You ruined everything! Dahil sa kasal kasal na yan!"
Sigaw ko kay dad... I don't care kung anong iisipin niya... kasalanan din naman nila eh!

"Bakit ashton?! Sa tingin mo bakit ko ginawa to lahat? Diba para rin kay yannah? Kasi kung hindi ako pumayag sa arrange marriage niyo ni joyce, edi sana ngayon ikaw ang sinisisi ni yannah sa pagkawala ng company nila! Alam kong mahirap sa inyo tong sitwasyon ngayon pero ito nalang ang tanging paraan para maging maayos ang company natin..."sabi niya...

"And sorry to say but,gagawa ako ng paraan para hindi matuloy yang kasal na yan... at wala kayong magagawa dun"sabi ko tsaka ako lumabas ng office...

Alam kong may paraan pa para hindi matuloy yang kasal na yan...
At yun ang aalamin ko...

Yannah's pov

1 week na ako dito sa korea at nandito lang ako sa unit ko nag stay...

Hindi muna ako makakauwi dun sa phil kasi nalaman nila mom at dad na pumunta ako dito and they want me to manage our business here,
May boutique kasi dito si mom and isa ito sa kilala sa buong asya kaya gusto niyang ako muna ang magmanage pansamantala dito sa boutique...

*phone rings*

Napatingin ako sa cp ko nang biglang tumunog...
Si mom pala...

Hello mom?

Hi sweetie...how are you?

I'm fine... and wala namang problema dito sa boutique...

Ahh ganun ba? sige... Kailan ka pala babalik dito sa phil?

Maybe next month? I dunno...

Ahh ok sige...just tell me kung uuwi kana dito Ha? I'll just book you a ticket...

Ok thanks mom...

Ok sige bye sweetie... take care..

Ok mom... you too..
*end call*

Hayys...ano bang pwedeng gawin dito sa korea?
Ano kaya kung maghanap muna ako ng oppa? Hahaha!
Or hahanapin ko nalang si jungkook? Hmmm...
Magandang idea! Pero baka busy siya eh... wag nalang!

Mamamasyal na nga lang ako...
Hayyss...
Bat kasi wala akong sinama dito eh...

Kate's pov

Nandito ako ngayon sa room ko habang naghahanda ng gamit ko kasi may pupuntahan daw kami ni xander...
Susundan daw kasi namin si yannah pero syempre surprise lang namin yun sa kanya hihi!

Tsaka simula nung umalis si yannah palagi ng tambay dito si xander... ewan ko ba sa kanya...
Ginawa ng tambayan tong unit ko tss...

"Ready kana?"
Sabi ni xander kaya napalingon ako sa kanya... nandito na pala siya.... tresspasing talaga to...

"Yup... ito na matatapos na"sabi ko sa kanya tsaka sinarado ang maleta ko at ibinaba ito...

"Ako na magdadala"
sabi niya sabay kuha sa bagahe ko at naunang lumabas...OK...

Pagdating namin sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan niya... sumunod rin siya at agad naman akong napasinghap nang bigla siyang lumapit sakin... as in ang lapit ng mukha niya!

"Yan nakabit ko na"sabi niya sabay ayos ng upo... ikinabit pala yung seatbelt...

"Ahh t-thanks"sabi ko nalang tsaka umayos ng upo at pinaandar narin ang sasakyan niya papunta sa airport...

"Pagdating natin sa korea---"

"May hotel kami dun kaya dun nalang tayo magpapahinga"putol ko sa sinasabi niya kaya tumatango tango nalang din siya...

Napansin ko namang parang may nakasunod samin pero I just ignore it...
Baka assuming lang ako...

"We're here"sabi niya kaya napatingin ako sa labas...
Nandito na nga kami...

"Ipapakuha ko nalang tong sasakyan ko sa driver namin..."sabi niya tsaka ako pinagbuksan ng pinto...
Nag thank you rin ako sa kanya at nagulat nalang ako nang bigla niya akong akbayan... tatanggalin ko sana pero...

"Hayaan mo muna tong braso ko sayo...just 5 mins."sabi niya sabay smirk... bakit kaya? Trip lang niya? Psh!

Pagkadating namin sa waiting area kung saan uupo ang passengers ay agad siyang nagpaalam para pumunta muna sa restroom...kaya tinanguan ko nalang din siya...

Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko kaya tiningnan ko kung sino yun at...wait...

"Sean?! B-bakit ka nandito?"tanong ko sa kanya...

"Bakit? Sayo ba tong airport para pagbawalan mo ko dito?"tanong niya sakin...

"Wala naman akong sinabi ah! Nagtatanong lang eh Psh!"sabi ko...
Narinig ko naman siyang nag sigh tsaka nagsalita...

"I just want to protect my girl..."
Sabi niya kaya napakunot ang noo ko....

"H-ha? Anong sabi mo?"tanong ko sa kanya...

"Gusto ko lang makasigurado na hindi maagaw ang akin...wait... soon pala... "sabi niya sabay tumayo at agad binati si xander na nandito na pala sa tabi ko nakatayo...

"Yow bro...nandito karin pala"sabi niya sabay hapit sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya...
Nakita ko namang nag tiim bagang si sean habang nakatingin kay xander kaya pinutol ko na ang tinginan nila...

"Ahh... tara na? Nandyan na yung airplane oh"sabi ko sa kanila kaya tumango nalang din si xander tsaka ako hinila... ano bang problema ng mga tao ngayon?

My Ex, My Fiance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon