chapter 31

5.8K 132 3
                                    

Aston's pov

"Ash,yan naba lahat ng gamit mo? Wala kana bang nakalimutan? "Tanong sakin ni mom... ngayon na kasi ako aalis tsaka ayaw ko ng tapusin ang isang buwan, wala narin naman si brae eh...

"Hmm...nandito na po lahat mom,tara na po"aya ko kay mommy pero nakatingin lang siya sakin...

"I know your not ok ash,nakikita ko sa mata mo so don't hide it... tsaka may chance ka pa namang puntahan siya ngayon eh"

"Alam nyo naman po na ayaw niya akong makita diba?"

"Anong oras ngayon?"
Tanong ni mom kaya tumingin ako sa relo ko...

"4:56 in the morning"sagot ko...

"Do you think gising na siya ngayon ng ganyan kaaga? Dati nga eh palagi siyang nalelate kasi tanghali na siya nagigising eh ngayon pa kaya?"sabi ni mom...

"So, ano pong gusto nyo?puntahan ko po siya dun sa bahay?"

"It's up to you kung pupuntahan mo siya?"sabi ni mom sabay pakita sakin ng susi ng sasakyan na gagamitin namin...

"Sige na ash puntahan mo na siya... magpaalam ka bago ka umalis"dugtong pa ni mom tsaka binigay sakin ang susi... kinuha ko nalang ito...

"Ok.. thanks mom"sabi ko sabay punta ng garage para kunin ang car...
Tsaka ako nagmaneho papunta sa bahay namin...

Pagdating ko sa bahay namin ay agad akong pumasok sa loob... may spare key din naman ako kaya nakapasok ako...
Pagdating ko sa harap ng pinto ng kwarto ni brae ay pinihit ko muna ang doorknob para icheck kung nakalock ba and luckily hindi naman...
Dahan dahan ko itong binuksan tsaka ako pumasok...
And then I saw her sleeping,nilapitan ko siya at tsaka ko lang nakita yung pamamaga ng mata niya...

"Ash"sabi niya kaya nagpanic ako konti pero nanaginip lang pala siya... ganun ko ba siya sobrang nasaktan?

"Sorry brae,I promise babalik ako after 2 years,I love you braeyannah... goodbye"bulong ko sa kanya tsaka siya hinalikan sa noo... gumalaw naman siya konti dahil sa ginawa ko...
Lumabas narin ako ng room niya bago pa siya magising...

Bago ako pumasok sa sasakyan ko ay tiningnan ko muna ang kabuuan ng bahay namin...
I will miss this house...
I will miss you brae😣😣😣

Yannah's pov

Napapitlag ako nang marinig kong sumarado ang pinto... agad akong pumunta sa may bintana para tingnan kung sino yung lumabas and then I saw him...nandito siya?
Sumakay narin siya sa sasakyan niya tsaka umalis...
Nakita ko naman yung note na nasa table and nakalagay dun ang date kung kailan aalis si ash... ngayon pala yun?
Ang hindi man lang niya ako ginising?
Ang unfair naman! 😭😭😭

Ngayon na nga lang ang huli hindi pa ko nakapagpaalam sa kanya...
Hayys!😔😔😔

But still I will keep his promise....
At sana tuparin niya yun... hihintayin ko siya...
Hihintayin kita ashton...

Ashton's pov

Nandito na kami ngayon sa airport and kasalukuyang nagpapaalam kay mom and dad...
Silang dalawa lang kasi ang naghatid sakin ngayon kasi sina mom,dad and yannah lang naman ang nakakaalam na ngayon ang alis ko... ang alam kasi nung iba, after a month pa ako aalis pero pinaaga ko nalang...

"Mag iingat ka dun ash ha? Tsaka kinuhanan ka narin ng condominium ng dad mo and may mag aassist lang sayo dun OK? Don't worry magiging ok rin ang lahat... "sabi ni mom...sana nga...

"Yes mom... thank you po... uhm punta na po ako dun ready na daw yung airplane na sasakyan ko..."paalam ko sa kanila ni dad...

"Ok sige son...take care"sabi ni dad tsaka ako tumalikod na para pumasok na sa loob...
Sana talaga maging ok na ang lahat...

(A/n: next chapter is yung buhay nila after 2 years so abangan niyo nalang kung anong mangyayari sa kanila 😊😊😊)

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now