chapter 44

5.9K 99 1
                                    

Yannah's pov

"Anong oras tayo uuwi?"tanong ni ash sakin... nandito kasi kami ngayon sa room ko kasi dito siya natulog... ewan ko nga kung bakit dito pa siya eh meron naman siyang room...

"Siguro after lunch nalang para makaligo pa tayo mamaya sa dagat"sabi niya habang nakapikit...
Kakagising lang kasi namin pero tinatamad pa daw siyang lumabas...

"Ahh ok... sige punta muna ako sa kusina para makapagluto na ako ng agahan natin"sabi ko sa kanya at akmang tatayo na ako pero bigla niya akong hinila pahiga...langya talaga to...

"Mamaya na dito ka muna sa tabi ko, inaantok pa ako ehhh"sabi niya na parang bata tsaka ako niyakap...

"Edi matulog ka diyan,wala naman akong sinasabing bumangon ka rin diba?"sabi ko sa kanya habang pilit na inaalis yung kamay niya na nakayakap sakin...

"Nahhh! Samahan mo muna ko dito pleaseee!"sabi niya... hayys! Para talagang bata!

"Magluluto nga ako ng agahan natin ok? Para may makain tayo"sabi ko...

"Hayy...sige na nga! Pero....kiss muna hmm.."sabi niya sabay pout...
Ang adik nito!
Pero sige pagbigyan nalang para makaalis na ako...

"*tsup* yan ok na? Sige na magluluto pa ako tulog ka muna diyan"sabi ko sa kanya tsaka na ako tumayo kasi naalis ko na yung kamay niya eh...
Pero bumangon din siya pagkatayo ko...

"Oh bakit ka bumangon?"tanong ko sa kanya...

"Nagising na ako sa kiss mo eh tara samahan na kitang magluto"sabi niya tsaka naunang lumabas... naka drugs ba yun?

@kitchen

Nadatnan ko lang siyang sinisilip yung laman ng ref pagdating ko dito sa kusina...
Bakit wala pa tong kinukuha? Ayaw ba niya ng pagkain na nakalagay dun?

"Bakit di ka pa kumukuha ng lulutuin natin? Akala ko ba magluluto na tayo?"tanong ko sa kanya...

"Wala kasi akong alam na lutuin diyan eh"sabi niya sabay kamot sa batok niya...

"Walang alam lutuin or di ka lang talaga magluto?"tanong ko sa kanya...
Parang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napatingin siya sakin na parang nagtataka...

"Pano mo nalaman na di ako marunong magluto?"tanong niya...

"Uhmm...sinabi sakin ni kate... tama, sinabi ni kate sakin"sagot ko...pero nalaman ko lang yun dahil sa mga napapaniginipan ko... like meron daw akong hinahawakan na papel habang binabasa ito sa harapan niya at isa sa nakasulat dun is "cook your own food,I don't care if you can't cook" kaya yun nalaman ko na di siya marunong magluto...

"Ahh si kate talaga ang daldal psh!"sabi niya... kumuha narin ako ng lulutuin namin sa ref...
Nilabas ko yung bacons,hotdog, tsaka yung panggawa ng pancake...
Tsaka nag umpisang nagluto..

"Alam mo ba, ang pinakagusto kong luto mo is yung carbonara... favorite ko kasi yun pero nung ikaw yung mismong nagluto mas naging favorite ko pa"sabi niya sakin habang pinapanood akong nagluluto...

"Talaga? Hmm...gusto mo magluto tayo mamaya ng carbonara?"tanong ko sa kanya...

"Talaga? Yeyy! Thanks brae!"sabi niya sabay yakap sakin sa likod...

"May sinabi ba akong magluluto talaga? Nagtatanong lang naman ako ah"biro ko sa kanya kaya natigil siya...

"Ang daya mo naman eh!huhu!"sabi niya tsaka nag act na parang umiiyak... natawa nalang ako sa reaksyon niya haha!

"Oo na! Mamaya magluluto tayo nun OK?"sabi ko sa kanya... para talagang bata psh!

"Promise yun ah? Thanks my brae!"sabi niya... my brae? Saan naman nanggaling yun?
Alien words talaga to...

Kate's pov

*alarm rings*

Aisshh! Sinong naglagay ng alarm clock dito sa room ko? Wala naman akong alarm clock na dala ah? Hayys!

Minulat ko muna yung mata ko para patayin yung alarm clock pero nagulat ako dahil sa lalakeng nakatayo dito sa tabi ko habang may hawak na alarm clock...
Anong ginagawa nito dito?

"Bat nandito ka? Tsaka...bakit may dala kang alarm clock?"tanong ko kay xander... yes, si xander lang naman tong nagdala ng alarm clock sa room ko tsk!

"It's breakfast time,gumising kana diyan nandun na silang lahat sa dining room ikaw nalang ang wala"sabi niya sakin... naman eh!

"Inaantok pa ko eh! Pwede mamaya nalang ako kakain?"sabi ko sa kanya...

"No,hindi pwede... kung di ka babangon diyan mapipilitan akong buhatin ka pababa papuntang dining room at syempre pagkakita nila satin.. iisipin nilang---" agad kong tinakpan ang bibig niya kasi alam ko na susunod nun eh psh! Tong lalakeng to!

"Oo na baba na! Nagtatanong lang eh tsk!"sabi ko tsaka dahan dahang bumangon at umupo muna...

"Hayys! Ang bagal!"sabi niya at nagulat nalang ako nang bigla niya akong buhatin yung pang bridal style? Aisshh!

"Ibaba mo nga ko ano ba! Sabing ibaba mo ko eh! Kakain na nga ako diba?!"sabi ko sa kanya tsaka nagpupumilit na bumaba pero siya? Walang epekto tss..

pagdating namin sa dining room ay agad silang napatingin samin...

"Woah! Ang bilis mo talaga xander Hahaha!"sabi sakanya ni ashton... anong ang bilis?

"Oo naman! Hahaha!"sagot niya kay ashton... wait... di ako maka relate ah!
Agad naman akong binaba ni xander sa upuan tsaka kinuhanan nf pinggan at nilagyan ito ng pancake,Bacon at hotdog...
Ok edi siya na sweet psh!

"Yiieee! Umamin nga kayong dalawa, what's the real score? I mean, dati pinagpartner ko lang kayo kasi parehas kayong walang partner... tapos yun pala...hahahaha!"sabi ni yannah samin..

"Uyy! Wala ah---"

"Akala ko nga rin di ako mahuhulog kay kate eh pero sabi nga naman nila maraming namamatay sa akala at masasabi kong totoo yun kasi tingnan nyo naman! Patay na patay na ako sa kanya!"putol ni xander sa sinasabi ko... langyaaaaaa!
*face palm*

"Iba na talaga pag patay na patay na eh no! Hahahaha!"sabi naman ni mina...
Napatingin naman ako sa katabi niya na pinagsasaksak na ang pancake ng tinidor...
May pinapatay yata to sa isip niya eh...

"Uy sean! Kawawa naman yung pancake oh! Sobrang wasak na!"sabi ni yannah sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya...

"Sorry... nanood kasi ako nung manika na may na kutsilyo kagabi eh tapos nagaya ko yung ginagawa niya...ang cool kasi"palusot niya... chuckie? Seriously??

"Hahahahaha!patawa ka talaga sean Hahaha!"sabi ni yannah at tumawa na silang lahat
Nagsimula na din akong kumain kasi gutom narin eh...
Hayyy...

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now